Chapter 13 Ü

369 3 0
                                    

ECE week namin kaya naman wala kaming klase buong linggo. Sumali rin ako sa volleyball team kasi sanay naman daw ako. Saka sa sobrang konti ng babae samin isang team na kaming lahat. Ayoko nga sana kasi lakas maka itim pero iitim naman ako talaga ke sumali ako o hind eh, sa init ba naman sa may oval. Hindi naman ako magaling maglaro, larong echos lang ang alam ko masabi lang na may sports. Haha Pero kumpara naman sa classmates ko, magaling ako. : )

Nahihiya pa ako tuwing nanonood si Dan saken. Wala kasi siyang mapapala, hindi siya magiging proud saken kasi magaling ako. Gayumpaman present parin siya sa lahat ng laban namin pati sa basketball game ng mga kaklase ko. Nag ccoach pa nga siya sa kanila eh. 

Pero ang isa sa pinaka excited kami ay ang ECE night, yun kasi ang isa sa pinakamalaking event na hinihintay naming ECE students. Pampawala din ng stress kasi merong performances, awards saka syempre party party! At heto na yung chance ng mag jjowang mag date kasi para itong prom night, naka casual attie nga lang.

Last year naalala ko yung pambbully nila Kristel saken dun sa classmate ni Patrick na pilit nilang ipinasayaw sakin. Pero ngayon iba na, ngayon kasi si Dan na ang kasama ko. Siya ang date ko, my night and shinning armor! Charot!

Hindi ako nagpasundo sakanya kasi hinatid ako ng dad ko sa school kaya hinintay na lang niya ako sa main gate. Malayo pa lang ay nakita kong nakangiti na siya sa akin. Simple lang naman ang suot ko, madalas sa school naka t-shirt and jeans lang ako kaya ngayon nag blouse ako maiba lang. Conservative ang jowa ko baka ikagalit lang niya pag nag dress ako kaya yung simple na lang ang sinuot ko.

Paglapit ko nakita ko nakatulala parin siya sa akin. Ngumiti ako at niyakap siya para naman matauhan ayaw magsalita eh.

"Bakit ganyan ang tingin mo sakin huh? May mali ba? May dumi ba ako sa mukha?"

"W-wala. Ang ganda ganda mo ngayong gabi kaya natulala ako sa'yo."

Hinalikan niya ako sa pisngi kaya umakyat lahat ng dugo ko dahil dun at dahil sa sinabi niya. Lagi naman niya ako sinasabihan ng maganda pero ngayon ko lang yata nakita na nalaglag ang panga niya.

"Sus, kala ko naman kung ano. Buti naman at nagustuhan mo ang ayos ko, nagpaganda talaga ako para sa'yo."

Bigla nalang kumunot ang noo niya na tila ba nagagalit. Ang moody ni kuya? Kanina lang ngiting ngiti ngayon parang galit na.

"Maganda ka, sobra. Pero bakit ba ganyan ang suot mo?"

"Ano bang mali sa suot ko? Hindi naman ako naka sleeveless ah. Hindi din ako naka dress. Naka pants naman ako."

"Yung cleavage mo, nakikita. Makikitaan ka niyan eh! Uuwi tayo at magpapalit ka!"

"Oy grabe ka naman! Kanina lang pinupuri mo ako ngayon ayaw mo na ng suot ko? Hindi naman masyadong mababa eh, para V-Neck lang 'to hindi ito plunging neck line! Hindi tayo uuwi. Pumasok na tayo."

"Alam mo naman ayoko ng ganyan diba? Kasi kapag nabastos ka, baka makapatay ako!"

Hala!  Ang creepy lang ng boses niya!

"Hindi ako makikitaan, hello gabi na oh. Madilim dun, sino naman ang tititig pa saken. Saka kasama naman kita eh, walang magtatangka. Takot lang nila sa'yo. Alam ko hindi ka mahilig sa ganito, buti nga at sumama ka."

"Kung hindi mo naman ako kasama hindi kita papayagan eh. Mamaya isayaw ka pa ng MJ na yun o kaya ni David o kaya ni-"

"Hep hep hep! Baka mag away pa tayo eh masira ang kagandahan ko. Tara na nga sa loob."

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon