Chapter 23 Ü

327 5 0
                                    

September 29, 2007.

Hindi masyadong maganda ang panahon. Umaga palang ay umaabon na. Madaming tao sa bahay, nagsi uwian ang mga kamag anak namin galing Bacolod ( sa Father’s side). Punong puno ng tao ang bahay namin, may mga nagluluto sa labas may mga nag mmake-up sa kwarto at nag aayos ng kani-kanilang damit na pang abay sa may sala. Kagulo sila at hindi magkandatuto sa kakaparoo’t parito. Ngaragness at its best!

Every girl is dreaming for this day to come.

“Her wedding day.”

I have seem to find what I’ve been looking for from marriage: Your ideal person. Your soul. You're only one.

The one that  proves that dreams really do come true.

Binuksan ko ang kwarto at sumilip ng dahan-dahan. Tinitignan kong mabuti kung may mga tao pa ba.

Buti nalang at wala na.

Unti unti, lumingon sa akin si Ate.

Napa nganga akong literal.

Siya na ang pinakamagandang bride na nakita ko, swear!

Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Maiiyak na ako pero nagpipigil lang ako. Pag umiyak ako, maiiyak din siya edi sayang ang make up. Jusko. MAC airbrush pa naman ito. Lol.

Nilapitan ko siya at ni kiss sa cheek. Sobrang saya ko para sakanya.

“Congrats Ate. Ang ganda ganda mo.”

Yan nalang ang nasabi ko sakanya dahil nanjan na ang mga epal na photographers. Sinusundo na ang bride dahil kailangan na namin pumunta sa simbahan.

Nagpicture-picture muna kami sa sala. Nakakatuwa lang din kasi parang reunion na ng family namin. Minsan lang kasi makumpleto dahil sa side ni Daddy, hiwa-hiwalay. Kung saan saan part ng Pilipinas at yung iba naman ay nasa ibang bansa.

Matapos ang picture-taking ay sasakay na si Ate sa kotse. Medyo maputik kasi sa harapan ng bahay namin dahil sa walang tigil na ambon.

At dahil cheesy masyado si Kuya Bernard (ang groom) ay binuhat niya si Ate pasakay ng kotse. Jusko po ang sweet lang eh. Hindi pa simula ang kasalan binuhat agad? Hiyawan ang mga tao.

Sus, mga inggitera. Tatanda na kinikilig pa. Charot!

Tumingin ako sa salamin bago umalis, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung napansin ba nila na  malaki na ang ilong ko at naiiba na ang shape ng mukha ko dahil sa pagbubuntis ko. Ngayon gets ko na bakit nun sinabi ko kay Ate na ang ganda niya, ni kahit bola hindi niya sinabing maganda rin ako. Leche lang  eh. Ako na ata ang pinkapanget magbuntis sa buong universe!

Yung gown ko na dalawang beses inadjust eh sa awa naman, masikip parin! Anak ng tokwa! Para akong suman sa lihiya sa kalagayan ko. Hindi lang mahirap kumilos, kundi mahirap pang huminga. Sabayan mo pa ng 2 inches kong heels. Ayaw nga ipasuot sakin ni Dan ‘to at baka raw matapilok ako. Eh alangan naman mag sneakers ako sa kasal? Obvious na obvious lang? hays. Tiis tiis muna ako. Maulan kaya sobrang bagal ko maglakad. Halos kada hakbang ko, napapa “Jusko po” ako. Natatakot akong madulas eh.

Pagdating sa simbahan, unti unti ng sumama ang pakiramdam ko. Sa may bandang unahan ako nakaupo kasama ang iba pang abay samantalang si Dan ay pinasama ko muna sa mga pinsan ko – kina Ige. Maya’t maya nagttext ako kay Dan na nahihilo na ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tapusin ang misa. Pinagpapawisan na ako at nahihilo na ako sa samu’t sari kong naamoy. Amoy bulaklak, amoy pabango, amoy pawis, amoy bayabas. Char!  Pambihira! Parang babalgtad na ang sikmura ko.

Lagi akong sinesenyasan ni Mommy na puntahan ko si Ate at aalalayan ko siya tuwing lalakad. Aayusin ko raw dapat ang damit niya pati ang buntot ng gown niya kasi ako daw ang maid of honor. Kaya ba ‘maid’ kasi katulong? Psh! Hindi ako na inform agad edi sana sana hindi nako nag gown. Hindi pa ako nahirapan ng ganito. Char!

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon