Kabanata 37

139 2 0
                                    

Sobrang nairita ako kay Grey. Bakit pa kasi sya lapit nang lapit? Bakit nya pa ako ginugulo? Ayoko na. Ayoko nang makita pa sya dahil pakiramdam ko unti unting natutunaw ang galit ko para sa kanya.

Pilit nya akong inilayo sa kanya tapos ngayon sya pa ang gumagawa nang paraan para magkalapit kami ulit? What the eff!

"Elle." Nakangiting bati sakin ni Calum pagkalabas na pagkalabas ko pa lang nang unit ko.

"Hinihintay mo ako?" Tanong ko dahil mukhang kanina pa sya naghihintay dito sa labas. Hindi ko naman kasi sya naabutan dito dati.

"Yup. Naisip ko na isabay ka nalang papasok sa school. Parehas lang naman tayo nang oras nang pasok ngayon, di ba?"

Napangiti ako.

"Sus. Nag-explain ka pa. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong kasabay." I winked at him at namula naman ang tenga nya.

"Peyn!" May tumawag galing sa likod ko at irita ko itong hinarap.

Ito na naman ang panggulo na 'to. Maganda na sana ang araw ko kung hindi ko lang nakita si Grey na mayabang na lumalapit sakin.

"Sakin ka na sumabay." Sabi ni Grey pagkalapit samin ni Calum. Tinaasan ko sya nang kilay. Napakayabang nya naman para pasabayin ako sa kanya samantalang alam ko naman na narinig nya na niyaya na ako ni Calum.

"Mmmm. Elle..." Alanganin na sabi sakin ni Calum, naramdaman yata na si Grey ang sasamahan ko. Akmang aalis na sya pero pinigilan ko sya.

"Stay." Sabi ko kay Calum. Hindi nya kailangang umalis dahil lang sa nandito na si Grey. He's my friend and Grey is like a stranger to me.

Friendship matters kaya kung may importante man na tao dito, si Calum yun at hindi si Grey.

Inis kong hinarap si Grey habang hawak hawak ko ang pala-pulsuhan ni Calum.

"Grey, hindi ka pa rin ba titigil? Please lang, wag mo na akong guluhin."

"What? Niyayaya lang naman kitang sumabay ah? Hindi kita ginugulo." I throw dagger looks at Grey. Seriously, lalo lang akong naiirita sa kanya.

"Kay Calum ako sasabay!"

"Fine! Hindi mo na kailangang sumigaw. Nagyaya lang ako galit na galit ka na naman!" Nauna nang maglakad samin si Grey.

What the hell? Sya pa ang may ganang mag-walk out?

Inis na inis pa rin ako na nakalimutan ko na si Calum sa tabi ko.

"Elle, tara na?"

"Oh, sure." Binitiwan ko ang kamay ni Calum at sumabay na sa kanya papasok sa school.

--

Gulat na gulat sina Kara nang makita nila akong bumaba sa kotse ni Calum.

"Aba! Ano 'to? May dapat ba kaming malaman?" Nakangisi na tanong ni Kara.

Umirap lang ako sa kanya bago nilapitan si Carl.

"Kamusta na si Tito?"

"Hindi pa rin ako pinapansin e. Para na nga akong invisible sa bahay." Pansin ko na namamaga pa rin ang mga mata nya.

"Alam na ba ni James na alam na nang papa mo?"

"Oo. Sabi nya nga dun muna ako sa kanila magtigil kung hindi ko na kaya sa bahay."

"Oh. Anong plano mo?"

"Hindi ako aalis. Titiisin ko yung galit ni Daddy since I failed to fulfill his wishes. Siguro naman na hindi nya ako matitiis."

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon