Nakakabaliw.
Yan ang nasasambit ko sa tuwing iisipin ko na wala na siya.
Unang gabi palang ay parusa na para sa akin. Wala na akong kasabay kumain, wala na akong kasabay mag toothbrush. Wala ng gigising sa akin sa madaling araw para umihi. Higit sa lahat, wala na akong makikitang katabi bago matulog at pagkagising ko - para yakapin at halikan ako.
Everything will be different from this day on. I have to live my life without him.
Ang tanong ay paano?
My heart has been broken. Pakiramdam ko ay wasak na wasak iyon. I feel so weak. Pakiramdam ko nung nawala siya ay wala narin ako. Pakiramdam ko gusto kong humiga maghapon. Pagod na pagod na ang puso ko sa sakit. Pakiramdam ko naman ay may sariling buhay ang utak ko at lumilipad ito sa kawalan. Pakiramdam ko hindi na ito nakakabit sa katawan ko - ganyan ako ka-lutang. Para nalang akong de-remote na kinokontrol. Ginagawa ko nalang ang mga bagay bagay kasi kailangan pero hindi dahil gusto ko. Napiipilitan nalang ako. Hindi na ako makahanap ng sapat na dahilan para mabuhay ng tama - ng masaya.
Isang araw matapos ng libing ay bigla nalang nag hang ang phone ko. Ayaw nitong gumana at kailangan ireformat. Napailing nalang ako ng nakita kong kailangan mabura ang phone memory ko na naglalaman ng mahigit 100 na text messages mula kay Dan. Naisip ko nalang na eto na ba ang unang hakbang sa pag mmove on? Ang hindi ko na mabasa ang mga mensahe niya na tiyak ay lalong wawasak sa puso ko?
Nakakatanggap ako ng napakaraming mensahe mula sa mga kaibigan ko na andiyan lang sila para sa akin. Pero gaya nga ng sabi nila, hindi naman it break up. Kasi kung break up lang ito - mas madali. Mas madaling maka move on. Death of someone you love? Walang magiging sapat na mga salita para maibsan ang sakit na nararadaman ko.
I gave myself enough time to mourn. Kailangan ko iyon. Kung gusto kong umiyak ay iiyak ako at walang makakapigil sa akin. But I am not selfish - I don't cry infront of my family. Alam kong masasaktan silang makitang nasasaktan ako. Kaya ito ang napakalaking challenge na kinakaharap ko araw araw. Yung magpakita akong matatag ako kahit alam kong mahinang mahina ako. Yung kailangan kong mapakitang kaya ko, kahit na hindi ko alam kung paano.
Tinanong ako ng magulang ko kung ano ang plano ko - kung magrreview ba ako ulit para mag take ng board exam o magttrabaho na ako. Tamang tama naman na katatanggap ko lang nuon ng mensahe mula kay Crisan na madami na kaming kaklase ang nag apply sa Accenture. Magttrabaho na ako kasi hindi ako maaring magreview. Marami lang akong maalala kapag nagrreview ako - yung mga words of encouragement ni Dan sa akin. Yung araw araw naming pagttext. Lahat lahat. And I know it won't help - for sure hindi ko na naman ipapasa ang exam na yan. I can't fail the second time, at lalong lalong hindi ako pwedeng mabigo ng wala si Dan. Walang magpapalakas ng loob ko. Walang aalalay sa akin. Kaya naman nag apply ako sa Accenture at pinalad naman ako na matanggap.
January 10 ko pinili na magsimula sa trabaho. New year, new life, new memories. Yan ang kailangan ko. ECE ako at hindi IT at sobrang hate ko ang programming. Kaya yan ang pinili kong trabaho dahil mapipilitan akong magpakabusy dahil hindi ko yan forte. Alam kong ookupa yan ng napakaraming oras ko. At kailangan ko yun para naman mabawasan ang mga oras na pagkawala lang ni Dan ang iniisip ko.
Acceptance.
Yan ang unang step ng pagmmove on.
Lahat ng bagay ay nakakasanayan. Before I met Dan, nabuhay na ako ng labingwalong taon na hindi ko siya kasama. So what is the sense of saying that I can't live without him? Of course I can. And I will. Sabi nga nila, life will go on wether you like it or not. Patuloy ang pag agos ng tubig ng buhay at nasasayo na yun kung lalangoy ka o hahayaan mong malunod ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
NonfiksiSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...