Hi! sa mga readers kung meron man. Part 1 na.
Tok! tok! tok! "Hijo gising na alas syete na ng umaga baka malate ka sa trabaho." "Opo babangon na yaya." 'Yan ang bungad ng aking yaya na simula palang nung maliit ako ay siya ng nag-aalaga sa akin. Matapos mag-tooth brush, maligo at magbihis bumaba na ako.
Ako nga pala si Alexander the grate, joke haha! Alexander Gomez Ang pinakagwapong Bachelor sa balat ng lupa. Sa edad kong 26, nasa akin na ang lahat pera, kotse, malapalasyong bahay, liban lang sa babae kasi naman di naman babae ang gusto ko. Yup you heard it right hindi ako straight pero hindi naman ako bading na nagbibihis babae o malamya kumilos mas tamang sabihin na ako'y pogay kaya malimit na hangaan ako ng nga kababaihan kasama na rin ang mga bading.
"O hijo halika na nang matikman mo ang niluto ko, na alam kong paborito mo."
"Mmm.. amoy palang masarap na! the best
ka talaga yaya bukod sa maganda na magaling pang magluto."
"Ikaw talagang bata ka nambola kapa, oh heto na ang paborito mong adobong manok." "Oo nga pala may tumawag kanina
hinahanap ka mukha ngang galit na galit eh."
"Ano daw sabi ya."
"Bakit daw hindi ka sumipot sa usapan nyo halos mamuti na raw ang mata nya kahihintay sayo."
"Ahh si Janna 'yon. 'Yung makulit na anak ni Mr. Mercado na nangungulit na mag date raw kami." "Sa simula pa lang sinabi ko na na hindi ko 'sya gusto at hindi ako straight, ayaw ba namang maniwala."
"Wag ka nang magtaka e ako nga 'di makapaniwala nung sinabi mong hindi ka tunay na lalake." "Kung hindi kapa umiyak 'di ko pa nalaman na totoo nga 'yung mga sinabi mo."
"Hayaan 'nyo ya mamaya kakausapin ko sya uli." "Sige ya una na ako."
"Mag-iingat ka."
"O sir aalis na ho ba tayo?" "Opo mang Jimmy at tama na po yong pagtawag nyo sakin ng Sir at pag po at opo hindi pa naman po ako matanda, okay na sa akin kahit Lex nalang."
"Hayaan nyo na po ako sa nakasanayan ko at nakakahiya naman po sa mga magulang 'nyo kung lex lang ang itatawag ko sa inyo." "O sige po kayo pong bahala."
"Sir saan ho ba tayo ngayon?" "Diretso na ho sa office sa Makati." Habang bumabyahe patungong Makati hindi nauubusan nang kwento si mang Jimmy kaya hindi ko namalayan ang oras at nasa office na ako.
"Good morning Sir." bungad ng guard na si mang Renato bago ako pumasok ng office "Good morning rin."
Habang nasa hallway patungo sa aking opisina bigla
nalang akong nabingi sa biglang pagtili nang isang babae na nung paglingon koy hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Lexxx!" sabay yakap sa akin ng mahigpit na halos di na ako makahinga
"Anne!"
"Yup, the one and only beautiful and sexy Anne Enriquez."
"Kailan ka pa dumating? akala ko ba next week pa ang flight mo?"
"Geezz lex isa-isa lang ang tanong no, kahapon lang at tsaka excited na rin akong makita ka. Kaya napaaga kasi may sasahin ako sa yo." "Guess what?"
"Magpapakasal ka na?"
"Te...Teka paano mo nalaman 'wag mong sabihin sinabi na ni Dave sa'yo?" "Don't worry hindi siya, si Tito Roman ang nagsabi at sinabi rin niya na sa bahay ko muna kita patuluyin bago siya dumating para daw may magbantay sayo." "Si dad talaga kahit kailan kj sabi ko nang ako na lang ang magsasabi sayo inunahan pa ako, atsaka sa'yo talaga ako tutuloy no! namiss ko si yaya Linda at 'yung luto niyang napakasarap." "O sige tatawagan ko na si Mang Jimmy para maihatid kana sa bahay at mamaya pa ako makakauwi."
Pagkatapos tawagan si Mang Jimmy ay nauna na ngang umuwi si pinsan, hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na nga 'sya. Ako kaya mahanap ko rin kaya ang lalakeng mamahalin ko at mamahalin rin ako? Pero sana, sana nga makilala ko na siya.
"Good morning Sir nandyan na 'yung mga suppliers para sa meeting at si Ms. Janna po kanina pa po tawag ng tawag hinahanap kayo sinabi niya na magkita raw po kayo mamaya." Bungad ng aking sekretarya na si Grace. "O sige tawagan mo siya sabihin mo magkita kami mamayang 8 pm sa paborito 'nyang resto sa makati."
Pagkatapos nga ng lahat ng trabaho sa office tinignan ko ang oras sa relo ko at mag-aalas ocho na pala kaya naman tinawagan ko na si mang Jimmy para maihatid na ako sa lugar kung saan mag-kikita kami ni Janna. Makalipas ang ilang minuto dumating na nga si mang Jimmy.
"Saan ho tayo Sir." "Sa Resto sa Makati mang Jim." Ilang sandali pa ay nandito na nga kami sa Resto kung saan mag-kikita nga kami ni Janna bumuntong hininga muna ako dahil hindi ko pa alam kung paano ko masasabi sa kanya na hindi ko siya gusto at para lubayan na 'nya ako.
Pagpasok ko palang sa resto makikita mo na kaagad ang napakaganda nitong disenyo halatang halos may kaya lamang ang makakakain dito. Ilang gawi pa ng aking mata at natanaw ko na si Janna.
"Hi Lex buti na lang at nakipag kita kana sa akin, akala ko ayaw mo na akong makita. Bago pa ako lumapit ay bigla 'syang tumayo at hinalikan ako na dapat sana sa labi buti na lang at naiwas ko at sa pisngi na lang dumapo. Talaga naman gusto pang nakawin ang first kiss ko. Tama sa edad kong 'to wala pa akong naging nobya o nobyo, kaya 100% virgin pa ako sa lahat ng bagay pagdating sa love.
"Actually Janna i'm here because i want to clarify things about us at para sana sabihin na.." Hindi ko na natuloy dahil bigla 'syang nagsalita.
"Mamaya na muna tayo mag-usap order na tayo kanina pa ako nagugutom."
Habang kumakain hindi pa rin ako mapakali iniisip ko pa rin kung paano ko ba siya mapapaniwala na hindi ko siya gusto at hindi ako straight.
"Ja..Janna gusto ko sanang sabihin sayo na.." Again! hindi ko naman natuloy dahil nagsalita nanaman 'sya.
"Kung sasabihin mong manliligaw ka oo ang sagot ko sinasagot na kita 'di ba alam mo naman na gusto rin kita." The hell no! hindi kita liligawan ang sasabihin ko sana pero syempre hindi 'yon ang sinabi ko.
"Hindi 'yon ang gusto kong sabihin." This is it! Kaya ko 'to. "Hindi kita gusto dahil hindi ako straight at lalake rin ang gusto ko."
"Pwede ba Lex 'wag ka ngang magsinungaling alam ko sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mong lubayan na kita, pwes hindi mangyayari 'yon dahil hindi ako naniniwala na bading ka." Mahaba nitong sabi. "Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala kang hindi ako nagsisinungaling at totoong gay ako." Tanong ko sa kanya saglit 'syang nag-isip at ng tumingin 'sya sa akin bigla akong kinabahan ano bang iniisip gawin ng babaeng 'to. "Sure kung 'yan ang gusto mo prove it!" "Waiter!" Malakas na tawag nito sa waiter. Habang papalapit ang waiter "Sige nga kung totoong bading ka kiss that waiter." Ano nasisiraan na ba 'sya hahalikan ko ang waiter para lamang patunayan na bading ako, pero kung kapalit naman nito ay lulubayan na 'nya ako bahala na!
"Prove it." Sabi nito ulit. Bahala na! Pagkalapit ng waiter tumayo ako at sa isang iglap lumapat ang aking labi sa labi ng waiter. "Tsup."
Pangit ba pagpapasensyahan na. First story ko po ito, Thank you sa pagbasa...
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.