Ang Amo Part 31 (3/3)

3.9K 155 4
                                    

Alexander's POV

"Nasaan ako?" Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Habang patuloy lang akong naglalakad ngunit hindi ko alam kung saan ako naggaling at saan rin ako patungo. Tanging puti na parang usok lang ang aking nakikita, ilang sandali pa sa aking paglalakad ay natanaw ko ang isang imahe at sa tingin ko ay isa itong babae base na rin sa mahaba nitong buhok na tangi kong nakikita sa dahilang nakatalikod ito sa akin.

Lumapit pa ako sa babae at nang makalapit na ako ay nagtanong ako rito.

"A-ale anong lugar po ba ito?" Sa narinig nga na tanong ko'y humarap sa akin ang babae at 'di ako makapaniwala ng makita ko ang mukha ng babae.

'Ma-mama?!" At bago pa ito magsalita ay kaagad akong yumakap sa kanya. Ilang minuto siguro na yakap ko ito habang patuloy naman ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Nang sumagi sa isip ko na bakit ko kasama si Mama gayong matagal na itong pumanaw ay humiwalay na ako sa pagkakayakap ko.

"Ba-bakit nandito ako at kasama mo mama? Patay na rin ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mama.

"Anak makinig kang mabuti." Ang sabi nito at kasunod ay hinawakan nito ang aking kamay at sa isang iglap lang ay nakita ko ang sarili kong katawan sa isang ospital habang nakaratay ito.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon