Kabanata 43

111 2 0
                                    

Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala kakaiba ang ngiti ni Tita Alexa at ni Mama sakin!

Nanginginig ang kamay ko nang umalis si Yaya Gemma para tawagin si Grey.

He's here. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. What should I do? Aalis na ba ako? He's going to sit beside me... I'm so sure!

Yung katabi ko nalang ang bakante. I mean, wala naman kasing plato at utensils yung isa pang upuan. Iniisip ko na baka ilipat nalang ni Grey ang plato nya sa kabila but I am sure that it won't happen. Not when Tito and Tita is around.

Tinignan ko ang masasayang tawa nina Mama. Tsk. Sabi na at puro kalokohan lang ang gagawin nang dalawang 'to.

"Yaya Gemma, nasan na si Grey?" excited na tanong ni Tita nang bumalik si Yaya Gemma.

"Kasunod ko na po, Ma'am. May inayos lang yata sa kwarto nya kaya medyo natagalan sa pagbaba." Nakangiting tumango si Tita.

Sinimulan na namin ang pagkain, rather, sinimulan na namin ni Tito ang pagkain. Si Mama at Tita ay nagbubulungan pa at nakapagtatakang hindi man lang sila sinasaway nang papa ni Grey.

Nang marinig ko ang mga yapak ni Grey sa likod ko ay para akong mabubulunan. Nanginig din ang mga kamay ko at parang nakalimutan ko na kung paano gumamit nang kutsara at tinidor! Goodness, Elle!

Nang naupo na si Grey sa tabi ko ay nanginig na talaga ang tuhod ko.

"Peyn, hija, batiin mo naman si Grey. Na-promote na agad sya sa trabaho."

Gusto kong bumuka ang sahig at lamunin na lamang ako nang sabihin iyon ni Mama. Na-promote? Ang bilis naman yata.

Saan ba sya nagtatrabaho? Sa company ba nang daddy nya? Tss. Kung sa company pala nang daddy nya napiling  magtrabaho...malamang na mapo-promote talaga sya agad.

"Congrats." Hilaw kong nginitian si Grey. Hindi man lang sya ngumiti sakin pabalik. Nag-iwas agad sya nang tingin.

"Salamat." His cold tone makes me shiver.

"Grey, anak, batiin mo din si Peyn! Hindi mo na nga yan nabati nung graduation nyo e , batiin mo naman sya dahil may trabaho na sya." Hindi ko alam pero bigla akong nahiya sa sinabi ni Tita kahit wala namang nakakahiya.

"Congrats." Bati nya din pabalik.

Tumitig lang sya saglit bago nagpatuloy na sa pagkain.

"Salamat," mahina ko naman na sagot sa kanya. Hindi ko masyadong nagalaw ang pagkain ko. Kaunti palang ang nakakain ko pero feeling ko busog na ako.

Kailangan ko nang umalis dito! Awkward kasi talaga.

"Ma," bahagya akong tumayo para magpaalam na sana kaso bigla akong hinila ni Mama papunta sa living room. Ganun din ang ginawa ni tita kay Grey.

Pilit nila kaming pinaupo sa mahabang couch.

"Dyan muna kayong dalawa. Manood muna kayo nang TV."

"Tita," tumayo na ako at handa na talagang magpaalam.

"Peyn, wag ka munang uuwi. Magtatampo na talaga ako sayo." Nakasimangot na sagot nya sakin.

"Pero..." Hindi na hinintay ni Tita ang sasabihin ko dahil hinila nya na si Mama kung saang parte man sila nang bwisit na bahay na ito nag-punta.

Pagod akong naupo at isinandal ang likod sa sofa.

Narinig ko naman ang malalalim na buntong hininga ni Grey. Kung ayaw nya naman akong kasama dito, pwede naman syang mag-kulong nalang sa kwarto nya!

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon