Chapter 22 Ü

272 1 0
                                    

Kinabukasan, napagdesisyunan namin ni Dan na harapin na ang parents niya. Hindi pa kami prepared na sabihin pero wala kami choice kaya lang kinakailangan na dahil sa kundisyon ng baby. After lunch ang usapan namin ni Dan na pupunta kami sa kanila. September na ngayon, siguro 2 1/2 months na yung baby ko.

Dahil nauna natapos yung klase ko matapos kaysa kay Dan, nauna na ako sa bahay nila. Pagdating ko dun pinapasok naman akoagad nila Tita Meng at Tito Ding. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanila. Hindi ako makatingin sa mga mata nila. Natatakot ako sobra.

“Sorry po. Pasensya na po kayo sa nangyari.”  Naiyak ako habang sinasabi sa magulang ni Dan.

Tita Meng: “Huwag mo ng isipin yun, Karen. Huwag ka na umiyak at lalong makakasama yan sa baby.”

Tito Ding: “Karen, kamusta ka na? Dinudugo ka pa ba?”

Bakas sa mukha nila ang sobrang pag-aalala. Nag early out nga si Daddy Ding para magkausap kami tungkol sa kundisyon ko.

“Ah, hindi na po gaya kagabi. Ngayon po parang bahid nalang ng dugo.”

Tita Meng: “Nasaan na ba si Dan? Bakit ba wala pa siya? Hindi ba nagtext sa’yo? Para makapagpacheckup na tayo.”

Tito Ding: “Sandali lang at tatawagan ko.”

Lumabas si Tito Ding papunta sa kusina para tawagan si Dan. Ako naman ay nagtext narin at tinatanong ko kung asan na siya. Dapat sa mga oras na ito andito na siya eh. Ano na kayang nangyari dun at wala parin siya? Naiinis na ako sobra! Hinayaan ba naman ako humarap sa magulang niya mag isa. Nkakabadtrip!

Tito Ding: “Mommy, mauna na kayo ni Karen sa hospital. Susunod nalang daw si Dan dun.”

Tita Meng: “Mabuti pa nga. Tara na Karen, umalis na tayo.”

“Sige po.”

Nakokonsensya ako kasi wala ako narinig na sermon mula sa kanilang dalawa. Maaring kaya hindi rin nila ako mapagalitan dahil alam nila ang kundisyon ko.

Maya maya pa nakareceive ako ng text mula kay Dan.

From: Dan

“Asawa ko, sorry. Susunod nalang ako sa hospital. Meron lang ako inaasikaso. Sorry talaga. I love you.”

Sa sobrang inis ko hindi na ako nagreply. Hindi ko alam kung bakit pero parang  kinukutuban na naman ako. May hindi magandang nangyari sigurado ako.

Pagdating namin sa hospital ay agad akong inultrasound ni Dra. Tan. Nung nakita ko yung imahe ng baby sa monitor, kakaibang saya yung naramdaman ko. Unti unti pumatak ang luha ko at nakalimutan ko na ang kaba dahil masaya ako.

Dra. Tan: “Safe naman ang baby mo, buti kahit paano ay makapit siya kaya hindi siya nalaglag. Pero hindi maganda ang kundisyon niya. Nakapag vitamins ka ba?’

“Nagpacheck-up po kami ni Dan nung nakaraang araw pero hindi pa po kami nakakabili ng vitamins eh.”

Dra. Tan : “Kulang nga sa vitamins yung baby mo. Although okay naman ang laki niya, normal naman. Pero dahil nag b-bleed ka. Kailangan mo mag bed rest. 1-2 weeks.”

Hala bedrest?  Hindi pwede ito! Malalaman ng parents ko kapag hindi ako pumasok sa school. Saka September na, finals na next month. Marami akong ma mmiss sa school. Hindi talaga pwede.

Dra. Tan : “ Eto ang mga vitamins na kailangan mong bilhin at inumin. Magpahinga ka mabuti, after 2 weeks bumalik ka para ma check ko kung may improvement kay baby. Oras na mag bleed ka, kahit wala pang 2 weeks ay bumalik ka kaagad.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon