Part 32 Broken
Alexander's POV
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pagkakita sa taong pumasok ay galit ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
"Anong ginagawa mo dito!?" Galit kong tanong pagpasok nito sa kuwarto. Tahimik naman itong umupo sa upuang nasa loob ng aking kuwarto.
"Bakit ka nandito? Kung anong ipinunta mo ay sabihin mo na para 'pag natapos na ay puwede ka ng umalis." Puno pa rin ng galit na sabi ko.
"A-anak kamusta na ang pakiramdam mo?" Unang salitang lumabas sa bibig nito.
"Ang alam ko wala na akong Papa kaya 'wag mo akong tawaging anak at kung may kailangan ka sabihin mo na pero kung wala puwede ka ng umalis." Balewala ko sa tanong nito at alam kong nasaktan ito sa mga sinabi ko pero ako 'di ba n'ya naisip na nasaktan ako noon ng dahil sa kanya kaya nawala si Mama?
"Alam kong galit na galit ka parin sa akin at 'di ako pumunta para patawarin mo ako.. Gu-gusto ko lang sabihin sa'yo ang lahat ng totoo na nangyari noon, kasama na ang totoong dahilan kung bakit humantong pa sa pagkawala ng mama mo." Narinig kong sabi n'ya kaya naman para matapos na ay pinakinggan ko na lang ang lahat ng sasabihin n'ya.
...
Matapos marinig ang mga sinabi ni Papa. Mula sa kung paano sila nagkakilala ni Mang Jimmy at nagkarelasyon, nagkahiwalay ng dahil kay lolo at ipinagkasundong ikasal kay Mama, sa pag-uwi namin noon sa probinsya para makita muli nito si Mang Jimmy, ang pagkakaroon muli nila ng sikretong relasyon, habang kasal na sila ni Mama na nalaman ng kanyang sekretarya, na naging dahilan ng pangba-blackmail sa kanya ng sekretarya nito na buong akala ni Mama na may relasyon sila ng kanyang sekretarya at naging dahilan para maaksidente ang kanilang sasakyan na s'ya ring aksidente kung bakit namatay si Mama.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at patuloy lang ang aking pag-iyak.
"Alam ko na kasalanan kong lahat kung bakit humantong pa sa pagkawala ng mama mo." Patuloy rin si papa sa pag-iyak mula pa kanina habang kinu-kuwento ang mga nangyari noon.
"Pero anong magagawa ko, nagmahal lang ako anak. Minahal ko ang mama mo lalo pa ng dumating ka sa amin pero naging makasarili ako, dahil sa mahal ko rin si Jimmy at natatakot akong mawala ni isa sa kanila." Dagdag pa nito.
"Hindi ko alam kung kaya pa kitang mapatawad ngayon alam ko na ang lahat ng totoong nangyari noon, tama ka rin napaka-makasarili mo, masaya kaba na pareho mong niloloko silang dalawa at ako hindi mo ba naisip na kawawa rin ako? Napaka-duwag mo!" Galit ko parin sabi.
"Umalis kana!" Dagdag ko pa habang patuloy parin ako sa pag-iyak hangang sa lumabas na ito ng kuwarto.
...
Kaagad namang pumasok si yaya at lumapit ito sa akin para yakapin ako. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko rito habang patuloy naman ito sa pagpapatahan sa akin na wari mo'y isa akong musmos. Hindi ko rin alam kung galit parin ba ang nararamdaman ko para kay papa o sa sarili ko dahil hinayaan kong lamunin ako ng galit, kaya wala akong ginawa kungdi ang umiyak habang inaalala parin ang nangyaring aksidente na ikinamatay ni Mama.
Nang tumigil na ako sa pag-iyak ay sinabihan ako ni Yaya na magpahinga muna at kalimutan sandali ang nangyari, sinabi rin nito na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay lilipas din pagdating na panahon.
...
Marco's POV
Matapos malaman na okay na si Alex ay dumiretso na ako sa bahay. Kahit na nalulungkot na 'di ko ito nakita ng ilipat na ito sa kuwarto.
...
Pagdating sa bahay ay wala na akong naabutan, nasa school na siguro si Clark ngayon dahil oras na ng kanyang klase at kasama si Jane na nagbabantay rito.
Kaagad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama pagpasok sa aking kuwarto at dala ng puyat at pagod sa pagbabantay kay Alex sa ospital ay kaagad akong nakatulog.
...
Pag-gising ko'y maghahapon na at dahil sa gutom ay nag-padeliver na lang ako ng pizza at naligo na rin ako habang hinihintay ito.
Matapos kong maligo ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya naman kaagad akong lumabas para kunin ang inorder na pizza.
Pagbukas ko'y nagulat pa ako na imbes na delivery boy ay si tatay ang nakita ko.
"O tay bakit 'di kayo nagsabi na pupunta kayo?"
"Anak puwede bang pumasok muna tayo." Seryosong sabi ni Tatay, kahit na nagtataka sa kilos ni tatay ay pumasok na kami sa loob.
"Anong gusto mong inumin tay juice o tubig?" Sabi ko.
"Tubig na lang." Sabi lang nito. Matapos ay kumuha ako ng tubig at inabot kay tatay.
"Dahil ba kay Alex?" Umpisa kong tanong sa nais sabihin ni tatay.
"Hindi anak, may ipagtatapat lang ako sa'yo." Simula ni Tatay kaya naman mataman akong tumingin sa kanya at hinihintay ang gusto nitong sabihin.
"Di ka ba nagtatanong kung bakit hindi ako nakapag-asawa?" 'Di ako sumagot kaya naman nagpatuloy si tatay.
"Sa dahilang gaya mo sa kapwa lalaki rin ako nagkagusto at ang lalaking 'yon ay si Alberto ang Papa ni Alex." Patuloy lang akong nakikinig kahit pa 'di ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko, nagpatuloy ulit si tatay.
"Nagmahalan kami noon ni Alberto pero ng malaman ng Ama n'ya ay 'di nito nagustuhan dahil sa ipinagkasundo nito si Alberto kay Patricia ang Mama ni Alex. Pinalayas kami ng nanay ko at ilang taon rin kaming lumayo sa probinsya pero umuwi rin kami pagkalipas ng ilang taon.
Pagkatapos nga ng maraming taon ay nagkita ulit kami ni Alberto at sa panahong din na 'yon ay nakilala mo si Alex."
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" Sa oras na iyon ay kinakabahan na ako sa malalaman ko at sa naisip kong nangyari ay nagsimula ng pumatak ang luha sa mga mata ko.
"Patawarin mo ako anak." Nag-umpisa na ring umiyak si tatay.
"Naging malapit kayo ni Alex sa isat-isa at 'di nagtagal ay nalaman ko na higit pa sa magkaibigan at magkapatid ang turingan n'yo.."
"Wag na po n'yong ituloy." Patuloy parin ako sa pag-iyak at alam kong masasaktan lalo ako sa susunod pang sasabihin ni tatay.
"Anak pa-patawarin mo'ko, akala ko na makakabuti na paghiwalayin kayo habang maaga pa, ng makita ko kayo noon ni Alex na naghahalikan ay sinabihan ko si Alberto, sinabi ko sa kanya na ipaalam kay Alex na ikakasal kana kapag nasa hustong edad ka na at alam kong masasaktan si Alex sa malalaman niya."
"Bakit tay? Bakit n'yo nagawa ang lahat ng 'yon?" Puno ng hinanakit kong tanong kay tatay at walang tigil parin ako sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko, kasing sakit ng naramdaman ko noon ng mamatay si Daddy Matthew at malaman na naaksidente rin si Alex.
"Patawarin mo ako anak, alam kong kasalanan ko ang lahat." Umiiyak rin na sabi ni tatay.
Sa sobrang galit ay pinagsusuntok ko ang pader at kaagad akong umalis ng bahay baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at masama mang gawin ay masuntok ko si tatay.
Kaagad akong sumakay sa kotse at pinaandar ito, hinayaan ko nalang kung saan ako dadalhin nito habang patuloy naman ang pagdurugo ng mga kamao ko at pagluha ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Ang Amo at ang Driver
RomanceAng pag-iibigan ng Amo at ng gwapo nitong driver slash lover.