Ang Amo ( The Boss ) Part 29

4.8K 168 22
                                    

Part 29 Secrets of the past

Anne's POV

Masaya kaming nanonood ng teleserye ni yaya ng marinig namin ang pagtunog ng telepono.

Ringgg!!!

"Hello Alex?" Pauna kong sabi ng makita sa caller I.D. ng telepono ang pangalan ni Alex.

"Ah ma'am hindi po 'to si Alex. 'Wag po sana kayong mabibigla, naaksidente po si Alex at kasulukuyan na nasa ospital ito ngayon." Mahabang sabi ng nasa kabilang linya.

Sa mga narinig ay kumabog ang puso ko at kasabay n'on ang pagtulo ng mga luha ko. Matapos malaman kung saang ospital naroon si Alex ay sinabi ko kaagad kay Yaya ang nangyari at kagaya ko ay umiyak rin ito ng malaman na naaksidente si pinsan.

Kaagad rin namin pinuntahan sa kwarto si Mang Jim at ipinaaalam ang nangyari. Mabilis nitong inihanda ang sasakyan at dumiretso na kami sa ospital kung saan naroon ngayon si pinsan.

...

Sa ospital

Nandito kami ngayon sa labas ng ICU kung saan naroon si pinsan. Grabe raw ito ng isinugod sa ospital kasama ang driver ng taxi na sinasakyan nito. Sa kasamaang palad ay nasawi ang driver dahil sa tindi ng pagtama nito sa puno ng tumama ang minamaneho nitong sasakyan.

Hinihintay rin namin ang paglabas ni Doc. para malaman kung ano na ang lagay ni Alex.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" Bungad ni Doc ng lumabas ito.

"Opo doc kamusta na po si pinsan?" Tanong ko kay doc habang pinipigilan ko ang pag-iyak ng makita ko ang nakaratay na si pinsan.

"Under observation pa ang pasyente at kung sakaling hindi nagkamalay ito within 24 hours, maari itong mauwi sa coma." Mahabang sabi ni Doc. At sa narinig ay tuluyan ng dumaloy ang pinipigilan kong luha. Kaagad namang yumakap sa akin si yaya habang wala rin itong tigil sa pag-iyak.

"Diyos ko bakit ito nangyayari kay pinsan?! Napakabuti n'yang tao pero bakit laging na lang may nangyayari hindi maganda sa kanya." Hagulgol na tanong ko sa Diyos habang yakap ako ni yaya.

"Hija tahan na alam kong masakit, ako man ay nasasaktan dahil sa nangyari kay Alex pero alam kong may dahilan ang Diyos sa lahat." Naiiyak namang sabi ni yaya.

"Mabuti pa samahan mo ako sa chapel para ipagdasal natin si Alex." Dagdag pa ni yaya.

...

Marco's POV

Matapos ang 'di inaasahang pagkikita namin ni Alex sa mall kanina ay umuwi na rin kami ni Clark ilang minuto matapos mag-paalam ni Alex.

...

Pagdating sa bahay ay dumiretso kaagad ang anak ko sa kanyang kwarto habang ako naman ay ibinagsak ang aking katawan sa sofa dala ng pagod sa nangyari kanina.

...

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising lang sa pagdating ni pinsan.

Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng mag-ring ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Tatay pala ang tumatawag.

"Hello tay napatawag po kayo?" Kaagad kong sabi pagsagot ko sa tawag ni Tatay.

"A-anak si Alex.." Sa narinig palang sa pangalan ni Alex ay bigla na akong kinabahan.

"Anak naaksidente ito." Sa narinig na sinabi ni Tatay ay nanghina ako at sa mga oras na 'yon ay gustong-gusto ko nang puntahan si Alex.

"A-anak alam kong masakit ang nalaman mo pero sana ay tibayan mo ang loob mo." Alalang sabi ni tatay. Matapos n'on ay sinabi nito kung saang ospital naroon si Alex at sa sandaling 'yon ay kaagad rin akong pumunta sa ospital.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon