Kabanata 44

114 4 0
                                    

Nagising ako sa kama ni Grey kinaumagahan. Tumayo ako at hinanap sya pero walang ibang tao sa kwarto kundi ako.

Bukas ang pintuan kaya naman nakalabas ako. Inayos ko ang magulo kong buhok nang bumaba ako sa staircase nina Tita.

"Peyn, you're awake. Nakatulog ka kaya hindi ka na namin ginising nang mama mo." Ngiting ngiti na salubong sakin ni Tita pagkababa ko.

Tumingin ako sa paligid para hanapin si Grey pero hindi ko sya nakita.

"Hinahanap mo si Grey? Umalis na sya. Maaga kasi yung pumapasok sa trabaho." Feeling ko ay umiiyak nang rainbow si tita nang mapagtanto nya na hinahanap ko ang anak nya.

"Aalis na po ako, Tita. May trabaho din po kasi ako. Pasensya na po sa abala."

"Nako, wala yun. Bumalik ka dito bukas, ah. O di kaya'y mamaya pagkauwi mo." Kunot noo ko syang tinignan.

"Lumipat na kasi si Grey dito sa bahay. Nagwo-worry ako sa anak ko at sobrang tahimik na hindi katulad dati na laging may mga kasamang kaibigan na maiingay. You know, ikaw lang ang alam kong makakatulong kay Grey."

Nagulat ako nang malaman na dito na pala sya ulit nakatira. Mukhang kailangan ko nang lumipat, kung ganon.

"I'm sorry, Tita. I have to go...male-late na po kasi ako."

"Oh, sure. Basta bumalik ka dito." Hindi na ako sumagot kay Tita. Nagmamadali akong lumabas at umuwi sa bahay.

Naligo agad ako pagka-uwi at dahil late na ako, hindi ko na nakain ang niluto ni mama na breakfast.

Late ako nang 15 minutes sa trabaho kaya naman buong maghapon akong nagseryoso sa ginagawa ko.

Dumaan ang break time kaya naman bumaba ako para mag-meryenda sa canteen. Nakita ko si Brent sa isa sa mga table. Kinawayan nya ako at niyakag na maupo sa harap nya. Ayaw ko man na makasama si Brent dahil sa sobrang gulo nya, wala naman akong choice. Wala pa kasi akong gaanong kaibigan dito at sya lang ang ka-close ko.

Inilapag ko sa table nya ang mga binili ko.

"Sinisilip kita sa cubicle mo, hindi ko alam na ganyan ka pala kaseryoso sa pagtatrabaho." Puna sakin ni Brent.

"Bakit mo naman ako sinisilip?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Wala lang." Ngumisi sya sakin na parang may hindi sya sinasabi sakin.

Nanahimik nalang ako at nagsimulang kumain. Kung kakausapin ko pa si Brent nang matagal, mayayamot lang ako.

"Grey almost killed me last night," sabi nya pa nang hindi ko na sya pinapansin.

"So?" Pang-asar na sagot ko naman sa kanya.

"Why don't you ask me why?"

"Why?" Tamad kong tanong, matigil lang sya.

Kahit naman tanungin ko kung bakit, sasabihin nya pa din. Tss.

"Because of our picture that I posted on IG and facebook."

Mataman ko syang tinignan. Nonsense.

"Alam mo ba na never ni-like ni Grey ang posts ko?"

"Ano naman? Let me guess, ni-like nya ang picture natin?" Tamad at walang gana kong sabi.

"No! He reacted on our photo! It was angry! Hindi lang yung picture natin, lahat nang posts ko buong year na 'to...angry! I almost died. You know, lahat halos nang friends ko, pinupusuan ang posts ko...bakit nya yun ginawa?"

"Because he's bored?"

"No! Kasi may picture tayo together! He's so unfair. Sinabi kong wag nalang syang mag-react sa photos ko lalo na kung angry...pero na-seen lang ako!"

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon