Kabanata 35

134 1 0
                                    

Buong magdamag akong nagkulong sa kwarto. Kahit 'nung dumating si mama ay hindi na ako lumabas.

Ayokong makita ulit si Grey. Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay apektadong apektado pa rin ako.

Hindi ba pwedeng makalimutan ko na sya agad? Kailangan ba talagang tuwing magkikita na lang kami ay para akong tanga na lalayo na lang?

Hindi dapat ako ang umiiwas. Wala naman akong kasalanan kaya bakit kailangan kong umiwas?

I skipped dinner, I don't even have the guts to go outside. Mananatili pa ako hanggang bukas dito kina mama. I promised her na sa Sunday pa ako nang gabi uuwi kaya kailangan ko pang magtiis nang isang araw na nagugulo ako ni Grey.

Pagkagising ko nang umaga ay sinilip ko muna ang bawat sulok nang bahay bago lumabas. Ayokong makita si Grey nang ganito kaaga dahil paniguradong mag-aaway lang kami.

"Peyn!" Pagtawag sakin ni mama.

"Po?"

"Aalis kami ni Alexa ngayon." Huh? Bat kasama nya si Tita?

"San po kayo pupunta?"

"Dyan lang. Basta. Wag mo na akong hintayin sa tanghalian dahil hapon pa kami uuwi. Wag ka munang umuwi, ha. Hintayin mo muna ako mamaya."

"Opo." Ila-lock ko nalang siguro ang pintuan para hindi na makapasok si Grey.

"Wag mong isarado ang pintuan dahil pupunta si Grey. Sasamahan ka nya dahil baka gabihin kami."

"Mama naman! Wag nyo nang papuntahin si Grey dito!"

"Bakit naman? Sasamahan ka nga nya."

"Kaya ko naman po mag-isa e!"

"Peyn, minsan ka lang umuwi kaya sundin mo na si mama."

"Ma naman! Kahit ano nalang i-utos nyo. Wag nyo lang papuntahin si Grey dito!"

"Bakit ba? Hindi ka pa ba nakaka-move on?" Natahimik ako sa tanong nang nanay ko. Bakit ba? Porket ayaw lang makasama hindi na maka-move on ang tawag?

"Peyn, kahit na nag-away kayo ni Grey, kahit na naghiwalay na kayo, kaibigan mo pa rin sya. Magkasama na kayo simula pagkabata. Isn't it too unfair for him kung dahil lang sa nakipag-hiwalay sya ay hindi na kayo pwedeng maging mag-kaibigan? Sayang naman ang ilang taon na magkasama kayo."

Hindi na ako sumagot kay mama. Alam kong tama sya pero hindi naman lahat nang tama ay makakabuti sayo diba? Si Grey na nga rin ang nagsabi na toxic ang relationship namin. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung bakit nya pa ako ginugulo nang ginugulo.

Gustong gusto ko na syang kalimutan pero kung patuloy syang magpapakita sakin, baka instead na makalimutan ko sya ay mahulog ulit ang loob ko sa kanya.

Ayoko nang balikan yun. All of my actions when I am still inlove with him disgusts me. Hindi ko alam na hindi pala nakakatuwa at nakaka-proud ang ganon. Nakakahiya yun. Lahat nang ginawa ko para sa kanya ay nakakahiya. Hindi ko na dapat ipinilit ang sarili ko sa kanya. Hindi na nga rin dapat ako nagpabili nang condo sa tabi nya e.

Gusto ko na rin na bumalik nalang dito kay mama but I forbid myself. Bakit ako aalis? Hindi naman si Grey ang may-ari nang buong condo unit. Ayoko rin naman na isipin ni Grey na sobrang affected ako sa presensya nya.

Hindi magbabago ang buhay ko dahil lang iniwan ako ni Grey. I can still live a life like before. Hindi ko kailangan na lumipat nang bahay, mangibang bansa o lumayo sa mga kaibigan dahil lang sa sinaktan nya ako.

Ayokong ipakita sa kanya na kaya nya akong saktan. I've learned my lesson the hard way. Ilang beses akong nasaktan bago natutong bumangon. Ngayon na unti unti ko nang natututunan na mabuhay nang wala sya, ayokong masira na lang yon. Ayokong mapunta sa wala ang lahat nang mga pinaghirapan ko. Ayoko na ulit masaktan nang dahil sa kanya.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon