Chapter 24 Ü

283 2 2
                                    

Kinabukasan, gumising parin ako ng maaga para pumasok sa school. 7AM ang class ko at may exam ako, hindi ko yun pwede ma miss kasi major subject ko yun. Kahit pa sinabi sakin ng parents ko na huwag na ako mag-aral, hindi ako papayag. Enrolled parin ako at bayad ang buong semester na’to kaya papasok pa rin ako.

I don't know if they really mean it saying na hindi na ako mag-aaral pero sa pagkakataong ito kailangan ko lalong magpurisigi na makapagtapos. Hindi naman kailangan gumawa ng isa pang mali para mapagtakpan ang naunang pagkakamali. I should start making things right - for my baby's future. Even if that means I have to sacrifice. 

Kagabi, kinausap ni Daddy si Dan sa telepono matapos naming magusap. Hindi ko na inusisa yung pinagusapan nila, it’s a man-to-man talk at natatakot rin ako malaman kung ano ang sinabi ni Daddy kay Dan. Basta kampante na ako nun sinabi ni Dan na gaya ko, sorry lang siya ng sorry. Hindi siya nangatwiran kay Daddy.

Matapos ang exam namin ay kinausap ko si Crisan. Sakanya ko palang sinabi na buntis ako. Wala pang may ibang alam sa mga kabarkada ko. Sinabi ko rin sakanya na alam na ng parents ko ang totoo.

Crisan: “Kamusta friend? Ano’ng nangyari kagabi?”

“Ayun, nagalit sila sa akin. Pero wala naman ako magagawa kung hindi tanggapin lang ang galit nila.”

Crisan: “Naku eh ganoon lang talaga sa simula. Pasasaan ba at matatanggap din nila yun. Lalo na pag nakita na nila ang apo nila. Huwag ka ng malungkot. Halika, kumain nalang tayo para mabawasan ang pagka emo mo.”

“Thank you friend. Tara, kumain nalang nga tayo.”

Wala pa rin ako sa mood, kung makikita niyo ang ichura ko ay para akong namatayan. Mahirap maging masaya kasi alam ko masama ang loob ng parents ko, pero kahit paano hindi ko maikakaila na para akong nabunutan ng tinik. Kasi ngayon, hindi ko na kailangan pang magtago.

Pamaya maya pa may nagtext sakin.

From: Dad

 “Gusto ko makausap yung parents ni Dan. Papuntahin mo sila mamayang gabi.”

To: Dad

“Ok, Sige Dad.”

After ng class namin ni Dan, pumunta agad kami sa bahay nila. Bagong opera si Tito Ding sa mata dahil sa catarata. Ayaw ko sana na pilitin sila pumunta pero yung Daddy ko kasi gusto niya talaga makausap ang family ni Dan. I can't blame him alam ko naman kung ano ang gusto niyang mangyari. He wants to make sure na papanagutan ako ni Dan.  

Si Dan, yung parents niya – Tito Ding at Tita Meng ay kasabay ko na papunta sa bahay namin. Kasama rin si Lola Imang, Tito Lito, Tita Lita, Tito Bernie at Nanay Lily. Yun ang mga kapatid ni Tita Meng.

Pagdating sa bahay, nandun na ang mga Tita ko at parents ko. Ineexpect kasi nila ang pagdating ng relatives ni Dan.

Nakaupo kami lahat sa sala namin. Yung matatanda lang ang naguusap. Kaming dalawa ni Dan ay nakikinig lang.

Gaya ng inaasahan namin, isa lang ang napagkasunduan nila – kasalan.

At gusto yun ng magulang ko sa lalong madaling panahon.

Diba at kakakasal lang ng Ate ko last month? Alam niyo ba yung sukob? Ewan ko pero hindi naman kasi ako naniniwala duon. Baka sila eh hindi rin naman naniniwala kasi nag end up parin ang usapan na ikakasal kami this month. Ayaw na kasi ng parents ko na maglalakad ako sa school ng buntis tapos hindi ako kasal. Somehow, it made me happy kasi mukhang nadala lang sila ng galit nila nung sinabi nilang hindi na nila ako pag-aaralin. Mukhang hindi parin naman ako mag stop mag-aral gaya nga ng sabi nila.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon