Part 9 Batangas Part 1
Alexander's POV
Kinabukasan maaga akong gumising para pumasok ng office. Ngayon ang araw ng pag-produce namin ng mga bagong alak sa market. Ngayon din ang araw para i-shoot ang commercial para sa pinakamahal at pinakasarap naming alak na tinawag kong Lexan Wine. Galing ito sa pinagsamang pangalan ko at ni Anne.
"Sir kayo na lang po ang kulang para maumpisahan ang meeting para po sa commercial ng Lexan Wine." Sabi ni Grace pagpasok nito ng aking office.
"Okay." Maikli kong tugon.
Natapos din agad ang meeting para sa commercial at nagustuhan ko ang concept at ang lugar kung saan ito gagawin.
I-shoo-shoot ito sa isang beach sa Batangas. May isang couple na magde-date na mauuwi sa failure dahil sa pangit ang lasa ng pagkain ihahanda ng lalake pero magiging okay ito dahil sa may ilalabas itong lexan wine at kanila itong iinumin at pagkatapos ay sasabihin ng babae na. "Lexan Wine and everything's fine." At hahalikan nito ang lalake at doon ito matatapos.
"Sir okay na po ang lahat, papunta na po sa Batangas ang mga magshoo-shoot sa commercial." Inform sa akin ni Grace.
"Okay. Sige umuwi ka na rin at sa bahay ka na pumunta mamaya para sabay-sabay na tayong umalis papunta doon." Sinabi ko kay Anne ang tungkol sa shooting sa Batangas at sinabi nitong sasama sila ni Dave para raw makapagbakasyon sila bago bumalik sa Amerika si Dave.
Papalabas na ako ng office ng biglang pumasok si Grace at may hawak itong bulaklak. "Oh Grace bakit nandito ka pa? May nanliligaw yata sayo ah." "Hay naku Sir hindi po sa akin 'to." Sagot nito. "Eh para kanino 'yan?" Tanong ko rito. "Para sa inyo daw po ito sabi ng guard." Sabay abot nito sa akin ng bulaklak. "Teka lang 'wag ka munang umalis, babasahin ko muna 'yung card baka kasi nagkamali lang 'yung nag-deliver nito." Pagkabukas ko ng card heto ang nakasulat.
"For my Alex, thank you for letting me express my feelings for you. From Kevin." Pagkabasa ko ng nakasulat hindi ko maiwasan ang mapangiti na kaagad namang napansin ni Grace. "Uy si Sir nangingiti siguro galing sa manliligaw mo 'yan no." "Grace umuwi kana para kaagad kang makapunta sa bahay, sige kapag nahuli ka hindi ka makakasama sa Batangas." Takot ko sa kanya para hindi na 'sya mangulit pa.
"Si Sir ayaw pang sabihin na galing sa manliligaw niya 'yung bulaklak."
"Grace hindi ako nagbibiro talagang iiwanan ka namin kapag nahuli ka sa bahay."
"Heto na nga po aalis na po ako hmmp." Pagkaalis ni Grace ay inayos ko lang ang mga gamit ko at lumabas na rin ako ng office.
"Aalis na ho ba tayo Sir?" Tanong ni Mang Jimmy.
"Opo mang Jim diretso na tayo sa bahay."
Pagdating ko sa bahay handa na ang mga gamit nina Anne, kaya umakyat na ako sa kwarto ko at inimpake ang lahat ng mga gagamitin ko para sa ilang araw naming pananatili sa Batangas.
"Tara na Anne, Dave mahaba pa ang byahe papunta sa Batangas."
"Hay naku lex kanina pa naming gustong umalis kaya lang ang tagal mo. Mukhang inimpake mo yata lahat ng gamit mo eh."
"Ewan ko sa'yo. Nga pala wala pa ba si Grace?" Pagkatanong ko kay Anne ay saktong tumunog ang Cellphone ko. May nagtxt pala at si Grace ito at nasa labas na daw ito.
"Oh nasa labas na pala si Grace, tara na.
Paglabas namin ng bahay napansin ko ang itim na sasakyan na kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari ni Kevin.
Pagtingin ko kay Anne ay nakangiti ito.
"Sorry Lex nasabi ko kasi kay Kevin na pupunta tayo sa Batangas. Pagkatapos ay nagtanong ito kung pwede ba daw na sumama 'sya syempre sinabi kong okay lang." "Ikaw talaga, magpapalusot ka pa eh alam ko naman plinano mo ito para makasama ko 'sya." Bulong ko rito. Hindi naman sa nagpapakipot o ayaw kung makasama si Kevin. Pero ayoko naman na madaliin ang lahat.
"Hi Alex, Dave and Anne." Bati ni Kevin pagkalapit nito sa amin.
"Hi Kevin, nabanggit ni Anne na gusto mo raw sumama sa Batangas." Tanong ko sa kanya.
"Ah, oo halika na sa akin kana sumabay." Sabay bitbit nito sa mga gamit ko.
"Sandali lang, kay mang Jimmy na lang ako sasabay." Pagtanggi ko.
"Sir siya ba 'yung manliligaw mo?" Sabat naman ni Grace.
"Yup ako nga iyon." Sagot ni Kevin kay Grace.
"Nga pala natanggap mo ba iyong mga bulaklak na pinadala ko?" Baling nito sa akin.
"Oo natangga--" Hindi ko na natapos na sabihin dahil sa pagtili ni Anne
"Waaaaaaahhh. Ang sweet mo naman Kevin, diba hon parang tayo lang noong nililigawan mo ako."
"Tara na nga sige Anne, Dave ingat sa pagmamaneho. Grace kay mang Jim kana sumabay at kay Kevin na lang ako sasakay."
"Sus pakipot kapa Sir papayag ka rin pala." "Ano ba Grace sasakay kaba o maiiwan ka rito." Inis-inisan kong sabi kay Grace."
"Sasakay na po. Hmmp galit-galitan kunwari." Bulong nito sa huli 'nyang sinabi.
"May sinasabi ka." Baling ko rito.
"Wala po, ang sabi ko lang po sasakay na po ako at baka mainis po kayo." Pagkatapos ay sumakay na ito sa sasakyan na minamaneho ni Mang Jimmy. Pagharap ko sa lalaking katabi ko ay nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
"Uhm may problema ba?"
"Wala, natutuwa lang ako kay Grace para lang 'syang si Anne na lagi kang iniinis. Pero mas natutuwa ako dahil pumayag kang sumabay sa akin." Sa huli 'nyang sinabi ay parang kinilig ako na ewan. Sa simpleng pagpayag ko lang pala na sumabay sa kanya ay napasaya ko 'sya.
Mahaba-haba ang oras ng byahe kaya minabuti kong 'wag matulog at sinumulan kong kausapin siya.
"Kevin hindi kaba naabala? I mean kung wala ka bang importanteng gagawin sa kumpanya ng dad mo?" "Wala naman, atsaka hindi pa naman ako totally nagtatrabaho sa company ni dad." "Akala ko ba ang sabi mo tututukan mo 'yung company 'nyo?" "Saka na 'yon may iba na akong tinututukan ngayon." Sa sinabi niyang 'yon itatanong ko sana kung ano ang tinututukan 'nya ngayon. Pagtingin ko sa mukha niya, nakitang kong nakatingin siya sa akin ng mabuti doon ko lang naisip na ako pala at hindi kung ano pa man ang sinasabi niyang tinututukan niya ngayon. At dahil doon naramdaman kong namula na naman ako. "Sige na matulog ka na muna kung inaantok kana, gigisingin na lang kita pagkarating natin sa Batangas."
"Ok lang hindi naman ako inaantok. "Lex alam kong kanina kapa inaantok kaya matulog ka na muna. 'Wag kang mag-alala sanay na ako sa mahabang byahe at sisiguraduhin kong safe tayong makakarating sa pupuntahan natin." Dahil sa sinabi ni Kevin ay natulog na muna ako.
Nagising na lang ako nang may maramdaman akong bagay na humahaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko nakita kong magkalapit ang mukha namin ni Kevin.
"Ah eh Kevin nandito na ba tayo?" Tanong ko kay Kevin para lumayo ang mukha nito sa akin. Pero hindi man lang ito sumagot sa halip ay lalo lang itong lumapit sa akin at halos mag-dikit na ang aming mga labi. Dahil doon ay unti-unting pumikit ang aking mga mata at handa na sana akong sa kung anong mangyayari pa. Ilang segundo pa ang nakalipas ay wala akong naramdaman na kahit ano. Ang buong akala kong halikan na mangyayari ay hindi natuloy. Pagbukas ng mata ko, ang nakangiting mukha ni Kevin ang nakita at malayo na rin ang mukha nito sa akin.
Nakakahiya para tuloy akong tanga na may papikit-pikit pang nalalaman. Sa totoo lang akala ko ay hahalikan 'nya talaga ako.
"Ano nga kasi ang tinatanong mo?" Tanong nito pagkatapos ng nakakailang na nangyari. "Ah.. Nandito na ba tayo sa Batangas?"
"Oo actually kanina pa tayo nandito. Kaya lang ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na muna kita ginising." "Ganoon ba, pasensya na ah sana ginising mo na ako pagkarating natin." "Ok lang iyon at naenjoy ko naman ang pagmasdan ka habang natutulog ka." Hindi ba titigil ang lalaking ito sa pagpapakilig sa akin, sigurado akong nakita rin niya kung paano namula ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga kapag nagba-blush ka." "Hindi ako nag-blush mainit lang talaga ang panahon. Sige bababa na ako at marami pa kaming gagawin na trabaho dito at salamat pala sa pagsabay sa akin." "Anytime basta ikaw at ako naman ang nag-aya na sumabay ka sa akin. Sige kita na lang tayo mamaya." Sabi nito sa akin bago ako pumasok sa resort para puntahan na sina Anne at ang mga magsho-shoot ng commercial.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomansaAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.