Part 22 Marco's Past Last Part
Marco's POV
Matapos ang gabi na may nangyari sa amin dalawa ni Samantha ay hindi na ako muling pumunta sa bar para uminom. Kahit lutang pa rin dahil sa mga sunod-sunod na hindi magandang nangyari sa buhay ko ay pinilit kong mag-patuloy.
Bumalik na rin ako sa aking pag-aaral at iniisip ko na lang na lahat ng pagsisikap na ginagawa ko ay para kay Daddy Matthew.
Kahit na hindi gaanong matagal ang pagsasama naming mag-ama, ipinaramdam nito sa akin ang pagmamahal na hindi nito nagawa sa akin ng matagal na panahon....
Dumating ang ika-dalawangput isang araw matapos maaksidente si Alex ng makatanggap ako ng tawag kay Tatay Jimmy.
"Hello anak may magandang balita ako sa'yo."
"Oh tay ano po 'yon? Tungkol ba kay leklek?"
"Oo nak nagising na 'sya."
"Talaga tay!" Salamat sa Diyos, oh kamusta na po 'sya?"
"Ayos na 'sya, kaya lang nak nakalimutan niya ang nangyari sa kanya."
"Ano pong ibig 'nyong sabihin?" Na nagka-amnesia ho 'sya?"
"Parang ganoon yata, pero alam naman 'nya ang pangalan niya maging ang sa mga magulang at pati ako naalala rin 'nya.
Ang hindi niya maalala ay ang nangyaring aksidente sa mga magulang 'nya at maging ang nangyari sa kanya kung bakit nandito 'sya ngayon sa ospital.""Parang alam ko na ho kung anong nangyari sa kanya. Ang mahalaga tay ay gising at ligtas na ho siya."
"Oo nga nak, 'wag kang mag-alala at ako ang bahala kay Alex habang nandyan ka pa. O sige nak alagaan mo ang sarili mo at mag-pakatatag ka, darating din ang araw at magiging maayos ang lahat.
...
Malapit ng matapos ang klase ng mapansin ko na hindi na pumapasok si Samantha. Buong akala ko na lumipat na ito dahil sa nangyari sa amin at para makalimot. Hindi lingid sa akin na may nararamdaman ito sa akin, pero sinabi ko rin sa kanya na hindi pwede dahil sa may mahal na akong iba at hindi ko masusuklian ang pag-ibig nito para sa akin.
...
Isang umaga ay bigla na lamang dumating sa aking bahay ang mga magulang ni Samantha.
"Alex do you know where our daughter is? It's almost a week since her last time she come home and we knew Samantha, she never leave's without telling us where she might go." Naiiyak na sabi ni Aunt Diane pagkakita sa akin.
"Ah Uncle John, Aunt Diane , Samantha and I we'rent talking for a while now. Have you contacted her already?"
"Oo hijo, we already go to the police yesterday. Naisip ko kasi na baka alam mo kung saan siya naroon o nasabi niya sa'yo, kaya nagbakasali kami na puntahan ka." Sabi naman ni Uncle John.
"Ganoon po ba Uncle? Sige po i will inform you kapag nakita ko po siya. Aunt Diane, i promise i will do everything to find Samantha."
"Thank you Marc."
Pag-alis ng mga magulang ni Samantha ay kaagad akong nagbihis at umalis para hanapin ito. Pinuntahan ko ang lahat ng mga kaibigan namin pero isa man sa kanila at hindi rin alam kung saan ito naroon. Iniisa-isa ko rin lahat ng mga lugar na madalas naming puntahan pero sa huli ay hindi ko rin ito makita.
Mag-gagabi na pero patuloy pa rin ako sa paghahanap kay Samantha, tumawag din si Uncle John sa akin at maging sila ay hindi pa rin alam kung nasaan ito.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.