Kabanata 3

184 4 0
                                    

Bumangon ako dahil sa alarm na sinet ko.

Pupungas-pungas akong tumayo at wala sa sariling nag-toothbrush.

Dahil antok na antok pa ako ay naupo muna ako sa gilid nang kama. Hindi pa ako nagsusuklay.

Pupungas pungas akong lumabas nang kwarto nang makarinig ako nang katok.

Sino ba 'yon? Ang aga aga pa e. Nakasimangot ako nang pagbuksan ko si Grey nang pinto. Aga, ah.

"Nag-lock ka ba nang windows?" Hindi na ako hinintay na sumagot pa ni Grey, naglakad na sya agad sa bintana at nakakunot ang noo na humarap sakin.

"You didn't lock your windows," tinignan ko sya at napansin na hindi sya naka-uniform ngayon. Simpleng sando lang at short na hanggang tuhod. Wala siguro syang pasok.

"Is it really hard to lock it, Peyn?" Masama na agad ang timpla nya. Paano ba naman ay dalawang beses nya na akong pinagsabihan tungkol dito.

"Why are you here? It's too early." Tanong ko bago tumayo na. Kailangan ko nang magluto.

"Tita asked me to check on you. She wants to know if you really are attending school." Napa-irap nalang ako. Grabe talaga si mama. Sasabihin ko nga next time na wag na nyang abalahin si Grey. Magse-send nalang ako sa kanya nang mga pictures nang bawat ginagawa ko.

"Damn this girl." Narinig kong bulong nya nung dumaan ako sa gilid nya para magsimula nang magluto.

"You're not wearing a bra!" Pasigaw nyang sinabi nang tumingin ako sa kanya. What? Pati ba naman iyon ay papansinin nya?

"Bakit? I'm in my own house. Malay ko ba na pupunta ka nang ganito kaaga." Minsan talaga ay hindi ko na din mapigilan na sagutin sya at tarayan. I'm no saint. May panahon na tanga ako pero minsan naman ay matino ako. Lalo na pag nakakapikon na talaga si Grey.

Pag naiinis ako sa kanya ay pinapakita ko. Kapag nalulungkot o nasasaktan ako ay pakiramdam ko naman ay ramdam nya din. Tuwing masaya nga lang ako ay wala sya. Kaya siguro pinanindigan nya na ang pagtawag nang "Peyn" sakin.

"What if someone is here? Your classmates or friends? Maabutan ka nilang nakaganyan!" Duh. Hindi sila pupunta nang ganito kaaga, unlike you!

"And so? Kilala ko naman sila. Wala namang big deal dito!" Bakit pag sin Kendall, okay lang? Natawa ako sa naiisip. Syempre, model yon.

"You're raising your voice at me, huh." Aba't! Bawal gumanti? Ha?

"Nakakainis ka kasi! Kagabi pa ako naiinis, Grey. Pwede ba?" Tinitigan nya lang ako nang matalim bago sya naupo at binuksan nalang ang tv. Ayan, feel at home pa sya.

Great. My first love is also my worst enemy sometimes.

Hinayaan ko nalang syang manood. Maaga pa naman kaya makakakain pa ako nang breakfast.

Nagsaing ako. Napansin ko ang paninitig ni Grey sa bawat ginagawa ko.

Wala kasing maayos na division ang unit ko. Magkatabi lang halos ang dining area sa living room kaya nakikita nya ang ginagawa ko.

Binuksan ko ang ref at naghanap nang madaling lutuin.

Nang mapansin na wala akong kayang lutuin ay napagpasyahan ko na cup noodles nalang ulit.

Napangiwi ako sa gagawin pero wala akong choice. Ayoko naman na manghingi nang pagkain kay Grey.

Tumayo si Grey at lumapit sakin nang makita ang ginagawa ko.

"Cup noodles?" Hindi ko sya inimikan.

Umalis sya sa harap ko at binuksan ang ref.

"Peyn, you should really know how to cook. You moved alone without knowing anything."

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon