Alexander's POV
One Year Later
Ring! Ringgg! Ringggggg!!!!
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock at pagtingin sa oras ay nakita kong 6:30 na ng umaga.
Mabilis akong bumangon at pagkatapos ay pumunta na ng banyo para maligo. "Ano ba naman bakit ba ngayon pa ako nalate ng gising?" Saway ko sa sarili ko.
Mabilisan ang ginawa kong pagligo at isinuot ko na ang Barong para sa mangyayaring seremonya mamaya.
Pagbaba ko ay kaagad na akong lumabas at nadatnan kong naghihintay ang isang sasakyan at ang driver nito na ubod ng gwapo lalo na sa suot rin nitong Barong.
"Tara na Hon." Sabi nito pagkakita sa'kin.
"Bakit 'di ka pumasok at ginising ako? 'Di tuloy ako nagising ng maaga." Tampong sabi ko rito.
"Alam ko naman na magigising ka ng maaga ngayong araw, isa pa malapit lang naman ang venue." Sagot nito.
Matapos pagbuksan ako ng kotse ay sumakay narin ako. Pagpasok nito ng sasakyan ay pinaandar na rin nito at tinungo na namin ang simbahan.
...
Pagdating sa simbahan ay marami narin ang mga tao, mabuti na lang at wala pa ang Bride at nakakahiya kung mauuna pa ito sa'kin na Bestman lang.
"Dave ikaw na ang bahala kay Anne at 'wag kang magkakamali na paiyakin 'yon at ako mismo ang bubugbog sa'yo." Sabi ko kay Dave pagkalapit ko sa kanya.
"Oo Kuya promise aalagaan at mamahalin ko si Anne at salamat rin sa lahat ng mga tulong mo sa amin dalawa." Sagot naman nito sabay yakap sa akin.
At ilang minuto lang ay dumating na ang bride, kaya naman nag-umpisa na ang seremonya.
Maraming tao ang naririto ngayon sa simbahan para makiisa sa kasal nina Dave at Anne. Na sa wakas matapos ang ilang buwan din na pag-adjust dahil tinamad si author este dahil sa dami ng preparasyon sa kasal ay dumating na rin at ilang sandali pa ay mag-uumpisa na. Ilan sa mga narito ngayon ay ang mga magulang ni Dave na sina Tito Arman at Tita Leni, si Tito Roman na Daddy ni Anne at pati na rin sina Daddy Alberto at Tatay Jimmy. Nakita ko rin kanina si Kevin at ito rin ang magiging photographer para sa kasal ni Anne, hindi man naging kami sa bandang huli ay tinupad nito ang pangako n'ya kay pinsan.
Si Yaya Linda at Tito Roman ang naghatid kay Anne sa aisle papunta sa Groom nito na si Dave.
Matapos ang yakapan nina Yaya Linda at Tito Roman kay Anne ay sumunod naman ako.
"Ang ganda mo Anne at masaya ako sa'yo dahil deserve mo ang maging masaya at mahal na mahal kita pinsan." Naiiyak kong sabi habang yakap ko parin ito.
"Salamat Lex at alam kong ikaw rin ay masaya na rin sa wakas at mahal rin kita pinsan." Naiiyak rin sabi nito. Humiwalay narin ako sa yakapan namin at pinunasan ko ang luha nito.
"Yan tama na ang drama natin, kanina pa naghihintay ang gwapo mong mapapangasawa." Sabi ko rito at ngumiti naman ito.
Sabay na ngang tinungo nina Dave at Anne ang altar at ilang saglit pa ay nagsalita na ang Pari.
"Magsitayo po tayong lahat." Panimula ng Pari at nagsitayuan naman ang lahat ng nasa loob ng simbahan at hudyat na nito ng pag-uumpisa ng seremonya ng kasal...
At ng dumating na sa palitan ng kanilang vow sa isat-isa ay namayani ang katahimikan sa loob.
"Ako na siguro ang pinakamasaya at pinakamaswerteng lalake sa mundo at nakilala ko ang babaeng alam ko, na sa una palang na makita ko siya ay nabighani na ako sa kanya, kaya naman nangarap ako na sana kahit na imposible na magkagusto ito sa'kin ay naglakas loob ako na ipagtapat kung gaano ko ito kamahal, at siguro malakas ako kay Lord dahil sinabi rin ng babaeng ito na gusto rin ako nito... At ngayon nga, heto at kaharap ko ngayon sa pinaka-importanteng sandali ng buhay ko. Kaya naman isinusumpa ko na mamamahalin kita Anne sa hirap man o ginhawa sa lungkot man o saya, nandito lang ako lagi sa tabi mo, kaya naman isuot mo ang singsing na ito na tanda ng aking wagas na pagmamahal para sa'yo." Madamdaming saad ni Dave habang naluluha ito. Ako man ay nagsisimula na ring maluha dahil isa ako sa saksi sa pagmamahalan ng dalawa. Matapos ni Dave ay sumunod naman nagsalita si Anne.
![](https://img.wattpad.com/cover/22721344-288-k84504.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomansaAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.