Chapter 9 Ü

357 2 0
                                    

Mas na-feel ko ang pagiging sikat ni Dan nung inilabas ang September issue ng Pacesetter (BulSU magazine). Sa sports part kasi, na emphasize dun ang pagkaka kuha ng ICE ng trono ng basketball mula sa Engineering.  Saka first time lang mag champion ng ICE sa basketball. And it was the most wonderful feeling for Dan and for me as his girlfriend dahil alam namin na siya ang dahilan bakit sila nag Champion.

At syempre may photo dun si Dan na nag l-lay up siya at sinasabi kung gaano siya kagaling. Alam mo yung feeling na lahat nakatingin pati sa’yo? Kasi ang daming bulung-bulungan na ako yung girlfriend ng MVP. Yung kasikatan niya ay kasikatan ko narin. Pahaba ng pahaba yung hair ko. I know right! Hihi

** Naka photo frame pa yung magazine na yun sa bahay nila Dan, dahil narin sa sobrang proud ng daddy ni Dan sakanya.

Syempe, bukod sa positive eh meron din namag negative effect ang pagiging girlfriend ng MVP. Pakiramdam ko din halos isumpa na ako ng mga fans niyang babae. Yung tinitignan nila ako from head to foot at yung iba naman pailalim kung tumingin.. Aba teka, hindi niyo ako maaring hamunin ng pasungitan. Hindi kayo mananalo sakin. Chos.  Sorry nalang sila, Mr. MVP is taken..

..FOREVER!

Oo na! Maumay kayo kakabasa na ako ang girlfriend ni Dan. Ako ang girlfriend ng MVP.. Ako na talaga. Talagang talaga!

You can’t blame me eh masama bang maging proud sa boyfriend ko? After all, he make it a point that MVP is just a title. Sobrang humble pa rin niya kasi at sobrang proud din siya na girlfriend niya ako.

May isa pa palang positive effect ang pagiging sikat niya sa basketball. Hindi lang naman kasi professors at students ang naging fans niya eh. Pati yung mga guards. Alam mo yung feeling na kapag sabay kami papasok, sasaludo yung mga guards sakanya. Hindi na nga namin kailangan mag present pa ng ID kasi kakilala na kami ng guards eh. Kahit saang gate mo kami dalhin, Gate 1, 2 o 3.. tropa na namin yung mga yun. Si Dan kahit naka earrings, pinapapasok ng guards eh bawal nga yun. Minsan nga binibigyan pa siya ng mga earrings na na-confiscate nila sa mga students. Ang adik din nila manong guard eh noh? Ako naman eh kahit mag slippers pa papasok (kahit bawal), papasukin nila ako. Ansabeh ng special treatment na natatamo ko dahil sa asawa ko? Hihi

October na pala. There is something special with this month. Bakit? Kasi fourth monthsary na namin ni Dan.

And so???

What makes this month special unlike any other monthsary? Eto yun.

Flashback.. (i think 2 months palang kami nito.)

Nandito kami sa bahay nila. Maaga natapos yung klase namin kaya naman dito kami nakatambay habang nanonood kami ng TV sa salas. We don’t usually go out on a date but we always have this days like 3 times a week na matagal kami magkasama sa bahay nila.

Dito kasi, mas nakakapaglambingan kami. Eh sa labas hindi. De joke lungs!

“Asawa ko, gaano katagal kayo ng ex mo? Yung unang boyfriend na pinakilala mo sa parents mo?”

“Hmm.. almost a year?? 11 months. Bakit asawa ko?”

“Ang tagal niyo pala. Wala lang tinatanong ko lang. Kasi I will look forward to our anniversary. Kasi pagdating ng araw na yun, bukod sa special yung araw na yun para sa ating dalawa. Yun din ang araw na ako na ang magiging pinakamatagal mong boyfriend.”

“Eeehhh?? Ano naman ang connect? ”

“Ganito lang ‘yun, ako kasi gusto kita mapangasawa eh. Pero bago yun, gusto ko ako na ang last at pinakamatagal mong naging boyfriend.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon