Part 27 Clark
Alexander's POV
Ilang araw na ang lumipas mula nang sumakit ang ulo ko dahilan para maospital ako at malaman ni Kevin ang tungkol sa pagkakaroon ko ng amnesia. Mula no'n ay palagi na itong tumatawag para malaman kung okay lang ako, kung may oras naman siya ay dumadaan pa ito para magkasama kami na laging napupunta sa pagkain namin sa labas o kaya naman ay mamasyal sa kung saan kami mapunta.
At ngayon nga ang araw na babalik ako sa ospital para sa follow up check up ko.
Matapos ipa-cancel ang mga appointments ko ngayong araw kay Grace ay lumabas na ako ng office.
...
Kaagad na akong pinagbuksan ni Kiko ng sasakyan pagkakita sa akin. Sinabihan ko rin na sa ospital ang tungo namin at kaagad na rin nitong pinaandar ang sasakyan.
...
Sa Ospital
"Well Alex okay naman lahat ng mga results sa mga tests mo at masasabi kong wala namang problema sa kalusugan mo." Mahabang sabi ni Dr. Robles.
"Salamat naman doc."
"By the way, nang sumakit ang ulo may nangyari ba o naalala ka na naman bago ito?" Tanong pa ni Doc.
"Ah oo Doc." Sagot ko naman.
"And i'm guessing the same person na naalala mo last time kaya sumakit ang ulo mo right?." Dagdag pa ni Doc na nabasa yata ang gusto kong sabihin, na kagaya nga ng unang pagsakit ng ulo ko ay naalala ko ulit ang isang pangyayari kasama ang parehong bata na hinahabol ko noon.
"Oo doc."
"Bibigyan na lang ulit kita ng painkiller para in case na sumakit ang ulo mo ay inumin mo." Sabi ni Doc.
"At sasabihin ko ulit 'wag mong pilitin na maalala ang lahat, marami na rin na kagaya ng kalagayan mo na bigla mo na lang ma-aalala ang lahat and who knows it will happen as soon as possible." Mahabang dagdag pa ni Doc.
...
Mabilis na lumipas ang mga araw at patuloy lang ang magandang pagtakbo ng kumpanya. Sa amin naman ni Kevin ay ipinaalam ko na sa kanya ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng amnesia at matapos n'on ay parang lumuwag ang pakiramdam ko dahil nailabas ko sa kanya ang lahat ng hinanakit at sama ng loob ko sa nangyari sa akin noon.
Si pinsan naman ay excited na sa pag-uwi ni Dave para sa kasal nila. Tumawag rin ito sa kanya at ipinaalam na sabay na silang uuwi ni Tito Roman na Tatay ni Anne.
Si Mang Jimmy naman ay nakakalakad na ulit at baka sa susunod na linggo ay maipagmamaneho na ako nito.
Si Kiko naman ay nagpaalam na, na kapag puwede na ngang magmaneho si Mang Jimmy na Tatay nito ay maghahanap na rin ito ng kanyang trabaho. Dahil sa masipag naman ito ay inalok ko ito nang trabaho na maging hardinero pero tinanggihan lang n'ya ito at sabay sabing.
"Baka kapag nagtrabaho pa ako sa iyo ay baka lalo ko lang sasaktan ang sarili ko, mabuti na rin na umalis na lang ako pero salamat pa rin at inalok mo ako ng trabaho."
Matapos nga ang pangyayaring 'yon ay parang nagbago na ito ng pakikitungo sa akin, Ewan ko rin sa sarili ko at parang hinahanap ko ang dating ginagawa nito na pagbati sa akin ng good morning.
...
Kinabukasan
Maaga akong gumising ngayong araw para makapag-jogging ulit. Matapos magbihis ay bumaba na rin ako.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.