Part 28 Memories
Alexander's POV
"Papa s'ya po si Tito Superman, Tito Superman s'ya naman po ang Papa ko." Pakilala ni Clark sa amin dalawa ni Marco.
"Ah nice to meet you Sir." Parang nahihiyang pakilala ni Kiko sa akin sabay lahad nito ng kamay n'ya. Ako man hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa oras na 'yon.
"Ah eh nice to meet you too." Naging sagot ko na lang.
"Ah sige mauuna na ako at may pupuntahan pa pala ako." Paalam ko sa mag-ama.
"Tito Superman samahan n'yo po muna kami ni Papa na kumain please." Ang sabi ni Clark.
"Ah ka-kasi Clark may importante pa kasi akong pupuntahan."
"Sige na po, para naman po makapag-thank you po ako kasi binili n'yo po ako ng toys tapos hinanap n'yo pa po si papa." Sabi pa ulit ni Clark.
Sandali pa akong tumingin sa bata na hinihintay ang magiging sagot ko. Pagtingin ko sa papa n'ya ay nakatingin din ito sa amin.
"Si-sige pero sandali lang ha."
"Yehey! Tara na po.
...
Sa isang fast food chain kami papunta sunod sa gusto ng bata, hawak nito ang mga kamay namin ng papa n'ya, sa kanan ako sa kaliwa naman si Kiko habang naglalakad. Kaya naman hindi maiwasan na pagtinginan kami ng mga tao na nakasalubong namin. Alam ko sa mga oras na'yon na pulang pula na ako, isama pa ang hindi mapigilang komento ng ilan sa nakatingin sa amin.
"Ang guwapo ng magdyowa at ang cute ng anak nila." Sabi ng isang beki sa gilid ko.
"Oo nga teh ang swerte nila no." Sagot naman ng kasama rin nitong beki. At Ilang pang bulung-bulungan ang maririnig mo sa kanila.
...
Sa fast food chain.
"Papa kayo na lang ni Tito Superman ang umorder ako na lang po ang hahanap ng puwesto natin." Ang sabi ni Clark sa papa n'ya.
"Ah sasamahan ka na lang ni Tito Superman ako na lang ang oorder at baka mawala ka na naman." Sagot naman ni Kiko.
"Ah Alex pasensya na at nadamay ka pa sa kakulitan ng anak ko." Mahinang sabi ni Kiko sa akin.
"A-ayos lang sige sasamahan ko na si Clark." Sagot ko naman at iniwan ko na ito.
Habang nakapila si Kiko para umorder ng mga pagkain namin, kaming dalawa naman ni Clark ay nakaupo na.
"Ah Tito Superman may problema po ba kayo?" Tanong ni Clark na nagpabalik sa akin. Mula kasi ng pag-upo namin ay marami na akong tanong sa sarili ko kung bakit at ano ang nararamdaman ko ngayon. Nakadagdag pa ang malaman na ang taong gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraang araw ay may anak na pala.
"Ah okay lang si Tito, nga pala Clark sino ang kasama mo 'pag wala ang Papa mo?" Tanong ko sa bata, gusto ko ring malaman ang mga bagay na tungkol sa papa nito.
"Si Tita po." Kaagad naman na sagot ng bata.
"Ang Tita mo lang? Ang Mama mo hindi mo ba kasama?" Tanong ko pa.
"Si Mama po? Ahh kasama rin po, ang sabi nga po ni Papa ay lagi akong sinasamahan ni Mama." Sagot ng bata.
Sa nalaman kong 'yon ay naging malinaw na sa akin ang lahat. Alam ko na, na lahat ng mga sinabi ni Kiko sa akin noon na may gusto ito sa akin ay hindi totoo. Sino namang lalake ang sasabihang mahal nito ang kapwa n'ya lalake gayong may asawa at anak ito? Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang nagalit ako sa aking nalaman. Kung tutuusin dapat ay bale wala lang ito gayong hindi naman kami at isa pa alam kong may taong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro ay dahil sa nagsinungaling ito sa akin at kung sakali mang kumagat ako sa sinabi n'yang may gusto ito sa akin ay alam kong masasaktan lang ako, tama 'yon nga lang ang dahilan.
Pagdating ni Kiko sa puwesto namin ay dala-dala na nito ang mga pagkain na inorder nito.
"Hindi ko pala natanong kung anong gusto mo kaya dinamihan ko na lang ang inorder ko." Ang sabi ni Kiko na alam kong ako ang tinutukoy nito.
"Ahh okay na ito." Sagot ko na lang. Hindi na rin ito nagsalita at alam kong maging s'ya ay naiilang rin sa mga oras na 'yon.
"Papa pagkatapos natin kumain pwede bang isama natin sa bahay si Tito Superman?" Biglang sabi ni Clark.
"Ano!?" Halos sabay naman naming sagot ni Kiko sa bata.
"Ah hi-hindi ba ang sabi ni Tito Alex ay may pupuntahan pa s'ya." Sabi ni Kiko.
"Oo nga Clark may lakad pa ako." Sabi ko naman.
"Sayang naman po, papakita ko po sana sa into 'yung iba ko pang toys sa bahay." Malungkot na sabi ng bata.
"Pasensya na ha, may importante pa kasing pupuntahan si Tito." Ang sabi ko na lang. Malungkot man si Clark sa pagtanggi ko sa pagpunta sa kanila ay nagpaalam na ako sa mag-ama na mauuna na ako.
...
Sumakay na lang ako ng taxi pauwi sa bahay, hindi ko na rin inabala pa si Mang Jim para sunduin ako dahil sa paalam ko na may lakad kami ni Kevin kanina kahit na wala naman.
Buong biyahe ay walang ibang laman ang isip kung hindi ang mga nangyari sa maghapon. Itanggi ko man pero alam ko kung ano itong nararamdaman ko ngayon para kay Kiko.
"Se-sir! Ba-bangga tayo!" Gulat at takot na narinig kong sabi ng driver na nakapag-balik sa akin at matapos n'on ay naramdaman ko na lang ang pagtama ng ulo ko sa sasakyan at bago pa ako mawalan ng malay ay isa-isa kong naalala ang lahat ng mga nangyari sa akin noon.
"Ki-kiko."
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomansaAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.