Kabanata 46

112 4 0
                                    

Nakarating kami sa bar nang hindi na nagiimikan. Hindi na ako kumibo dahil sa sobrang pag-iisip. Nabigla pa rin kasi talaga ako. Nakakabigla naman talaga yung nalaman ko.

Kung sana alam ko lang na may gusto si Kara kay Calum...

"Let's go?" Halos ilang minuto nang naka-park ang kotse ni Brent sa isang high end na bar.

Inalalayan nya ako sa pagbaba hanggang sa pagpasok sa loob.

"You can leave me here," sabi ko nang maupo ako sa high chair sa tapat nang bar counter.

"Wag na. Join me," bulong sakin ni Brent.

"I can't. I don't want to dance. I just want to get wasted and drunk."

"But I can't leave you here." Umirap na ako sa kakulitan ni Brent.

"I'm not a fvcking baby. Go and grab some girl. I'm fine here. Walang mangyayaring masama sakin."

"Fine." Labag sa loob na pagpayag ni Brent. Hindi naman pwedeng hayaan ko sya na samahan lang ako dito. Kaya nga sya nagyakag ay para mag-party.

Tumalikod na si Brent at handa nang umalis. Hinawakan ko ang dulo nang damit nya para pigilan sya sandali.

"Remember not to drink too much. Ihahatid mo pa ako sa bahay."

"Yes, ma'am!" Brent winked and then disappeared.

Uminom lang ako nang uminom. I didn't want to dance so I'd better let myself drink. Ano ba kasing naisip ni Brent at sa bar pa nagyaya? He can just grab one girl and date her for tonight! Fvcking moron.

This place is too crowded and noisy.
May ilang lalaki ang lumalapit sakin para magsayaw pero tinatanggihan ko lang sila lahat.

Can't they sense that I wanted to be alone? Ofcourse, Peyn, hindi nila yan maiisip. Nasa bar ka at natural lang na isipin nila na pumunta ka para mag-party.

Inikot ikot ko ang wine glass ko nang makarinig ako nang pamilyar na boses.

"4 shots of martini, please." Yumuko ako para hindi makita ni Carl.

Katabi ko lang si Carl at umoorder sya nang inumin nila. Isiniksik ko ang sarili ko sa katabi ko para lang makaiwas.

Nang umalis si Carl ay tsaka lang ako tumuwid sa pagkakaupo. Sinundan ko sya nang tingin. Naupo si Carl sa hindi kalayuang table kasama sina Kara. Well, they're friends. I sensed some bitterness in me. Bakit parang sobrang liit na nang Manila para samin? Halos araw araw ko nalang silang nakikita!


Nakita kong katabi ni Kara si Calum. Nakaakbay sa kanya si Calum at nakangiti naman si Kara. I unconciously smiled. Atleast, Kara found her happiness. Worth it pala ang paglayo ni Brent.

Tinignan ko din si Carl na busy na naman kasama si James. May sarili talagang mundo ang dalawang 'to.

Napawi ang ngiti ko nang mapatingin ako kay Grey. Bumilis ang tibok nang puso ko nang makitang nakatingin sya sakin.

What? Bakit pa kaya sya napunta sa bar e hindi naman sya mahilig uminom? He's at the far end of the couch, malayo layo kina Kara at wala ni isang baso sa harap nya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha nua at napansin pa rin ang paninitig nya.

Nung una ay akala ko nagkamali lang ako. Pero hindi natanggal ang titig ni Grey sa direksyon ko kaya nagpasya na akong tumayo para hanapin si Brent. Yayakagin ko nalang siguro si Brent sa ibang bar.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may humila na nang kamay ko. Takot akong lumingon at kahit naisip ko na na si Grey 'to, nagulat pa rin ako.

Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak nya.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon