Ang Amo Part 34

3.8K 159 7
                                    

Alexander's POV

Halos isang linggo rin akong nagpahinga sa bahay at ngayong araw nga ay papasok na ako ng opisina. Tinawagan ko na rin si Grace kanina at ipinaalam ang pagpasok ko. Kaagad kong pinatawag sa kanya ang mga board of directors para sa meeting mamayang hapon. Ito rin kasi ang araw na makikilala namin ang bagong investor sa aking kumpanya.

...

May bago na rin akong driver na pinadala ng isang kilalang agency kaya tiyak na mapagkakatiwalaan ito. Dumating na din ito kanina pa, ayon sa sabi sa akin ni Yaya ng katukin nito ang aking kuwarto para gisingin ako.

Pagbaba sa kusina ay kumain na ako ng almusal kasabay si Anne.

"Good morning lex, nga pala nasa labas na ang bago mong driver." Sabi ni Anne.

"Good morning din, sabi nga sa akin ni yaya. Ikaw wala ka bang lakad ngayon?" Sabi ko naman.

"Meron pupuntahan ko si Tita Marisol, isasama ko na rin si yaya, alam mo na para ipalam kung kailan ang kasal namin ni Dave." Sagot nito.

"Eh si Dave kailan s'ya uuwi." Tanong ko rito.

"Baka sa makalawa, si Dad naman may gagawin pa sa states kaya 'di sila sabay makakauwi." Sagot nito.

"Sayang naman, kunsabagay marami ding trabaho doon si Uncle." Sabi ko naman.

Matapos kumain ay pumunta na ako sa kuwarto para kunin ang mga gamit ko para sa meeting mamaya.

...

Paglabas ko ng bahay ay nadatnan kong naghihintay ang bago kong driver at pagtingin ko rito ay mukhang 'di naman nagkakalayo ang edad namin base sa itsura nito. Moreno ito at matangkad, guwapo rin ito sa semi kalbo nitong buhok.

"Good morning sir, ako pala si Juancho ang bago n'yong driver." Sabi nito sabay lahad nito ng kamay.

"Good morning din Juancho, oo nga pala ang pangalan ko ay Alex." Sabi ko naman sabay abot ng kamay nito. Matapos ay binuksan na nito ang sasakyan at kaagad pinaandar.

Sa biyahe.

"Juancho matagal ka na bang driver?" Tanong ko rito.

"Medyo pa lang sir, kungdi ako nagkakamali magtatatlong taon pa lang." Sagot naman nito.

"Ganoon ba, ano bang dating trabaho bago ka naging driver." Tanong ko pa rito.

"Wala sir, ibig kong sabihin working student ako dati bago ako nagtrabaho at una kong naging trabaho ang pagmamaneho ng taxi." Sagot nito.

"Eh paano ka mag-aaral kung magiging driver kita." Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Huminto na'ko sir, baka mag-iipon muna para pang tuition, marami rin kasing gastusin sa bahay." Sagot naman nito.

"Ah ganoon ba, basta kung kailangan mo ng pera 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin." Sabi ko naman. Ewan ko ba at ang gaan kaagad na loob ko rito, siguro dahil na rin sa masipag ito.

"Sige sir, salamat."

"Oo nga pala ilang taon ka na?" Tanong ko rito.

"22 na sir." Sagot nito.

Ilang minuto lang ay nandito na kami sa opisina. Kaagad naman akong pinagbuksan ng sasakyan ni Juancho.

"Good luck sir." Sabi nito at sa narinig ay saglit pa akong natigilan, naalala ko kasi na palagi rin itong sinasabi sa akin ni Kiko kapag nandito na kami sa opisina.

"Sir may problema ba?" Sabi ni Juancho na nakapagbalik sa akin.

"Ah wala may naalala lang ako. Salamat sa good luck." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

...

Pagpasok sa opisina.

"Sir ready na ang meeting room at padating na rin daw ang mga board. Si Mr. Guzman naman na secretary ng ating investor ay on the way na rin." Mahabang sabi ni Grace.

"Mabuti naman, oo nga pala nasabi ba sa'yo kung kasama nito ang boss n'ya?" Tanong ko rito.

"Ah 'di ko naitanong pero wala naman itong sinabi, te-teka lang at tatawagan ko." Sagot naman nito at lumabas para tawagin sa telepono si Mr. Guzman.

Isa-isa ko nang inayos ang mga kailangan para sa meeting mamaya, mabuti nang prepare at baka mamaya kasama na pala ni Mr Guzman ang boss nito na isa na sa pinakamalaking investor na mamumuhunan sa aking kumpanya.

...

Matapos ang isang oras ay pumasok na si Grace at ipinaalam na nasa loob na ng meeting room ang mga board of directors kasama na si Mr. Guzman.

Kaagad na rin akong pumunta sa meeting room.

...

Isang presentation ang inihanda ko para sa susunod na project ng aking kumpanya at nagustuhan naman nilang lahat ang aking presentation.

"Excuse me." Biglang sabi ni Mr. Guzman pagkatapos ng presentation. Kaya naman lahat kami na nasa meeting room ay nabaling ang tingin sa kanya.

"Nag text si Boss na on the way na s'ya papunta dito at pinasasabi n'ya Mr. Gomez na be ready at excited na itong makilala ka." Mahabang sabi ni Mr. Guzman at tumingin pa ito sa akin sa huli nitong sinabi.

"Well lahat rin kami ay excited na, na makilala ang boss mo." Nasabi ko na lang kahit na naguluhan sa sinabi ni Mr Guzman kanina.

Ilang minuto pa.

"Nandito na si Boss." Sabi ni Mr. Guzman sabay tayo at binuksan na ang pinto.

Parang slow motion ang nangyari at nang bumukas ang pinto ay literal na nanlaki ang aking mga mata ng makita at makilala ang sinasabing boss ni Mr. Guzman.

"Good afternoon everyone." Bati nito sa amin. "Especially to Mr. Gomez." Dagdag pa nito sabay tingin diretso sa aking mga mata na para bang binabasa nito ang aking kaluluwa sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

"Everyone meet my boss, Mr. Marco Lopez." Pakilala ni Mr. Guzman sa boss nito na dati ako ang naging Amo nito.

Kumpara sa dati nitong ayos ng driver ko pa ito, ibang-iba na ang pananamit nito at sa tingin pa lang sa porma nito ay masasabi mo, na isa itong executive at may-ari ng isang malaking kumpanya.

Isa-isa namang tumayo ang mga board para makipagkamay sa kanya at pinakahuli akong tumayo para makipakamay din sa kanya.

Nang magtagpo ang aming mga kamay ay parang may kuryente akong naramdaman na nagbigay ng kiliti sa akin at naramdaman ko rin ang marahan nitong pagpisil sa aking kamay.

"It's nice to finally meet you Alex." Bulong pa nito sa tenga ko nagbigay init hindi lang sa aking tenga pati na rin sa aking buong katawan.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon