Part 6 The Dinner
Alexander's POV
Pagkatapos ng isang oras 'kong pagdalaw sa sementeryo, dumiretso na ako sa bahay.
"Lex 'san kaba nagpunta? Kanina pa kita tinatawagan sa cellphone, pero hindi mo sinasagot." Tanong ni Anne pagpasok ko. "Sa sementeryo, dinalaw ko si mom. Bakit ka tumawag may problema ba?" "Huwag mong sabihin na nakalimutan mo. Diba ang sabi mo sasamahan mo ako sa mall. Hay ganyan talaga kapag matanda na nagiging ulyanin na." "Ano? Ako matanda na. E sino ba sa atin ang madalas pagkamalan na matanda e diba ikaw." "Noon 'yon hindi na ngayon sigurado 'pag may nakakita sa atin pagkakamalan kang tatay ko." "O sige pustahan tayo ang matatalo manlilibre ng dinner. Ano deal?" "Sige deal."
Mag-aalas sais ng makarating kami sa nasabing mall. Pagpasok palang agaw pansin na kaming dalawa. Hindi naman sa pagmamayabang, bulag lang ang taong hindi magwagwapuhan sa akin. Idagdag mo pa ang magandang babaeng kasama ko na tinalo pa ang itsura ng ibang artista.
"So umpisahan natin ang pustahan. Magtatanong tayo ng limang tao, ang unang makakatatlo ang panalo." "Para patas dalawang babae at dalawang lalake ang tatanungin natin at ang natitirang isa bato-bato pik nalang tayo." Suhestyon ni Anne.
"Ok sa babae muna tayo. Miss pwedeng magtanong?" Sabay pacute ko sa babae na kaagad din lumapit. "Ok lang, ano ba ang itatanong mo kuya pogi. Itatanong mo ba number ko?" "Ah miss sorry pero hindi 'yon. Itatanong ko sana kung sino sa tingin mo ang mas matanda sa aming dalawa?" "Sorry miss pero mas bata yata si kuya pogi sa'yo." "Salamat miss sige una na kami." Sabay hila kay Anne para makalayo na kami kay ate. "O paano pinsan one point na 'ko." "Isa palang 'yan pinsan kaya 'wag ka munang magsaya." Sa pangalawang babae panalo na naman ako. Sa unang lalake at pangalawa si Anne naman ang nanalo. "So paano 'yan lex naka-two points tayo pareho. Kaya magbato-bato pik na tayo." Ako ang nanalo kaya ako ang pumili na babae ang huling tatanungin namin. "Miss pasensya na, pwede bang magtanong?" "Ok lang, ano bang itatanong mo? "Sa tingin mo sinong mas matanda sa amin?" Saglit itong tumingin sa amin at pagkatapos ay sinabi nitong.. "Sa tingin ko kuya mas matanda ka sa kanya, kasi mas matangkad ka kumpara sa kanya eh." Anak ng! Hindi ako makapaniwala dahil lang sa height ko kaya inisip 'nyang mas matanda ako.
"Paano ba 'yan lex dahil ako ang nanalo iti-treat mo ako ng dinner at gusto ko sa restaurant sa makati tayo kumain. Tara na nagugutom na 'ko." "Te..Taka dito na lang tayo gabi na at pagod na ako gusto ko ng umuwi." "A deal is a deal kaya sa makati tayo kakain and that's final." Sagot nito. Hindi ko akalain na ang sarili ko mismo ang magpapahamak sa akin. Bakit pa kasi ako nakipag-pustahan. Sa huli sa makati nga kami pumunta para kumain. Kapag naiisip ko kung anong nangyari sa huling pagpunta ko rito hindi ko maiwasang mahiya. Lalong lalo na sa waiter na bigla ko na lang hinalikan.
"Ang ganda pala rito no! Naisip ko tuloy paano kaya kung magtayo nalang kami ni Dave ng sarili naming resto. Ano sa tingin mo lex?" "Huy! Lex. Anong nangyari sa'yo? Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig." Kanina pa pala nagsasalita si Anne hindi ko man lang narinig. "A..Ano 'yon Anne hindi kasi kita narinig." Paano ba naman pagpasok pa lang namin ang dami ng nakatingin sa amin specially sa akin 'yung iba nagbubulungan pa. Sigurado ako lahat ng mga nandito napanood na 'yung video, na ako lang naman ang bida. "Relax ka lang lex mamaya pa lalapit 'yung waiter mo kaya 'wag ka munang kabahan." Na talagang pinag-diinan pa 'nya ang salitang waiter mo. "Sinong nagsabing kinakabahan ako? At anong sinasabi mong waiter ko, bakit ako ba ang may-ari ng resto na 'to?" "Naku lex 'wag mong sabihin na hindi ka nagwapuhan sa kanya. Kunyari ka pa alam ko type mo rin 'sya e 'nung halikan mo 'sya parang ayaw munang tumigil eh." "Anong pinagsasabi mo na ayaw kunang tumigil? Alangan namang smack lang ang gawin ko, paanong maniniwala si Janna na gay ako." Pagpapaliwanag ko. Paglapit ng waiter sa amin.
"Hi Marco right?" Tanong nito sa waiter. Tumango lang ito. Pagkatapos umorder na kami. Habang naghihintay ng mga kakainin namin hindi tumigil si Anne sa kakatanong sa akin.
"Ano lex hindi mo ba talaga type si Marco?" "Tigilan mo nga ako Anne nilibre na kita kaya kumain ka na lang pagdating ng mga inorder natin." "Ang sungit mo naman Omg! May period ka?" "Anong period? Sira ka talaga gay ako hindi ako babae, kung ano-ano pumapasok sa ulo mo. Bawas bawasan mo nga ang kababasa mo ng mga yaoi manga." "Ang cute kaya nila. Pero mas cute kayo ni Marco 'pag nagkatuluyan" "Tumigil ka nga mamaya may makarinig pa sa'yo.
"Heto na po 'yung order 'nyo mam, sir." Pagkatapos inilapag na 'nya ang mga order namin. "Ay! May order pa pala si lex ano nga kasi 'yon? Ah isang order daw ng kiss." Muntik kunang maibuga ang iniinom ko pagkarinig ko sa sinabi ni Anne. "Anne ano bang pinagsasabi mo? I'm sorry nakalimutan lang 'nyang uminom ng gamot kaya nagkakaganyan 'sya." Sabay baling sa waiter. Nang mapatingin ako ay seryoso lang na nakatingin sa akin. "Sige po kung wala na kayong order aalis na po ako." Sagot naman nito. "Ikaw talaga. Ipapahamak mo pa ako. Paano na lang kung suntukin uli ako 'non." Inis kong sabi kay Anne. "Hehe sorry lex akala ko kasi hindi magagalit, hayaan mo pag-sinuntok ka naman 'nya gagamutin ko naman eh." "Ewan ko sa'yo." Pagkatapos naming kumain ay tumayo ako para pumunta ng cr. Pagbalik ko nakita kong may kausap si Anne at paglapit ko si Marco pala ang kausap nito. "Oh lex tara na, sige Marco una kami." "Sige po." Ano na naman kayang ginawa nito at parang close na sila.
Pagdating sa bahay
"Hay nakakapagod. Lex tumawag pala si Dave kanina. Bukas na daw 'sya uuwi. Samaan mo ako bukas sa airport ah." "Mga anong oras ba 'sya darating?" "Mga 9 pm siguro." "O sige, tapos naman na ang trabaho sa office sa oras na 'yon." "Nga pala ano sa tingin mo kung magtayo na lang kami ng resto ni Dave." "Bakit hindi na ba kayo babalik ng US pagkatapos ng kasal?" "Ako ayaw ko na, napag-usapan namin 'to bago pa kami magpakasal na dito na kami mag-i-stay for good. Tatapusin na lang 'nya 'yung contract sa company sa US at magtatayo na lang kami ng business dito sa pilipinas." "Masyadong malaki kung resto agad 'yung itatayo 'nyo baka maubos ang lahat ng ipon sa pagpapatayo pa lang dito. Bakit hindi na lang bar muna, tapos ako na ang bahala sa mga wine. Para kapag kumita ka kikita rin ako. "Oo nga 'no, gumagawa nga pala ang company mo ng mga alak. Pagdating ni Dave kakausapin ko 'sya na magtayo na lang kami ng bar." "Ilang months na lang ba bago ang kasal 'nyo?" "Wala pang exact date. Pero as soon na natapos namin lahat ng tungkol sa wedding preparation at nakauwi na si Dad then magpapakasal na kami. "Tandaan mo na nandito lang ako lagi at masaya ako para sa inyo ni Dave." "Thank's lex at sana ikaw rin magka-lovelife na. Talaga bang bading ka pinsan e hindi ka nga nagka-gilfriend, hindi karin naman nagka-boyfriend?" "Oo bading ako at tungkol naman sa bf na sinasabi mo hindi ko hinahanap 'yan. Kung magkakaroon man maghihintay lang ako, pero kung wala ok lang ayoko lang umasa at sa bandang huli ako rin ang masasaktan. Alam naman natin na mahirap hanapin ang tunay na pagmamahal sa amin na kabilang sa third sex." "E paano kung sa kahihintay mo sa magmahal sa'yo hindi mo nakikita na nasa paligid mo na pala ang tunay na magmamahal sa'yo. Ang masaktan kasama na 'yan kapag nagmahal ka. Tignan mo kami ni Dave hindi naman perpekto ang relasyon namin. Nagkakaroon din kami ng tampuhan pero dahil sa marami na kaming mabibigat na problemang nalagpasan na magkasama heto hanggan ngayon kami parin at malapit ng ikasal."
Bago matulog iniisip ko parin ang mga sinabi ni pinsan paano nga kaya kung sa kahihintay ko sa taong magmamahal sa akin hindi ko na napapansin na nasa paligid lang pala ito at naghihintay lang para tumingin ako.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
عاطفيةAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.