Ang Amo ( The Boss ) Part 11

7.8K 210 10
                                    

Part 11 Batangas Part 3

Alexander's POV

Kinabukasan inumpisahan kaagad ang commercial para sa Lexan Wine. Samantalang kami naman nina Anne ay napagkasunduan na puntahan ang mga magagandang lugar dito sa Batangas.

Una naming pinuntahan ang pinagmamalaki at isa sa mga magandang tourist part dito saBatangas. Ang Basilica of St. Martin de Tours na itinuturing pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at sa Asya. Kung ano ang laki ng sukat nito ay ganoon din ang ganda sa loob at sa labas nito. Ang sabi nga ng mga matandang nagtitinda ng sampaguita at ibat-ibang rosaryo ay naghihimala raw ang simbahang ito kaya siguro maraming nagsisimba at mga deboto rito. Dahil sa maaga kaming nakarating sa simbahan sa harapang bahagi kami pumwesto para mas marinig at nang makita namin ng malapitan ang ibat-ibang poon na nasa harapan ng simbahan.

Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami ng simbahan at dahil sa gutom na kami, sa isang fast food chain na malapit na lang kami kumain. Pagkatapos kumain ay may natanggap akong text message galing kay Kevin at sasamahan daw niya kami sa isa pang tourist part na dapat naming pasyalan bago kami bumalik sa syudad. Sinabi ko ito kina Anne at gumuhit ang excitement sa mukha nila at pumayag kaagad sa gusto ni Kevin. Nagtext ako sa kanya na dito na lang sa fastfood chain na malapit sa simbahan na lang namin siya hintayin at kaagad naman itong nagreply na alam nito ang lugar.

Pagkatapos nga na ilang minuto ay natanaw ko na ang itim na kotse ni Kevin na papalapit sa amin.

"Hi Guys so tara na. Lex sa akin ka na sumabay."

"Papa Kevin saan mo ba kami dadalhin?" Sabat ni Grace. "Malalaman 'nyo rin kapag nandoon na tayo." Sagot naman ni Kevin.

"Oo nga Grace kay Mang Jim kana sumakay para kaagad tayo makarating sa lugar na sinasabi ni Kevin." Sabi ni Anne.

"Tara na?" Tanong ulit sa akin ni Kevin. "Uhm sige." Maikli kong sagot.

Habang nasa byahe patungo sa lugar na sinasabi ni Kevin ay tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Siguro hinihintay niya rin na ako ang unang umimik kaya hindi rin ito nagsasalita. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari kagabi. Alam ko naman na nasaktan ko rin siya sa nangyari kahit pa sabihin niyang ok lang iyon. At isa pa kapag naiisip ko 'yung pagyakap niya sa akin ewan ko ba at parang nahihiya ako. Siguro para mawala ang katahimikan ay binuksan niya ang radyo at kung nang-iinis nga naman ang tadhana sakto pang pinatutugtog ang kanta na ni-request niya kagabi para sa akin. Ang loko sumabay pa sa kanta.

"Umasa ka maghihintay ako kahit kailan kahit na umabot pang ako'y nasa langit na at kung 'di ka makita makikiusap kay bathala na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang." Pagkatapos ng kanta ay saglit nitong hininto ang sasakyan.

"Ah lex... Sana 'wag ka nang mailang sa akin, napansin ko kasi mula pa kanina na wala kang imik diba sinabi ko naman na okay lang ako."

"Pasensya na, hindi ko kasi maiwasan na mailang pagkatapos ng nangyari kagabi."

"Ano kaba ako nga ang dapat humingi ng sorry sa'yo at para sa peace offering ko pupuntahan natin ang Taal Volcano.

"Taal Volcano?! Doon ba tayo pupunta? Hindi ba mapanganib ang pumunta doon?" Gulat na tanong ko. Iniisip ko kasi paano kung pumutok 'yon hindi ko pa siya nasasagot ay mamatay na ako. Ano ba 'tong pinag-iisip ko.

"Ha ha ang cute mo pala kapag natatakot ka, but don't worry you'll never get hurt as long as i'm with you." Nakuha pa nitong bumanat pagkatapos ako nitong pagtawanan dahil sa reaksyon ko.

"Dapat lang." Kaagad kong sagot rito para hindi nito mapansin ang kilig na nadarama ko sa mga oras na iyon.

"Tara na at baka tayo na lang ang hinihintay nila."

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon