Marco's POV
Matapos narinig ang sinabi ng duktor na ligtas na si Alex ay kaagad na itong inilipat sa isang kuwarto ng ospital.
Kaagad ko na rin tinawagan si Tatay para ipaalam na gising at ligtas na si Alex.
...
Nasa kuwarto na nga si Alex at kasama na nito sa loob ang mga taong nagmamahal sa kanya. Habang ako'y nasa labas lang ng kanyang kuwarto, isa pa ano ba naman ako sa kanya gayong hindi naman nito maalala ang tungkol sa akin. Gayunpaman nagpapasalamat ako sa Diyos at ligtas na ito.
...
"Kamusta na si Alex?" Tanong ko kay Anne paglabas nito sa kuwarto.
"Okay na s'ya, may ilang tests na lang na gagawin sa kanya si Dr. Robles para malaman kung puwede na rin itong lumabas ng ospital." Mahabang sabi ni Anne.
"Mabuti naman, siguro aalis na rin ako at alam ko naman na marami kayong nagmamahal kay Alex at hindi n'yo s'ya papabayaan." Sabi ko at akmang aalis na.
"Te-teka lang Kiko." Sabi ni Anne kaya napahinto ako sa paglalakad sabay baling sa kanya at hinihintay ang sasabihin nito.
"Salamat, alam kong mahal na mahal mo nga si Alex at kung ano man ang gusto mong gawin, kung gusto mong ipaglaban ito ay okay lang sa akin." Mahabang sabi ni Anne.
"Salamat Anne, hindi ko pa alam kung may pag-asa pa ba ako kay Alex pero masaya ako sa nalaman kong okay na sa'yo." Ang sabi ko at lumapit naman ito para yakapin ako.
...
Pagdating ni Tatay Jimmy ay nagpaalam na rin akong umalis sa ospital. Sinabihan pa ako nito na 'wag akong mag-alala at s'ya na ang bahala kay Alex.
...
Jimmy's POV
Masakit sa aking makita na kahit gaano kagusto ng anak ko na makita at makamusta si Alex ay hindi nito magawa. Lalo pa itong nagpapabigat sa aking pakiramdam dahil ako ang may kasalanan kung bakit ito nangyayari sa kanya. Kung sana hindi ko nalang nagawa ang ginawa ko noon baka iba sana ang nangyayari ngayon.
Flashback
Many years ago
Simula ng nakilala ni Kiko ang anak ni Alberto nasi Alex ay napansin kong naging masayahin at lalo pang naging mabuting anak ito.
Masaya ako na makita itong masaya kapag kasama nito si Alex. Lagi nga nitong kinukweto sa akin ang mga ginagawa nila kapag magkasama silang dalawa ni Alex.
Parang nakababatang kapatid na rin ang turing ni Kiko kay Alex, minsan pa nga ay narinig ko na tinawag ni Alex na kuya si Kiko.
Buong akala ko na parang magkapatid lang ang turing ng dalawa sa isat-isa. Isang araw ng pauwi ako ay nakita kong dumating si Alex sa amin at parang galit na galit ito. Tahimik akong lumapit sa kubo para hindi malaman ng dalawa na naroon ako at nakita ko ang pagsuntok ni Alex kay Kiko. Patuloy lang sa pagsasalita si Alex habang tahimik lang na nakahiga si Kiko dahil sa natumba ito sa suntok ni Alex. Sa sumunod na sinabi ni Alex ay kita kung paano nasaktan ang aking anak. Sandali ako nagtago ng makita kong palabas na si Alex sa kubo. Sa pag-alis ni Alex ay sunod kong narinig ang paghikbi ni Kiko.

BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.