Kabanata 25

119 2 0
                                    

"Grey. "

"Hmmm?" Nandito ako ngayon sa unit ni Grey. 10:30 na kami nakauwi kagabi. Hinatid nya lang ako sa pintuan nang unit ko bago pumunta sa unit nya.

Dahil bored ako, naisip ko na puntahan sya pero naabutan ko sya na busy sa ginagawa nya. Nakaharap sya sa laptop nya at gumagawa daw nang presentation nila nang groupmates nya.

"Grey."

"Bakit?" He's still focused on whatever fucking presentation he was doing. Nakasandal ang dalawa kong kamay sa study table nya habang nakapatong ang baba ko dito.

Kanina ko pa sya kinukulit na tigilan muna ang kung anong ginagawa nya.

"Grey." Huminto sya sa pagta-type at tinignan na ako nang matalim.

"Bakit nga? Kanina ka pa tawag nang tawag." Iritado nyang sabi sakin. I just smiled. Sa wakas, pinansin nya na din ako.

"Wala lang. Ayaw mo kasi akong pansinin e. Bored na nga ako kaya ako pumunta dito tapos may ginagawa ka pala." Pangangatwiran ko sa kanya kahit alam kong baluktot.

"Peyn, I'm doing something important. Just keep quiet and let me finish my work so that I can deal with you later, you brat."

"I'm not a brat!" I opposed but he continued typing already.

Napabuntong hininga nalang ako. Tinitigan ko lang sya for almost 15 minutes.

Nang tamadin ako ay tumayo ako at pumunta sa living room. I turned the TV on and started finding a good film.

I stopped searching for a good film and settled watching on the Disney channel.

Dito na nga lang para hindi ako antukin.

"Peyn!" Tawag sakin ni Grey. He was still sitting in front of his beloved laptop when he called me.

"Oh?"

"Nasan ka?"

"Living room." Sigaw ko din sa kanya bago itinuloy na ang panonood. Tutok na tutok na ako sa palabas nang bigla syang tumabi sakin. Napa-irap naman ako nang makitang dala dala nya pa rin ang laptop nya.

"Bakit?" I asked him.

"Anong bakit?" Kunot noong tanong ni Grey.

"Bakit ka dito gagawa nyan? Nanonood ako nang TV. You'll get distracted."

"I can deal with the television. I can't deal with your voice." Teka nga!

"Aba't! Edi uuwi na ako!" Bigla akong tumayo para sana umalis na kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinila ulit ako paupo.

"Do you think I'll sit in front of this damned television if it wasn't for you? Akala ko nag-CR ka kaya ang tagal mo. Iniwan mo na pala ako dun. And then I followed you here. Tapos aalis ka? Tss." Minsan naffeel ko na nahahawa na sakin si Grey sa pagsasalita.

Ang dami agad nasabi e. Nagger.

"Edi gusto mo akong katabi?"

"Hmmm." Tipid nyang sagot dahil naka-focus na naman sya sa ginagawa nya.

"E bakit ayaw mo akong magsalita?!"

"Sssshh. Wag nang makulit, Peyn. Manood ka nalang nang TV."

Umirap nalang ako kahit hindi nya nakikita. Hininaan ko na din ang volume nang TV para naman hindi maka-distract sa ginagawa nya.

Buti nalang tapos na namin nina Kara yung ginagawa namin. Minadali na kasi namin ang mga projects namin para wala na kaming iintindihin pa.

Naka-dalawang palabas na ako nung biglang may nag-press nang doorbell ni Grey. Tumayo ako at sinilip sa intercom kung sino ang nasa labas. I saw Brent kasama nang ilang lalaki at babae na hindi ko mga kilala.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon