Kabanata 18

127 2 0
                                    

Nakarating kami sa resort nina Calum nang bandang hapon. Papalubog na ang araw at kokonti lang ang tao sa beach.

Maganda at tahimik ang buong lugar. Tahimik na nga lang talaga sana kung hindi lang daldal nang daldal ang dalawa pa naming kasama.

"Wow! Yayamanin ka pala talaga, Calum! This place is awesome! Magkano kinikita nang resort nyo?"

"Kara!" Saway ko sa kaibigan ko. Nagkamot lang nang batok si Calum bago tumawa.

"Tara na. Hahatid ko na kayo sa rooms nyo para makapagpahinga. Tomorrow morning itu-tour ko kayo."

"Thanks, Calum. Baka maging boto na din ako sayo kung lagi kang ganyan!" Nangunot ang noo ni Calum sa sinabi ni Carl.

"Tara na nga! Wag mo nang pansinin yang dalawang yan!" Hinigit ko si Calum at nauna na kami.

Nakasunod lang samin ang mga naghahagikhikang sina Kara.

The room was very comfortable. Halatang high-class talaga ang hotel nila. Mukhang mamahalin din ang mga designs lalo na yung mga paintings. Katabi nang room ko ang room ni Kara, sa right side naman ay si Calum tapos katabi nang room ni Calum ay kay Carl na.

7 pm nang may crew na pumasok para maghatid nang pagkain. Dahil pagod kaming lahat sa byahe ay hindi kami makakakain nang sabay sabay. Mabuti narin 'to. Gusto ko ding makapagpahinga sa kadaldalan nina Kara at Carl paminsan minsan.

Sinilip ko ang bintana at kitang kita ang view. Payapang umaalon ang dagat. I decided to take a stroll. Parang ang sarap maglakad lakad.

Kumuha ako sa walk in closet nang sando at short. Medyo madilim na nung lumabas ako. May ilan pang mga bata na naglalaro at mga mag-asawang naglalakad lakad.

Dahil alam kong safe naman ako sa lugar na ito ay naglakad ako mag-isa. Ramdam ko ang lamig nang dagat sa mga paa ko. Nakakita din ako nang rock formations sa di kalayuan kaya naisip ko na puntahan iyon.

Ilang cottage pa ang nalampasan ko bago makarating sa rock formations. Tiniis ko na akyatin iyon kahit na sobrang tataas nang mga bato.

Nang makarating na ako sa taas ay namangha ako sa ganda nang dagat. Ilang minuto ko lang iyong tinitigan bago umupo at niyakap ang sarili dahil sa lamig.

"You'll catch a cold." Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likuran ko. Ipinatong nya ang suot nyang jacket sakin at itinaas ang hood nito para matakpan ang ulo ko.

"Calum? Kanina ka pa dito?"

"Yup. Di mo na naman ako napansin. You were too busy watching the sea."

"Ang ganda kasi e. Ang peaceful pa dito. Anyway, bat ka pala nandito? I mean...gabi na and akala ko nagpapahinga na kayo."

"This is my favorite place here. Ito ang lagi kong pinupuntahan tuwing napunta kami dito sa Batangas. Perfect kasi pag nalulungkot ako. You know, ang lakas lang nang effect nang dagat. Dramatic. " Bahagya syang tumawa.

He wasn't happy at all. His lips were smiling but his eyes weren't. It was a fake smile.

"I wonder why you still feel lonely e parang wala ka namang pinoproblema sa buhay. Ang easy nga lang nang buhay mo. Walang halong drama."

"That's what you think about me? It's flattering." Ngumiti ulit sya but he's not looking at me.

"Peyn, try to look closer and clearer. Hindi lahat nang bagay ay easy lang. Walang taong easy lang ang buhay."

Ang lalim nang sinasabi nya at pakiramdam ko hindi sya ang Calum na kilala ko.

Well, hindi pa naman kasi kami ganun katagal na magkakilala.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon