Kabanata 23

96 3 0
                                    

"Peyn!" Sabay kaming lumingon ni Carl sa tumawag sakin. Palabas na kasi kami nang Campus dahil tapos na ang klase namin.

"Calum?" Hinihingal na sumunod samin si Calum.

"Do you want me to pick you up later? Susunduin ko din si Kara and Carl. I wonder kung gusto mong samin na sumabay para sama sama tayo."

"No, thank you. Sabay kami ni Grey mamaya e." Calum looked disappointed.

"Pag-uwi? Sakin ka nalang sumabay pag-uwi."

"Mmmm, si Grey pa rin ang kasabay ko e." Nahihiya kong tanggi sa kanya.

"Kami nalang ni Kara ang ihatid mo pauwi, Calum." Pag-epal ni Carl.

Hinampas ko sa braso si Carl dahil sa kakapalan nang mukha. Minsan nakakahiya talagang kasama ang isang ito. Sobrang kapal. Jeez.

"Sure."

"Calum, pagbayarin mo na nga yan si Carl. Naii-spoiled na ang mga kaibigan ko sayo!"

"Hahaha. Okay lang. Nakakatuwa din naman sila."

"Oh, tignan mo Peyn, nakakatuwa daw kami. Ikaw lang naman ang hindi natutuwa samin!"

"Che. Una na ako pauwi. Ingat sa inyo!" Tumakbo na ako agad palayo para humanap nang taxi. Iniiwasan ko din na alukin ako ni Calum na isabay sa kanya sa condominium.

Nahihiya na kasi ako nang sobra. Ang dami ko nang utang na loob sa kanya. Isama mo pa ang kakapalan nang mukha nina Kara at Carl.

Nakarating ako sa condo sa loob lang nang labin-limang minuto.

Naabutan ko si Grey na bagong ligo. Pano ko nalaman? Ahem. Syempre hindi ko sya nakitang lumabas sa banyo na nakatapis lang nang tuwalya. Basa kasi ang buhok nya at bihis na bihis na habang prenteng nakaupo at nanonood nang tv.

"I'm home!" Masigla kong bati sa kanya. He immediately smiled upon seeing me.

"Good girl. You came home early as what I expected." Tss. Nagpapa-impress ako e. Bakit ba?

"Umalis ka ba nang unit ko?" Tanong ko kay Grey na inilingan nya lang.

"Then, you're a good boy! I'll just go and take a bath, Grey. Wait for me here."

"Sure thing. Wear my kind of dress." Ayan na naman tayo e.

"I'll think about it." Seryosong sagot ko sa kanya.

"Peyn!" He warned me. Aba't! Tignan mo yan, galit na naman yan mamaya. Sa ayaw kong balutin ang sarili ko. Party kaya ang pupuntahan.

Bar din ang venue kaya wag nyang sabihin na mag-suot ako nang pants! Ayokong maiba! Paniguradong revealing din ang suot nila lahat.

OA lang naman yan si Grey. Sa dami nang babae mamaya na halos kita na ang makikita dahil sa iksi nang suot, paniguradong hindi naman na ako mapapansin.

Mabilis lang akong naligo at nag-blow dry nang buhok. Nakatapis lang ako nang tuwalya habang tinutuyo-tuyo pa ang buhok.

Nang matapos ako sa ginagawa ay naghanap ako nang dress. Hindi ko pa tinatanggal sa paper bag ang mga pinamili ni Grey kaya ang mga damit ko nalang ang pagpipilian ko. Pinili ko ang knee length na skirt. Floral ang design nito na hango din sa usong style ngayon.

I picked an off shoulder top na hapit sa bewang ko at maiksi. Kita ang kapiraso nang tiyan ko pero dahil sa mahaba ang palda ay natakpan naman ang pusod ko.

Itinali ko din ang buhok ko sa isang artistic bun. Kulot din ang ilang piraso nang buhok na iniwan ko sa magkabilaan kong pisngi. Naglagay din ako nang dark na eyeshadow at nude na lipstick.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon