Part 21 Marco's Past Continuation
Marco's POV
Sa sumunod na araw ay maaga akong gumising at kaagad kong pinuntahan si leklek para sabihin na nakilala ko na ang tunay kong Ama at ang pagpunta ko sa Amerika kasama si Daddy Matthew.
Pagdating ko sa hacienda ng mga Gomez na hindi gaanong malayo kung saan kami nakatira ay kaagad kong tinanong si Aleng Mameng kung gising na ito.
"Hindi mo ba alam na bumalik na sila sa syudad." Ang agad naman na tugon nito.
"Ho?! Hindi po, kailan pa po sila umalis?"
"Kagabi lang hijo, biglaan nga eh." Matapos makausap si Aleng Mameng ay malungkot akong bumalik sa amin. Bakit hindi man lang siya nagpaalam na uuwi na pala siya. Akala ko ba kaibigan niya ako. Ang dami ko pa naman gustong sabihin sa kanya tungkol sa nangyari noong isang araw.
Pag-uwi sa bahay nadatnan kong nagluluto si Tatay Jimmy.
"Saan ka galing anak? Ang aga yata ng gising mo, akala ko nasa kwarto ka pa at natutulog." Hindi ko na pinansin ang tanong nito sa halip ay tanong rin ang isinagot ko rito.
"Bakit hindi ho ninyo sinabi sa akin na umalis na pala si leklek?"
"Anong umalis? Kailan pa?" Naguguluhan rin na tanong ni Tatay Jimmy.
"Ibig sabihin hindi rin ho ninyo alam?"
"Oo anak, bakit biglaan naman yata."
"Ewan ko nga rin tay eh, maging si Aleng Mameng hindi rin alam kung bakit bigla silang bumalik sa syudad."
"Baka naman importante lang hijo. Mabuti pa ay kumain na muna tayo at mamaya susubukan kong makibalita sa mga kasama ko doon sa hacienda, baka isa sa kanila alam ang dahilan sa pag-uwi nila."
Ang balak ko sanang pagliban sa klase para makasama ko si leklek ay hindi natuloy dahil sa umalis na pala ito. Kaya imbes na magmukmok ay minabuti ko na lang pumasok at umaasa na sa pag-uwi ko ay may balita na si Tatay Jimmy kung bakit umuwi si leklek at hindi man lang ito nagpaalam sa akin.
Pag-uwi ko si Tatay kaagad ang hinanap ko. Sa mga sunod nitong sinabi ay tuluyan ng nawala ang pag-asa ko para sa huli sana naming pag-uusap ni leklek, bago ang pag-alis ko patungong Amerika kasama si Daddy Matthew.
"Kaya pala biglaan ang pag-alis nila dahil sa pagpunta nila sa ibang bansa para sa pag-aaral ni Alex."
...
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw kung kailan ang pag-alis ko ng Pilipinas para makasama si Daddy Matthew sa Amerika. Matapos mag-paalam sa mga kaibigan, kaklase, kapitbahay at kamag-anak lalo na kay Tatay Jimmy ay sumakay na kami sa eroplano.
Pagdating sa Amerika, sa mansion na pag-aari ni Daddy Matthew kaagad kami tumuloy. Isa-isa namang nag-pakilala ang mga maids at mga drivers ni daddy sa akin, si Daddy Matthew naman ang nagpakilala sa akin sa mga ito.
"Everybody i want to introduce to all of you my one and only long lost son, Marco Lopez."
...
Lumipas ang mga araw at dumating na ang oras para sa pag-aaral ko sa college.
Ibat-ibang klase ng tao ang nakilala ko dito. May ibang galing din sa ibang bansa pero karamihan ay mga amerikano at may ilan ding na kagaya kong pinoy at isa nga rito si Samantha.
Third year college ako sa kursong Bachelor of Professional Studies in Culinary Arts Management ng maging classmate ko si Samantha. Kagaya ko rin itong half American. Tatay niya ang pinoy at nanay niya naman ang American.
![](https://img.wattpad.com/cover/22721344-288-k84504.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.