Ang Amo (The Boss) Part 16

6K 182 9
                                    

Part 16

Alexander's POV

Matapos makausap si pinsan ay sinabi kong didiretso agad kami sa ospital.

"O babe anong nangyari? Sinong nasa ospital?"

"Si Mang Jimmy babe, naaksidente daw kagabi. Mabuti na lang at ligtas na daw ito, pwede bang pumunta na muna tayo sa ospital?"

"Sige, saang ospital daw." Pagkasabi ko kung saang ospital naroon si Mang Jimmy ay tumungo na nga kami papunta 'don.

...

Pagdating sa ospital ay dumiretso na kami sa kwartong sinabi ni Anne kung saan naroon si Mang Jim.

Pagpasok ko ay nadatnan kong sinusubuan ni yaya si Mang Jim ng pagkain.

"Nandito kana pala hijo." Sabi ni yaya pagkakita sa akin.

"Opo, kasama ko si Kevin. Dumiretso na kami dito pagkasabi ni Anne sa amin sa nangyari."

"Kumusta po kayo Mang Jim? May masakit ba sa inyo?" Pag-aalala kong tanong rito, napansin ko kasi na may mga benda ito sa ibat-ibang parte ng katawan nito.

"Ayos lang naman po ako sir, liban lang po sa masakit ang katawan ko dahil sa aksidente." Tugon naman nito sa akin.

"Pasensya na po, siguro kung hindi ko kayo pinauwi ay hindi po nangyari sa inyo ito." Hindi ko maiwasan na maguilty, siguro kung kasama ko itong umuwi kagabi ay hindi siya maaaksidente.

"Huwag 'nyo po sisihin ang sarili ninyo sir. Wala po kayong kasalanan at aksidente lang po ang nangyari."

"Oo nga naman hijo, aksidente ang nangyari at walang may gusto na mangyari 'yon. Ang importante ay ligtas si Jim kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo." Pag-aalo ni yaya sa akin.

"Oh nandito kana pala kuya." Ang sabi ni Dave pagpasok nito sa kwarto.

"Oo kararating lang namin ni Kevin. Nasaan si Anne bakit di mo siya kasama?"

"Nasa labas lang at bumili ng mga kailangan gamot na nireseta para kay Mang Jim. Nga pala may pagkain akong dala baka gutom na kayo kuya, yaya kumain na rin po kayo."

"Salamat Dave, pero busog pa kami ni Kevin katatapos lang namin kumain sa kanila. Yaya kayo po kumain na kayo, ako na lang ang magpapakain kay mang Jim.

...

Matapos kumain ni Mang Jimmy ay pinainom ko na rin ito ng gamot. Nakausap ko na rin si Anne at sinabi nito ang detalye kung paano naaksidente si Mang Jim. Nalaman ko rin na pansamantalang hindi ito makakalakad dahil sa bali ng isang paa nito na naipit sa kotse. Matapos ang pag-uusap namin ni Anne ay nagpaalam muna ako na umuwi para makapagpalit na rin ng damit. Si babe na rin ang nag-drive kasama ko papunta sa bahay.

...

Someone's POV

Saturday Evening

Abala ako sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone ko sa mesa at ng tignan ko kung sino ang tumatawag ay kaagad ko itong sinagot.

"Hello tay napatawag po kayo may problema po ba?" Sinabi nito ang dahilan kung bakit ito napatawag.

"Ganoon po ba? Siguro po panahon na para lumapit at makasama ko na siya."  At patuloy lang ito sa pagkwento sa mga nangyari.

"Sige po umpisahin na natin ang plano sa lalong madaling panahon."  At pumayag ito sa gagawin namin.

"Sisiguraduhin ko na magiging tayo sa bandang huli dahil matagal rin akong naghintay para sa panahon na makasama kita ulit. Ipinapangako ko na mahuhulog ka rin sa akin at mamahalin mo rin ako." Ang sabi ko sa sarili ko.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon