Kabanata 17

123 1 0
                                    

Matatalim ang tingin ni Grey sa table namin. Hindi ko na halos malunok ang kinakain ko samantalang enjoy na enjoy naman sina Kara sa pakikipag-usap.

"Peyn? Akala ko Elle is your name." Tanong ni Calum sakin nung mabanggit nila ang Peyn.

"They calls me Peyn." Tipid kong sagot sa kanya. Sandali ko lang syang tinignan bago ulit yumuko dahil sa mapanuring mga mata ni Grey.

"Ah. Your close friends calls you Peyn. Kaya pala. So...can I call you Peyn din? I want to be close to you. " Napa-ubo ako sa sinabi ni Calum. Narinig ko ang impit na tili nang dalawa kong mahaderang kaibigan.

"Uh.. Bahala ka. Sanay na din naman ako na tawaging Peyn. It reminds me of someone kapag Peyn ang tinatawag sakin." A special someone.

"Someone? That someone might be special." Ayun, tumpak!

"Very special." Sagot ko bago ibinalik ang tingin sa busangot na mukha ni Grey. Dahil kanina pa nakatingin samin si Grey ay naglingunan nadin ang mga kasama nya. Hindi ko halos kilala ang kaibigan ni Grey dahil hindi naman kami ganito ka-close dati.

Pero as far as I can remember, kilala nila ako dahil lagi akong napunta kina Grey pag nandyan sila.

"Wag kang mag-alala, Calum, my dear! Tutulungan ka namin ni Carl para maging very special ka din kay Elle! " Sinamaan ko nang tingin si Kara pero binalewala nya lang ako.

Si Kara nakakainis din talaga minsan. Akala ko ba ayaw nito sa gwapo. Bakit ang bait bait nya yata kay Calum? So unfair.

"I'd love that."  Napansin ko ang mga nanlilisik na mata ni Carl kay Kara. Good thing may kakampi pa pala ako.

"Kakatapos lang nang midterm. Parang ang sarap mag-unwind. Sobrang napagod ang utak ko kakareview. "Pag-iiba ni Carl nang topic. Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nya. Carl is really the best!

"Tss. Napagod na utak talaga? Hindi ka nga nag-review!" Kontra naman ni Kara. Para talagang aso't pusa 'tong dalawang to. Kelan kaya sasang-ayunan ni Kara ang kaibigan?

"Wag ka ngang epal, Kara! Ikaw ang hindi nagreview sa ating dalawa 'no! "

"We have a resort sa may Batangas. Do you want to go? Besides, vacation is a good thing to refresh our minds." Tatanggi na sana ako dahil sobrang nakakahiya na kaso nga lang ay naunahan ako ni Kara.

"Oh my! Really? Magaganda daw ang mga beach sa Batangas! Set ka na nang date! I'm so excited!"

"Kara, mahiya ka nga! Nagpalibre ka na nga dito tapos magpapalibre ka pa sa resort nila! Kakakilala mo palang kay Calum kung makapag-palibre ka na!"

"It's okay, Carl. Kailangan ko din namang i-check ang facilities dun. It would be better kung kasama ko kayo." Napailing ako kay Calum. Masyadong galante.

"Oh ayan! Kailangan nang kasama ni Calum! Elle, pumayag ka na. Nagpalibre tayo ngayon ano lang ba naman yung sasamahan natin sya diba? Agree ka na!" Kaya nga lang ay libre na naman ni Calum iyon! Nakakahiya!

"Baka...baka di pumayag si Mama." Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Calum. Nakaka-guilty naman.

"Papayag si Tita! Kami ang magpapaalam ni Carl. Dadaanan namin sya mamaya." Gusto kong mapa-face palm dahil kay Kara.

"Kasi..."

"Please, Elle? Please?" Calum said while pouting. Huminga ako nang malalim bago tumango sa kanila.

"Yes!" Sigaw nung tatlo sa sobrang tuwa dahil sa pagpayag ko.

Napatingin naman samin ang ilang estudyante dahil sa ingay nitong tatlo.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon