Ang Amo Part 38

4.1K 153 8
                                    

Alexander's POV

Matapos naming pumunta sa burol ay umuwi na kami sa hacienda na ngayon ay pagmamay-ari na ni Kiko.

Ikinuwento nito sa akin ang mga nangyari sa kanya noon, mula ng malaman nito na bumalik na kami sa siyudad, na inakala rin nito na pumunta ako sa ibang bansa para mag-aral sunod sa sinabi sa kanya ni Mang Jimmy.

Mula sa pagkikita nila ng kanyang totoong Ama na mula pa sa kanyang pagsilang ay 'di na nito nakilala. Ang pagpunta nila sa Amerika para doon ito mag-aral. Pati na rin kung paano sila nagkakilala ni Samantha at naging magkaibigan, na lihim pa lang may pagtingin sa kanya kaya nito nagawa ang isang bagay na nauwi sa pagkakaroon nila ng anak.

Matapos malaman ang lahat ay 'di ko namalayan na umiiyak na pala ako at tama nga s'ya na pinaglaruan kami ng tadhana.

Pagkatapos, ako naman ang nagkuwento sa mga nangyari sa akin noon, mula ng bumalik kami sa siyudad dahil sa labis akong nasaktan noon nang malaman ko na nakatakda na itong ikasal.

Matapos ko ngang magkwento ay inamin ko rin sa kanya na sa oras na nagkamalay ako matapos ang aksidente ay naalala ko na ang lahat, kasama na ang lahat ng nangyari sa amin noon. Sinabi ko rin sa kanya na kailangan ko munang ayusin ang sarili ko, lalo na ang tungkol sa amin ni Kevin bago pa may mamagitan ulit sa amin. Naintindihan naman n'ya ito at nangako rin s'ya na kahit gaano pa katagal ay maghihintay ito.

...

Sa sumunod na araw ay bumalik na kami sa syudad at hinatid pa ako nito sa bahay.

...

Halos isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang pagpunta namin ni Kiko sa Bataan.

Ngayong araw rin na ito ay kailangan ko ng gawin ang isang bagay para itama ang lahat.

Matapos ngang tawagan si Kevin kanina ay napagkasunduan naming magkita sa isang resto.

Alam kong masasaktan ito sa aking gagawin pero alam kong ito rin ang makakabuti sa aming dalawa at ayaw ko nang magsinungaling pa sa kanya.

...

Seven PM na ng gabi ng makarating ako sa resto.

Ilang minuto lang ay dumating na ang taong hinihintay ko at lalo pang sumikip ang dibdib ko ng makita ang ayos nito na todo porma na lalong nagpaguwapo sa kanya.

"Good evening babe." Sabi nito pagkalapit sabay halik pa sa aking pisngi.

Pansin siguro nito ang pananahimik ko.

"May problema ba?" Sunod pang sabi nito.

Sa oras na 'yon 'di ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

"Hey babe, bakit ka umiiyak." Sabi pa nito at naramdaman ko na lang ang pagpunas nito sa aking luha sa kanyang hawak na panyo.

"I'm sorry." Unang salitang lumabas sa bibig ko at tumingin ako sa kanyang mga mata.

"I'm sorry Kevin but i can't love you anymore." Pagpapatuloy ko habang nagsimula na naman akong umiyak at kita ko kung paano ito nagulat sa sinabi ko.

"Please tell me you're joking, you're joking ri-right?" Sabi na naman nito.

Hindi ako umimik at alam kong alam na nito na seryoso ako.

"No! Please babe don't do this, may nagawa ba ako? Please tell me?" Sabi pa nito habang umiiyak na rin ito kagaya ko.

"I'm sorry." Sabi ko at 'di ko na kaya pang makita itong umiiyak kaya mabilis akong tumayo at lumabas na ng resto.

...

Pagdating sa sasakyan ay sinabihan ko si Juancho na idiretso na sa bahay ang sasakyan at mabilis naman itong sumunod. Habang nasa biyahe ay patuloy lang ako sa pag-iyak, lalo pa ng sumagi ang mukha ni Kevin sa isip ko habang umiiyak ito. Sa oras na 'yon ay sinisisi ko ang sarili ko dahil nasaktan ko ito at 'di ko alam kung magagawa ko bang maging masaya ngayon na alam kong may nasaktan akong tao.

...

Pagdating sa bahay ay mabilis akong umakyat sa kwarto at doon nagkulong at umiyak. Tinanong ko pa ang sarili ko na tama ba ang ginawa ko? Tama bang saktan ko ang isang tao na walang ginawa ay mahalin ako?

Ilang minuto rin siguro ako na nanatili lang sa kwarto ng marinig ko na may kumatok sa pinto.

Dahil 'di ako sumagot ay nagsalita ang taong kumatok at nalaman kong si pinsan pala 'yon.

Sinabi nitong papasok ito pero 'di ko ito sinagot pero binuksan parin nito ang pinto at pagbukas nito ng pinto ay nakita nito ang ayos ko na nakaupo sa paanan ng kama na nakayuko habang umiiyak.

"Lex.." Matapos ay naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin.

"Anne ang sama-sama ko" Iyak na sumbong ko habang yakap parin ako nito.

"Ang sakit pala na may masaktan kang tao. Bakit pa kasi nangyari sa akin ito?" Sabi ko pa.

"Sshh tahan na pinsan."

"Ang bait ni Kevin at ang sama ko para saktan ko ito."

"Lex 'wag mong isisi lahat sa sarili mo, tama ka sinaktan mo s'ya pero kung 'di mo ginawa 'yon ay lalo mo lang s'yang masasaktan pati na rin ang sarili mo dahil 'di ka naging tapat sa totoong nararamdaman mo." Sabi ni pinsan at sa narinig ay napatingin ako rito.

"Papaano mo-."

"Alam ko na ang lahat at alam kong mas mahal mo si Kiko. Bago ka pa maaksidente at bumalik ang ala-ala mo ay nalaman ko na nagpapanggap lang na driver si Kiko at kaya n'ya nagawa iyon ay dahil sa mula pa noong mga bata kayo ay mahal ka na n'ya." Mahabang sabi ni pinsan.

"Tama ako na mahal mo nga si Kiko hindi ba?" Sabi pa nito.

"Oo, pero sinabi ko sa kanya na 'di gano'n kadali 'yon, lalo pa ngayon na may sinaktan akong tao dahil sa pagmamahal ko sa kanya." Sabi ko at naisip ko na naman ang nangyari kanina sa resto at nagsimula na naman akong umiyak.

"Sige iiyak mo lang 'yan pinsan at lagi lang akong nandito sa tabi mo."

Kahit papano ay nagpapasalamat ako at may pinsan ako na gaya ni Anne, na laging nandito lang at kasama ko, sa masaya o malungkot mang parte ng buhay ko. Umaasa rin ako na sana dumating din ang araw na maging maayos rin ang lahat.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon