Hindi ko talaga maintindihan sa sarili ko bakit pa ako kumuha ng Electronics Engineering, oo I love Math. Above all subjects back in high school laging dito sa subject nato ako nakakakuha ng pinakamataas na grade. Kaso Engineering? The heck! Eh ang tamad tamad ko nga. Malay ko ba namang bukod sa duguan ang course na ito, ang dami daming echos na kailangan gawin. Drawings, programming.. mga nakakainis na minor subjects ko!!! Second year nako ngayon pero hindi pa ako nasasanay sa stress. Feeling ko literal na dumudugo na yung utak ko sa sobrang hirap.
Sabayan pa ng pag drop ng mga kaibigan ko, si Amerie, Jhem, Mhilette at Robert. Naiwan nalang si Victoria, na lagi na niyang kasama si Meng. Nakakalungkot. Hays. Totoo ata ang sabi nila na sa Engineering, madami talagang hindi nakaka graduate, either nag ddrop or bumabagsak. Pero bakit yung mga ka close ko pa?
Kaya ngayon, I have new set of friends. Leng, Kristel at Chico. Sila na kasama ko since nagstart ang second year. Masaya silang kasama, laugh trip lang lagi. Sila yung mga akala kong hindi ko makaka close nung first year ako. Parang ang aarte kasi, oh well maarte naman talaga.. gaya ko. Mehehe.
Andito ako sa may tambayan sa tapat ng Engineering building. Para syang study area nadin.
“Mare!!!”
Sigaw naman ni Kristel habang humahangos papunta sakin. Grabe talaga tong babaeng 'to. Ang ingay!
“Yes mare? Na miss mo ako agad? Makasigaw parang walang bukas ah! At angaga mo ngayon in fairness! Anong meron aber???”
Syempre lagi naman late yan. Ang layo kasi ng bahay niya. Pareho sila ni Leng na taga Sta. Maria. 30mins ang pinakamabilis nilang byahe pero madalas higit pa dun. Samantalang ako, 10mins - Matagal na yan.hihi
“Naku mare, kasi naman wala pa akong assignment sa Physics. Pakopya naman ako oh”. Sabi nya ng hinihingal-hingal pa.
“Ayan, jan ka magaling eh.. sa pangongopya. Sabi ko na nga ba yung pagmama-aga mo ng pasok imposibleng walang dahilan yan eh!”
“Mare naman, nagsisipag naman ako eh. Swear!! Kaso alam mo naman yang Physics na yan bat kasi ang hirap ng mga problems. Hindi ko naintindihan eh. So may assignment ka? Pakopya naman ako, puhleaaasssee??”, nag pout pa ang lokang ‘to.
“Hay nako, kala mo ba papakopyahin kita? Cheee!!!”
“Waaaahhhhh mare!!!! Pakopya na ako please!!! Promise magsisipag nako! Promise! Promise! Promise!” Ni poke poke nya pa ako habang nagmamaka awa. Nakakatawa lang ichura nya parang iiyak na. hihi I’m so bad.
Inabot ko sa kanya ang notes ko, “Oh hayan na mare, kumopya ka na. Alam mo namang hindi kita matitiis ikaw pa? Eh love na love kaya kita!!” **insert my pa-cute smile here.
“Kyahhhhh!! Mare, I so love you. Salamat ng madami.” Niyakap pa niya ako sa tuwa.“Alam ko naman papakopyahin mo ako eh, tayo lang naman nagdadamayan sa mga ganitong pagkakataon. Alam mo naman madami tayong kaklaseng madamot. Edi sila na ang matalino. Basta tayo maganda!!” Nag wink pa sya. Umupo sya sa tabi ko at inilabas ang notes niya para kumopya.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...