Kabanata 29

108 1 0
                                    

Our school staffs were very busy for the upcoming Foundation day.

Marami ring booths and programs kaya wala kaming halos klase.

"Napaka-arte naman nyan ni Grey! Sana ibinato mo sa kanya yung baunan para di nasayang 'yang effort mo!" Gigil na sabi ni Kara. Kinwento ko kasi sa kanila ni Carl yung nangyari kahapon. As expected, nagalit na naman si Kara.

"Intindihin mo nalang, Peyn. Moody lang talaga yan si Grey. Ganyan talaga pag gwapo, masungit at topakin."

"Leche flan ka, Carl! Tigil tigilan mo 'yang pagkampi kay Grey! Si Elle ang kaibigan mo, hindi yung mayabang na yun! Tsaka ang babaw nya naman para magalit nang ganun. Wala namang masama sa pagsama mo kay Calum. Hindi nya ba alam kung gaano ka kapatay na patay sa kanya? Gosh."

"Galing kasi ako sa unit ni Calum. Syempre iba talaga ang iisipin ni Grey." Pag-depensa ko pa.

"Ano naman kung galing ka 'don? Ang sabihin mo, pinagdududahan ka nya! Ikaw pa nga dapat yung may karapatan na magalit kasi hindi nya agad sinabi na naging sila nung siopao na si Allen!" Pero ako naman ang unang nagduda di 'ba?

Kung hindi ako nagduda kay Grey, baka di ganito kalala ang away namin?

"Kara, wag nga kung ano ano ang sinasabi mo kay Peyn. Kung ano anong tinuturo mo dyan e. Hindi mo mapaghihiwalay lahat nang tao, noh!"

"Ikaw na bading ka! Manahimik ka na nga lang!"

"Manahimik ka na din para manahimik ako!" Nagsimula na naman sa pag-aaway yung dalawa kaya naglakad na ako paalis.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa dalhin ako nang mga paa ko sa building nila Grey. Nakita ko yung mga classmate ni Grey kaya sigurado ako na nasa tapat na nga ako nang classroom nila.

"Grey, sama ka ulit mamaya? Hinahanap ka ni mama kahapon. Hindi ka na daw nagpaalam sa kanya na aalis ka." Rinig kong sabi ni Allen kay Grey. Palabas sila nang classroom nila at nasa gilid lang ako nang pintuan pero hindi nila ako napansin.

"I'll make it up to Tita, later." Saglit na napasulyap si Grey sa akin pero nagpatuloy sya sa paglakad na para akong hangin.

Pag ganito ba hindi pa din ako magdududa?

"Sasama ka nga? Yes! Promise na yan ah. Wala nang bawian." Tumawa si Grey dahil parang bata si Allen na nagpupumilit mag-pinky swear.

Masaya ka ba talaga, Grey? Masaya ka ba pag kasama si Allen?

Hindi ko maiwasan ang hindi mainggit kay Allen. Buti pa sya, nakakasama nya si Grey in public. Kung titignan mo sila, parang sila nga.

No wonder akala nang mga nakakakilala sa kanila, sila pa.

I feel like I'd been stabbed on my chest. Yung malaman palang na pumupunta si Grey kina Allen, sobrang sakit na. Pano pa kaya pag nagkabalikan na sila?

"Peyn? Bakit ka nandito?" Nagulat ako nung lumabas si Brent sa room nila.

"Hinahanap mo ba si Grey? Kaaalis lang nya e." Sabi ni Brent bago huminto sa harap ko.

"Ganun ba? Hindi ko sya napansin." I lied. Ayokong malaman ni Brent kung gaano ako katanga para manatili pa dito pagkatapos nang nakita ko.

"Gusto mo bang samahan kita kay Grey? For sure hindi pa nakakalayo yun."

"No! No! Okay lang. We'll see each other nalang siguro pagka-uwi nya."

"Bahala ka. Anyway, pumasok si Kara? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Pumasok sya. Iniwan ko sila ni Carl saglit just to see Grey." Unfortunately, may ibang kasama si Grey. Babalik nalang siguro ako kina Kara kahit maingay sila.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon