Part 4 Alexander's Past Continuation
Flashback
Paglabas ni pinsan sa kwarto iniisip ko pa rin kung ano'ng nangyari at nasa ospital ako ngayon, pero kahit na anong isip ko wala akong maalala. Hanggang sa makatulog ulit ako.
Anne's POV
"Doc bakit hindi naaalala ni lex 'yung mga nangyari sa kanya?" Tanong ko sa doctor ni pinsan. "Based on the observation from him, he had a selective amnesia. Selective amnesia is a rare side effect of head injuries when the victim loses certain parts of his memory." "Kaya nga hindi 'nya naaalala ang mga nangyari bago ang aksidente specialy 'yung mga bagay na ayaw na nitong maalala gaya na lamang ng nangyari sa mga magulang nito." Mahabang paliwanag ni doc. "Pero babalik naman 'yung mga nakalimutan 'nya diba?" "Maaring oo sa mga susunod na araw, buwan o taon pero maari ring hindi na." "Salamat doc." Nasabi ko na lamang pagkatapos ay nagpaalam na si doc. Paano ko sasabihin kay pinsan ang mga nangyari lalo na ang pagkamatay ng mom 'nya iniisip ko palang naiiyak na ako alam kong labis 'syang masasaktan kapag nalaman na 'nya ito.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni pinsan, pinagmamasdan ko 'syang natutulog. Hindi ako mapakali siguradong pagkagising nito magtatanong na naman ito kung nasaan na naman sina tito't tita. Tinawagan ko na si tito kanina at sinabi kong nagising na si lex. Sinabi nitong pupunta 'sya mamaya at 'wag ko daw munang sabihin kay lex na wala na si tita at baka hindi 'nya makayanan ito.
Pagdating ni tito sinabi ko sa kanya na nagkaroon ng selective amnesia si lex at nakalimutan 'nya ang mga nangyari bago 'sya maaksidente. Sinabi rin 'nya na 'sya na lang daw ang magsasabi na wala na si tita, pinuntahan 'nya rin si doc at itinanong kung kailan maaari nang lumabas si pinsan. Pagbalik nito nadatnan na 'nyang gising si pinsan.
"Talaga! tatlong linggo na akong natutulog?" Gulat nitong reaksyon ng sinabi kong tatlong linggo na itong walang malay, sinabi ko rin na nahulog 'sya sa hagdan kaya 'sya naospital. "O gising kana pala son kumusta ang pakiramdam mo?" Lumapit si tito at binigyan ng pagkain si pinsan. Sinabi kanina ni doc na maaari ng kumain si pinsan at sa sunod na linggo pwede na itong lumabas dahil maayos na ang pakiramdam nito, liban nga lang sa pagkakaroon nito ng amnesia.
"Si mom bakit hindi pa 'sya dumalaw alam na ba 'nyang gising na ako." Tanong ni pinsan pagkatapos nitong kumain. "Dumalaw na kanina, ikaw kasi tulog ng tulog kaya hindi mo na naman 'sya nakita." Mukhang naniwala naman 'sya sa sinabi ko. "Sabi ni doc next week maari ka ng lumabas." Sabat ni tito. "Salamat naman nababagot na ako rito." "Kaya magpagaling ka para makita mo agad 'yung regalo mo sa mom mo." Ang sabi ni tito.
After a week
"Maari ka nang lumabas ngayon next month bumalik ka uli para sa follow up check up okay." Sabi ng doctor kay pinsan.
Pagkatapos magbayad ng hospital bill si tito ay umuwi na kami sa bahay nina pinsan. Habang nagbabyahe. "Busy ba si mom sa trabaho kaya hindi 'sya sumabay sa atin?" Tanong ni pinsan. "Ah eh tama busy 'sya may out of town pala 'sya kahapon baka nextweek pa ito makakauwi." Sagot naman ni tito.
"Welcome Home !" Sabay-sabay na salubong ni yaya at ng mga kasambahay pagpasok namin nina pinsan sa bahay. "Salamat po namiss ko kayo lalo na ikaw yaya, bakit 'di mo man lang ako dinalaw sa ospital." "Lagi ka na lang tulog 'pag pinupuntahan kita kaya hindi mo alam na dumalaw ako, nang sabihin ng dad mo na gising kana at malapit ng lumabas naging busy na kami para sa paghahanda sa pagbalik mo." "Oh heto 'yung mga regalo namin sa'yo nung birthday mo." Sagot ni yaya. At isa-isa nga nagbigay ng kanya-kanyang regalo si yaya, ako, mang jim, mga kasambahay at pang huli si tito. "Here son regalo namin sa'yo ng mom mo." Sabay abot ni tito sa isang maliit na kahon. "Wow! a key for my own car thank's dad, anne pahiram naman ng phone mo tatawagan ko lang si mom." Hindi ko alam ang gagawin ko ng oras na 'yon kaya tinignan ko si tito at bigla itong tumango. "Diba gusto mo ng makita si tita?" "Oo naman nasaan ba 'sya?" "Tara samahan mo ko pupuntahan natin 'sya."
Sa kotse habang papunta kami sa sementeryo gamit ang sasakyan na minamaneho ni mang jim, kami naman ni pinsan ay nasa likod halata sa mukha ni lex ang excitement na makita si tita ako nama'y naluluha na dahil ilang minuto na lang malalaman ni pinsan ang katotohanan.
Habang papalapit sa sementeryo halata ang pagtatanong sa mga mata ni pinsan, ilang saglit pa huminto na ang sasakyan at bumaba na 'ko. "Akala ko ba pupuntahan natin si mom anong ginagawa natin sa sementeryo?" Pero hindi ko na 'sya sinagot pa, patuloy lang akong sa paglalakad papunta sa puntod ni tita, habang patuloy din ang pagluha ng aking mga mata. "Ano ba Anne! Bakit ba tayo nandito?" Galit na sigaw ni pinsan. Habang naluluha na ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sumusunod lang 'sya. Tumigil ako sa harap mismo ng puntod ni tita, tumigil rin si lex pagkatapos ay tumingin 'sya harap ng lapida. "Hindiiiiii!, hindi 'to totoo sabihin mo Anne sabihin mo sabihin mo hindi 'to totoo pa.. pa.. papa.. papa.. a..anong wa..wa.wa..la..la.. na si mom?" Unti unting napaluhod si pinsan habang walang patid ang pagtulo ng mga luha nito, sa tagal ko nang kilala si pinsan ngayon ko lang 'sya nakitang umiyak. "Mommmm bakit bakit mo ako iniwan bakit mom bakit mo 'ko iniwan." Nang bigla na lamang nitong pinagsusuntok ang puntod nito. "Tama na lex gusto mo bang maospital ulit." Awat ko rito, pero wala akong nagawa sa lakas nito. Kitang kita ko ang sakit at galit sa kanya habang patuloy lang ito sa pagsuntok 'di alintana ang dugo na kanina pa dumadaloy sa mga kamay nito. Mabuti na lamang at pinuntahan kami ni mang Jim at inawat ito. "Akin na ang panyo mo senorita." Tinalian ni mang Jim ang mga kamay ni pinsan gamit ang mga panyo namin.
Nandito pa rin kami ni pinsan sa sementeryo wala pa rin 'tong imik, naaawa ako sa kalagayan ni pinsan. Kanina pa 'sya nakatingin sa lapida ni tita hindi ito gumagalaw habang patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata nito.
Gabi na pero hindi pa rin umiimik si pinsan kung ano ang posisyon nito kanina hindi nagbago hanggang ngayon. "Lex hindi pa ba tayo aalis." Pero hindi ito sumasagot o kaya kahit tignan lang ako. Nagulat na lang ako ng bigla nitong iuntog ang ulo nito. "Lexx anong ginagawa mo?" Lumapit si mang Jim para awatin ito. "Ahh ahh ang ulo ko ang sakit ng ulo ko." Biglang sigaw ni pinsan. "Lex anong nangyayari." Nang biglang dumating si tito at may kasama itong nurse pagkatapos ay tinurukan ng pampakalma si pinsan. Dahil sa epekto ng gamot nakatulog si pinsan at inakay na ito para maisakay sa sasakyan.
Sa bahay habang tulog parin si pinsan kinausap ko si tito. "Alam kong magtatanong na naman si lex paggising 'nya tito handa 'nyo na bang sabihin sa kanya ang lahat ng katotohanan kung bakit kayo naaksidente?" May halong galit kong tanong sa kanya. "Hindi ko pa kaya hija at sana 'wag mo munang sabihin sa kanya ito." "No! kung ayaw mong sabihin pwes ako ang magsasabi alam kong magagalit 'sya inyo, pero hindi ko na kaya ang magsinungaling pa sa kanya." "Nakikiusap ako sa'yo hija hayaan mong ako ang magsabi ng lahat sa kanya." "Ano! hanggang kailan 'nyo itatago ito sa kanya." Galit kong sagot rito, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto kung saan natutulog si pinsan.
Mag-gagabi na ng magkamalay ito. "Kamusta ang pakiramdam mo masakit pa ba ang ulo mo." Tanong ko sa kanya, pero hindi man lang ito sumagot." "Sandali lang lex ikukuha lang kita ng pagkain sa baba."
Pagdating ko sa kusina nadatnan kong naghuhugas ng plato si yaya. "Kumusta na sya hija?" "Nagising na po 'sya pero hindi ito umiimik kapag kinakausap ko 'sya." Malungkot na tugon ko rito. "Kawawa naman ang alaga ko alam kong nalulungkot 'sya sa nangyari sa mama nito." "Oo nga ya hindi ko nga alam ang gagawin ko para maging ok 'sya.
"Kumain ka na pinsan, pinaghanda ka ni yaya ng paborito mo." Pero hindi man lang 'nya ako pinansin. "O sige labas muna ako ilalagay ko na lang sa mini table itong pagkain." Pagkalabas ko nakitang kong naghihintay si yaya sa pinto ng kwarto. "Ano hija kumain na ba 'sya?" "Wala na naman 'syang imik yaya, kaya lumabas muna ako nilagay ko na lang sa mini table 'yung pagkain baka sakaling kainin 'nya mamaya. "Ganoon ba, hayaan na muna natin 'sya alam naman natin na mahirap ang pinagdaraanan nya ngayon."
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomansaAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.