Kabanata 7

183 2 1
                                    

Pagkapasok ko sa unit ko ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan.

It's really painful. He said that he wants to get rid of me. I am a burden. He doesn't want me here. He wants me gone.

I just want to be with him. I remembered saying na pinababantayan ako ni mama at tita sa kanya pero hindi ko naman talaga gustong gawin nya yon. I just want to get his attention. At ngayong nakuha ko na ang atensyon na 'yon, gusto ko nalang mawala.

Tamad akong pumasok kinabukasan. Hindi na sana ako papasok kaso ayaw ko naman na maiwan na namang mag-isa sa bahay. Ayokong ipahalata kay Grey na ganito ang epekto nya sakin. I need to look strong. Ayaw ko din na umabsent pa dahil wala naman akong mapapala kung poproblemahin ko sya. Ang mas mahalaga ay ang pag-aaral.

"Girl, tuwang tuwa si papa sayo. Thank you, ah. He was so proud I got a girlfriend like you."

"Talaga? Wala 'yon. I told you I'd help you."

"Anong nangyari sa mata mo, bessy? Parang kinagat nang bubuyog yan." Puna naman ni Kara.

"Same old story ba?" She asked me again. Tumango lang ako sa kanya.

"I really hate Grey. Ako na ang naiinis sa kanya para sayo. Nako, kung marunong lang ako nang mga spell nagamit ko na sa kanya. How I wish I was Hermione." Gusto kong asarin si Kara sa pagiging Potterhead nya pero wala ako sa mood.

"But you're not her, Kara. Fictional character lang sya sa story ni J. K Rowling. Wala talagang magic!" Inirapan lang ni Kara si Carl.

"Peyn, don't you think na you're letting your guards down? Masyado mo nang iniikot ang mundo mo kay Grey. Have fun." I used to be so uptight with other boys but with Grey, I admit I'm letting my guards down.

Baka nga may pa-red carpet pa ako.

I stared at Carl. True enough. I feel like my world suddenly revolves around Grey.

It's a bad sign.

"Sa wakas! May maganda ka 'ding sinabi Carl!"

"Nako, Kara. Tigilin mo nga muna ako. Tignan mo yan si Peyn pinapanindigan talaga ang pangalan nya."

"Oo nga, Peyn. Cheer up! Siguro dapat paltan natin nickname nya no, Carl? Dapat Happy na pangalan mo para sumaya ka."

"How I wish I can," Sabi ko sa kanila bago nagsimulang maglakad. Nauna na akong pumasok sa classroom. Dali dali silang sumunod sakin.

Buong maghapon ang klase namin. Tatlong minor subjects. During those time, nakinig at nag-participate talaga ako sa klase.

I can't let myself fail because of petty reasons. I need to gain and bring myself back.

Nang umuwi naman ako, nakasabay ko si Grey sa elevator. Magkalayo kami at hindi nag-uusap. Hindi na din ako sumubok na magsimula nang conversation.

If he doesn't want me here, it was his problem dahil hindi ako aalis. Galit lang sya at alam kong mawawala din ang galit na yan. But for the meantime, kailangan ko munang magbait. Kailangan makikita nya akong maagang umuuwi.

Sabay din kaming pumasok sa sarili naming mga unit. Wala pa din pansinan.

Pagkapasok ko ay nagsimula akong maglaba. Hindi ko alam na sobrang nakakapagod pala talaga nang gawaing ito. Tatlong beses kong binanlawan ang mga damit ko bago binanlawan nang panghuli sa fabric conditioner.

Bawat unit ay may provided na sampayan na nakalagay sa balcony. Tanaw dito ang buong kamaynilaan. Mga naglalakihang billboards at nagtataasang buildings.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon