Special Part

4.4K 113 26
                                    

Alexander's POV

Isang ngiti ang lumabas sa aking labi pagkagising ko. Ang sarap talagang magising sa umaga na ang mukha ng taong mahal mo ang bubungad sa'yo. Pero nang maisip ko ang dahilan, kung bakit mas maagang akong nagising ngayong araw ay kaagad na akong bumangon. Bago pa ako lumabas ng aming silid ng asawa kong si Marco ay binigyan ko muna ito ng isang halik sa pisngi at kaagad na rin akong umalis. Baka kung hindi ko pa mapigil ang aking sarili ay magising ko pa ito at hindi ko na magawa ng maayos ang surprise ko sa kanya ngayong araw ng kaarawan nito.

"Hello Grace papunta na ako maya-maya diyan kaya siguraduhin mong papunta ka na rin." bungad ko kay Grace ng sagutin nito ang tawag ko.

"Oo naman sir, actually paalis na ako. Kaya relax ka lang sir." sagot nito sa kabilang linya.

"Ok sige kita na lang tayo." sagot ko at binabaan ko na ito ng tawag.

Bago pa ako umalis ay nag-iwan na lang ako ng note sa ref para ipaalam kay Marco na magkita na lang kami mamayang gabi sa kompanya na pareho na naming pinapatakbo ngayon. Sinabi ko rin na pumunta muna ito sa restaurant namin sa Makati dahil nagkaproblema doon. Kahit sa totoo lang ay hindi naman.

Pinuntahan ko rin ang silid ng anak naming si Clark at dahil maaga pa ay masarap pa rin ang tulog ng gwapo naming anak. Hinalikan ko rin ito sa pisngi bago ako lumabas sa kwarto nito.

Paglabas ko ng bahay ay kaagad na akong sumakay sa aking sasakyan. Sa lumipas na tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa ni Marco ay ito ang napursige na turuan ako na muling makapagmaneho ng sasakyan. Lagi rin nitong sinasabi na 'wag na akong matakot pa dahil lagi naman raw itong nasa tabi ko na nakaalalay sa akin sa pagmamaneho. At makalipas lang ang dalawang linggo ay nakapagmaneho na akong ng maayos.

...

Marco's POV

Kringg! Kringg!

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin ngayong araw. Pero bago ko pa patayin ang alarm clock ay kaagad ko munang kinapa ang katawan ng asawa ko sa tabi ko habang nakapikit parin ang mga mata ko.

Pero 'di gaya ng inaasahan ay wala akong nakapa. Nakagawian ko na kasi ang kapain ito paggising ko at pagkatapos ay yayakapin ko ito at hahalikan para magising na rin ito.

Magmula ng maging mag-asawa kami ni Alex ay madala lang na una itong magising dahil siguro sa pagod gawa ng mainit naming tagpo bago kami matulog. Ewan ko ba, para bang hindi kumpleto ang gabi ko kung hindi kami magsisiping. Kaya naman lagi ako nitong inaasar na manyak at laging tawa lang ang sinasagot ko sa kanya. Minsan pa nga paggising namin ay nagagawa ko pang humirit ng isa pang round na lagi naman nitong pinagbibigyan. Siguro dahil sa tagal kong naghintay sa kanya bago may mangyari sa amin kaya heto ngayon at sinusulit ko ang mga araw ng pananabik ko sa kanya.

Matapos kong patayin ang alarm clock ay inayos ko muna ang kama bago ako lumabas ng kwarto.

Oo nga pala ngayong araw ay kaarawan ko, kaya siguro maagang nagising amg mahal ko para ito ang maghanda ng aming almusal.

Pero pagbaba ko sa kusina ay ni anino ni Alex ay hindi ko man lang nakita. Kaya naman naisipan ko na lang na puntahan ang silid ng anak naming si Clark para gisingin ito. Pero bago pa ako makapunta sa silid ni Clark ay napansin ko ang isang note na nakadikit sa ref.

Matapos mabasa ang note na galing kay Alex ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya. Paano ba naman kaarawan ngayon ng kanyang asawa pero hindi man lang nito nagawang batiin ako.

Matapos gisingin si Clark ay naghanda na ako ng aming almusal.

Habang kumakain ay tahimik lang ako at wala gana. Iniisip ko na lang na baka dala ng maraming trabaho sa kompanya, kaya pati ang kaarawan ko ay nakalimutan ni Alex.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon