Marco's POV
Ilang oras na rin kaming nandito sa ospital at patuloy akong nagdarasal na sana magkamalay na si Alex. Hindi ko siguro kakayanin kapag nawala ito ng tuluyan sa akin.
Hindi ko parin malimutan kung paano ko ito unang nakita at makilala ang taong pinakamamahal ko.
Flashback
Many years ago
Pista ngayon sa aming probinsya at sa unang pagkakataon mula ng magkaisip ako, ay ngayon lang umuwi ang may-ari sa mansyon ng mga Gomez.
Nakilala ko ito dahil kaibigan pala ito noon ni Tatay ang may-ari sa mansyon na si Tito Alberto.
Dahil sa ngayon nga ang Pista, kaya naman abala ang lahat lalo pa at ngayong araw rin ipapakikilala ang nag-iisang anak ni Tito Alberto.
Binigyan nga ako ni Tatay ng pera para ipambili ko ng damit para gwapo raw ako lalo pa't makikilala namin ang tagapagmana ng mga Gomez.
...
Kaagad na akong naligo at nagagalak na rin akong makilala ang anak ni Tito Alberto. Matapos magbihis ay dumiretso na ako sa hacienda ng mga Gomez gamit ang bisikleta ko.
...
Pagdating sa hacienda ay puno na ng maraming tao ang malawak na bakuran ng mga Gomez. Hindi ko na rin hinanap pa si tatay at umupo nalang ako sa isang mesa kasama ng mga kapit-bahay ko.
Nagsimula na nga ang kainan at lahat ay masaya dahil kagaya ko ay ngayon lang din makakatikim ng ibat-ibang masasarap na pagkain ang mga tao dito sa probinsya.
Matapos ang kainan ay nagsalita sa harap si Tito Alberto upang ipakilala sa lahat ang kanyang nag-iisang anak.
"Masaya ako dahil sa tagal ng panahon ay sa wakas nakabalik na ako dito sa ating probinsya." Panimulang pahayag ni Tito Alberto.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomantizmAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.