Alexander's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng aking opisina at hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko, na si Marco pala ang mayamang businessman na nag-invest sa aking kompanya.
Hindi ko rin alam kung ano bang gusto o balak nitong gawin sa kung bakit sa dinami-dami ng kompanya sa Pilipinas ay sa akin pa talaga nito napiling mamuhunan.
Isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit pa ito nagpanggap na maging driver ko gayong mayaman naman pala ito.
Hindi rin naman ako naniniwala sa naisip kong dahil sa akin kaya n'ya nagawa ang magpanggap bilang driver ko at ngayon naman ang pag-invest sa aking kompanya. Inisip ko na lang na dahil lang sa negosyo ang lahat at makakabuti naman ang pag-invest niya hindi lang sa akin pati na rin sa mga empleyado ko.
Abala ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pagtingin ko ay si Grace pala ang pumasok.
"Ah sir pasensya na, gusto ka raw makausap ni Kiko I mean ni Sir Marco at naroon s'ya sa labas." Mahabang sabi ni Grace at pagtingin ko nga sa pinto na gawa sa salamin ay nakita kong nakatayo nga doon si Marco.
"Si-sige papasukin mo na s'ya." Sabi ko na lang at lumabas na si Grace.
Kaagad naman akong umupo at nagkunwaring may ginagawa sa PC na nasa desk ko. Nakita ko naman ang pagpasok nito kahit na kunwari ay tutok na tutok ang aking paningin sa PC.
"May kailangan ka Mr. Lopez?" Sabi ko na abala parin sa PC ang aking mga mata.
"Busy ka pa yata, kaya dito muna ako habang 'di kapa tapos sa pinag-kakaabalahan mo. Sabihin mo nalang kapag tapos kana at tsaka ko na lang sasabihin kung ano ang kailangan ko." Mahabang sabi nito at sabay diin sa salitang pinag-kakaabalahan mo na wari mo'y may gustong ipahiwatig. Sa narinig ay parang nagpantig ang tenga ko kaya naman kaagad kong binaling ang paningin ko rito.
"Look Mr. Lopez spill it kung ano bang kailangan mo at gaya nga ng sabi mo busy ako sa pinag-kakaabalahan ko." Medyo napalakas na sabi ko sa kanya.
"Woah! easy Mr Gomez hindi naman kita pinuntahan para inisin ka, here." Sabi nito at inabot sa akin ang isang maliit na envelope.
Tinignan ko lang s'ya at waring nagtatanong kung para saan itong envelope.
"Open it." Sunod namang sabi nito.
Matapos ngang kunin ang envelope ay kaagad ko itong binuksan at napangiti ako sa aking nakita. Isa pala itong invitation card para sa pagtatapos ng preparatory ni Clark at nabasa kong ito rin ang first honor sa klase nila.
"So that's smile means pupunta ka." Rinig kong sabi ni Marco at pagtingin ko sa kanya ay nakangiti rin ito.
"Titignan ko." Sabi ko naman.
"Bakit busy ka ba sa araw na 'yan?" Tanong naman nito.
"Hindi ko alam, baka, basta sasabihin ko na lang sa'yo kapag pupunta ako." Sabi ko naman, ewan ko bakit 'yon ang sinabi ko eh sa totoo lang pupunta naman talaga ako kahit pa magkataon na may lakad ako sa araw na 'yon.
"O-okay sabihin mo na lang para isabay na lang kita pauwi sa bahay dahil doon din ang venue." Sabi nito
"Sige." Nasabi ko na lang.
"Sana makapunta ka siguradong sasaya si Clark 'pag nakita ka.. Pati na rin ako." Sabi pa nito. Sa narinig nga ay napatingin ako rito at kita ko sa kanyang mga mata na seryoso ito sa sinabi pagkatapos ay kumindat pa ito sa akin. 'Di ko tuloy alam kung nakita ba n'ya ang pamumula ng pisngi ko matapos n'on, dahil alam ko na namula ako sa ginawa nitong pagkindat sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomansaAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.