Part 10 Batangas Part 2
Alexander's POV
Pagpasok ko sa hotel na tutuluyan namin para sa dalawang araw namin dito sa Batangas, kumpleto na ang lahat para sa shoot sa commercial na gagawin namin. Si Anne at Dave naman ay kumuha na rin ng kanilang kwartong tutuluyan.
Pagsapit ng tanghali ay sama-sama kaming kumain ng mga kasama ko sa company, sina Anne, Dave, Mang Jimmy at ng mga crew sa gagawing commercial. Si Kevin naman ay 'di ko pa nakita mula pa kanina. "Sir hinahanap mo si Kevin no?" Tanong ni Grace.
"Oo, akala ko kasi susunod siya sa akin pagpasok ko dito." "Baka naman sir may ginawa lang." "Siguro nga." Pagkatapos naming kumain sinabi ko rin na bukas na lang gawin ang shoot para sa commercial. Alam ko naman na lahat ay pagod sa napakalayong byahe at para na rin makapagrelax kami.
Maghahapon na ngunit hindi ko pa rin makita kahit anino man lang ni Kevin. Inisip ko baka umuwi na ito sa syudad para asikasuhin ang company nila, na hanggang ngayon ay 'di ko parin alam kung ano. Habang iniisip ko kung saan lupalop na lugar nandoon si Kevin narinig ko na tinatawag ako ni Anne.
"Lexxx!" Ang babae talagang 'to parang megaphone ang bibig sa lakas ng boses. "O anong kailangan mo at parang may nasusunog kung makasigaw ka?" Sabi ko rito ng makalapit ako sa kanya.
"Tara sa labas mag-swimming tayo, 'wag kang mag-mukmok sa kwarto mo. Ayun si Grace parang nakawala sa lungga habang nag-eenjoy magswimming." "Teka lang kukuha lang ako na maisusuot ko." Pagpasok ko sa kwarto nagsuot na lang ako ng boxer at short. Paglabas ko ng kwarto ay nasa labas na si Anne at kasama niya si Dave. Bagay na bagay talaga sila sa isat-isa. Seksing-seksi si Anne sa suot nitong two piece na tinatakpan lang ng scarf ang ibabang bahagi nito. Si Dave naman ay naka-boxer din at short halata rin ang ganda ng katawan nito.
At dahil sa hapon na marami ng tao ang nasa beach para magswimming. Hindi kasi masyadong mainit ang araw at marami rin ang gustong makita ang paglubog nito na maya-maya lang ay mangyayari na.
Habang nasa kalagitnaan ako ng panonood sa mga taong masayang lumalangoy sa tubig ay biglaan na lang akong nabasa at paglingon ko si Anne pala ang may gawa.
"Peace lex. Halika na samahan mo na kami mag-swimming." Sabay takbo nito sa dagat. "Kapag nahabol kita humanda ka sa akin." Walang sawa kaming lumangoy, naglaro at naghabulan sa dagat. Aaminin kong ngayon ko lang ulit naranasan ang ganitong pakiramdam ang mag-enjoy na parang nagbalik ako sa pagkabata. Nang mapagod na kami ay hinintay namin ang paglubog ng araw. Napakaganda talagang pagmasdan ito habang humahalik ang araw sa dagat, nagmimistulang ginto ang tubig.
Gaya kanina sabay-sabay rin kaming kumain ng hapunan. Kasama ko sina Anne, Dave, Mang Jimmy at Grace sa isang table samantala nasa kabila namang table ang mga crew sa commercial. Habang kumakain kami mayroong din banda na tumutugtog. Ang ganda ng boses ng male vocalist nila may pagkakahawig nga ang boses nito kay Jimmy Bondoc. Pagkatapos pa ng ilang kanta ay nagsalita ang bokalista ng banda.
"Maraming salamat po sa inyong walang sawa na nakikinig sa mga awitin na kinakanta namin. Heto pong huling kakantahin namin ngayong gabi ay request po ng isang tao na itatago nalang namin sa pangalang Kevin at para daw po ito sa taong nililigawan nya." Pagkatapos magsalita ng bokalista ay nag-umpisa ng tumugtog ang isang kanta na pamilyar sa akin.
Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mo
Na ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam
Tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa'yo
At ika'y akin lamang
At kahit ano'ng mangyari
Pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang
uh.....
Umasa kang
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang...
Pagkatapos kumanta ng banda ay nagpalakpakan ang mga tao. Habang ako'y halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Ilang sandali pa at nakita kong papalapit ang taong kanina ko pa hinahanap at ang may kagagawan sa kung ano mang emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Hi." Maikling sabi nito pagkatapos ay tumabi ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Uhm.. hi din." Ang akward kong tugon. "Ang sweet mo naman pala papa Kevin." Sabat naman ni Grace, na nginitian naman ni Kevin. "Oo nga lex ang swerte mo kay Kevin kaya kung ako sa'yo sagutin mo na siya." Ang sabi naman ni Anne. Tumingin naman ako kay Anne at nagpahiwatig na kung pwede ay maiwan muna kami ni Kevin na agad naman nitong nakuha. "Hon, Mang Jim, Grace tara muna sa labas at maiwan muna natin silang dalawa." Agad naman nila kaming iniwan at pagkatapos ay kinausap ko na si Kevin.
"Ke-Kevin.. Salamat sa lahat ng ginawa mo.. Sa pagpapadala sa akin ng bulaklak sa pagsama sa akin dito sa Batangas at ngayon sa kanta na pinatugtog mo para sa akin. Alam kong mabuti kang tao at naniniwala rin ako na gusto mo ako pe-pero alam mo naman na bago lang sa akin ang lahat ng ito. Kaya sana maunawaan mo na hindi ko pa kayang ibigay ang gusto mo na maging tayo." Mahaba kong pahayag sa kanya. Maya-maya pa ay tinignan ko 'sya at nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko ngunit agad din itong ngumiti kahit na alam kong iba ang nararamdaman nito. "Okay lang 'yon basta nandito lang ako para sa'yo at maghihintay ako hanggang sa handa ka na. May gusto sana akong gawin kung pwede sana?" Tugon na tanong nito.
"A-ano ba 'yon?"
"Pwede ba kitang yakapin?" Sa tanong niyang 'yon hindi ko alam at agad ko itong sinagot na okay lang. Pagyakap nito sa akin naramdaman kong biglang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ang yakapan naming 'yon para kasing ayaw na ako nitong bitawan kaya nagsalita na ako.
"Ke-Kevin." Kaagad din itong kumalas pagkarinig nito sa akin. "Salamat at pumayag ka, pasensya na kung ayaw na kitang bitawan." "Wala 'yon, tatawagin ko na si Anne para samahan na nila tayo." Pagkabalik nila Anne ay nagpatuloy na kaming kumain kasama si Kevin. Hindi na rin sila nangulit pa tungkol sa amin ng huli at pinag-usapan na lang namin kung gaano kami kasaya kanina sa paglangoy at paglalaro namin sa dagat. Pagkatapos naming kumain ay naisipan ng iba kasama na si Grace na pumunta sa malapit na bar para uminom at mag-enjoy dahil minsan lang daw ang ganitong pagkakataon na makapag out of town. Sina Anne st Dave ay kaagad naman pumunta sa isang cottage si mang Jim naman ay nagpaalam na matutulog na. Si Kevin ay umalis na rin at umuwi sa kanilang bahay bakasyunan dito sa Batangas na nalaman namin na doon pala ito pumunta kanina. Gaya ni Mang Jim ay pumunta na rin ako sa aking kwarto at natulog na.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.