Kabanata 40

120 4 2
                                    

Simula nung nangyari nung huling kita ko kay Grey, hindi na kami nagpapansinan nina Kara. Si Carl ay laging kasama ni Kara samantalang si Calum naman ang lagi kong kasama.

Isang beses lang kami nagkasama sama na magkakaibigan pero hindi kami nag-iimikan ni Kara o kahit nagtitinginan man lang.

I wanted to say sorry to her pero sobrang mali naman kasi yung ginawa nya kay Grey. Hindi porket naiinis sya sa mga katulad ni Grey ay pwede nya na itong ipagtabuyan.

Nasaktan ako ni Grey pero kahit kailan hindi sya naging masama kay Kara which is unfair dahil nga iba ang pakikitungo sa kanya ni Kara.

"Magbati na kaya kayo ni Kara." Udyok sakin ni Calum. Tumambay kasi kaming dalawa sa convenience store dahil mahaba ang break namin.

"Hindi pinipilit ang pakikipag-bati. She needs to learn her lesson. Hindi naman kasi tama na ganunin nya si Grey."

"Pero hindi ba nagiging unfair ka rin kay Kara? She is your friend after all. Mag-aaway ba kayo dahil lang sa isang lalaki? Diba dapat friendship matters more than anybody else?"

Padabog kong ibinaba ang hawak kong mineral water at sinamaan si Calum nang tingin.

"Hindi naman kami nag-away dahil sa lalaki. Ayoko lang nang ginawa nya."

"Hindi ba pwedeng ayusin nyo na? I know Kara, nasaktan mo rin sya."

Hindi ako umimik kay Calum. Padabog akong tumayo at naglakad paalis. Nakasunod naman sya sakin hanggang sa makalabas kami.

Hinigit nya ang braso ko at marahan akong iniharap sa kanya nung maabutan nya ako.

"I'm sorry. I stepped over the line," he immediately apologized.

Bumuntong hininga lang ako bago tumango sa kanya.

"Sorry din. Sensitive topic pa rin kasi talaga ang nangyari samin nina Kara."

I don't want to talk about what happened. Feeling ko rin naman nagkulang ako bilang kaibigan dahil mas kinampihan ko si Grey pero kahit ibang tao naman yun, kahit si Brent, ganun din naman siguro ang ire-react ko.

Tuwing nasa classroom ay hindi kami nagpapansinan nina Kara. Nasa gitna namin lagi si Carl pero kahit si Carl ay hindi nagsasalita. Namimiss ko na silang dalawa pero I don't feel like talking to them. I needed space and time to think.

Tuwing break ko kadalasan ay mag-isa lang ako o minsan ay nakikisabay sa iba kong classmate na hindi ko gaanong ka-close. Pag parehas naman ang break time namin ni Calum, lagi nya akong sinasamahan.

Hanggang sa pagpasok at pag-uwi ay si Calum ang kasama ko. Hatid sundo nya ako kaya minsan nahihiya na din ako. Alam kong gustong gusto nya na makasama ulit sina Kara pero dahil wala akong kasama, sakin sya nasama.

"8 pa ang uwian namin. I can't drive you home. I won't let you wait for me either. Masyado nang gabi nun."

"Okay lang. Magka-cab na lang ako."

"You sure?"

"Yup. Nagka-cab na din naman ako dati pa." Nagkamot si Calum nang batok at mukhang ayaw nya pa akong payagan sa pagka-cab. Hinawakan ko ang kamay nya bago sya nginitian.

"Okay lang talaga. Hindi mo rin naman responsibilidad na ihatid sundo ako."

"But I can't let you go on your own."

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi naman sobrang layo nang condo natin." Labag sa loob na tumango sya sakin.

Lihim akong napangiti. Sobrang bait ni Calum na akala ko wala nang lalaking ganito. Meron pa pala.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon