Part 23 At Last
Alexander's POV
Mag-aalas-sais na ng umaga ng makarating ako sa aking bahay kasama si Kevin. Sa kanila na ako natulog kagabi, sinulit namin ang oras na magkasama kaming dalawa dahil sa madalang lang kami kung magkita at namiss namin ang isat-isa. Iba pa rin talaga kung kasama mo ang taong mahal mo, kaysa sa katext o kausap mo lang sa cellphone. Naging masaya ang araw na kasama ko siya kahapon, namasyal kami, kumain sa labas at kung anu-anong pang ginawa namin.
"Tara sa loob pasok ka muna."
"Hindi na babe, baka kapag pumasok pa ako sa loob hindi kana makapasok sa opisina."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa sinabi nito at ng maisip ko kung anong nangyari kagabi ay biglang namula na naman ang mukha ko.
"Ang halay mo talaga."
"What? Ako pa ngayon eh sino kaya ang maha--mmph." Hindi na natuloy na sabi nito dahil sa tinakpan ko ang bibig niya.
"Ssshh 'wag ka ngang maingay baka may makarinig pa sa'yo ano pang isipin."
"Okay i'll stop already. I will text you later."
"Lagi ka naman nagte-text eh o sige bye ingat sa pagmamaneho ah."
"Bye, teka wala ba akong goodbye kiss." Kaagad naman akong lumapit sa kanya at hinalikan ko ito. Smack lang naman.
"Bitin naman, isa pa please."
"Sige na umalis kana, baka malate ka pa sa office mo."
"Okay basta mamaya ite-text kita, bye babe."
...
Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong tinungo ang aking kwarto at isa-isa ko ng nilagay sa aking maleta ang lahat ng importanteng bagay para presentation mamaya. Matapos maihanda ang lahat ng ito'y bumaba na'ko.
Pagbaba ko'y si Mang Jimmy at Yaya Linda ang naabutan ko sa kusina na nag-uusap.
"Oh mukhang aga mo yatang papasok sa opisina?" Puna ni yaya pagkakita sa akin.
"Ah oo ya, may presentation kasi ngayon sa opisina. Oo nga pala kamusta na po kayo Mang Jim?" Baling ko naman kay Mang Jimmy.
"Heto sir kahit papano ay nakakalakad na ako, kaya lang kailangan pa na may aakay sa akin."
"Ewan ko nga kay Jim at ang tigas ng ulo hindi na muna magpahinga." Sabat naman ni yaya.
"Eh hindi naman kasi ako sanay na walang ginagawa at gusto ko na rin kaagad na gumaling."
"Basta huwag niyo pong bibiglain ang sarili ninyo. O sige po aalis na po ako."
...
Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Kiko na naghihintay na sa sasakyan.
"Good morning Sir Alex, saan tayo?"
"Good morning, sa opisina na tayo. Oo nga pala may gamot pa ba si Mang Jimmy?"
"Ah oo sir meron pa naman."
"Sabihin mo na lang sa akin kapag wala para mabilhan ko kaagad."
"Okay sir."
...
Pagdating ko sa office ay sinimulan ko ng i set-up ang lahat para sa presentation. Makalipas ang halos isang oras ay isa-isa nang nagsidatingan ang lahat ng member of the board kasama ang ilang potential investors.
Sa tingin ko naman ay naging maganda ang kinalabasan sa ilang araw naming paghihirap kasama ng creative member ng aking kumpanya. Bakas ang ngiti sa mga mukha ng mga investors habang patuloy ang presentation ng aking mga empleyado.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.