Kabanata 27

137 1 0
                                    

Hindi ko na nireplayan si Grey. Gulong gulo pa rin ang isip ko. Being Grey, hindi nya na rin ako kinulit nung hindi na ako nag-reply.

Bakit kasi hindi nya sabihin sakin kung sino si Allen? Alam kong hindi nya lang classmate si Allen.

There's more than that. Bakit alam nya ang passcode nang unit ni Grey? Bakit Kiel ang tawag nya dito? Bakit hinahayaan sya ni Grey na hawak hawakan sya?

Puyat na puyat ako kinaumagahan. Nangingitim din ang ilalim nang mata ko.

Maaga akong naglinis nang bahay at naligo na din. Pupuntahan ko ngayon si Calum sa kabila. I promised him na ipagluluto ko sya ngayon.

Tinakpan ko nang concealer ang eyebags ko bago kinuha ang cellphone ko at ilang gagamitin para mamaya. Nagmamadali akong lumabas. Dahil katabi ko lang din nang unit si Calum, nakarating agad ako sa labas nang pinto nya.

Naka-ilang press lang ako nang doorbell  bago napag-buksan ni Calum nang pinto. May hawak syang feather duster pero ang linis linis nya paring tignan.

Bagong ligo din sya at nangangamoy ang shower gel na ginamit nya. Binuksan nya nang tuluyan ang pinto at nagulat ako nung makapasok ako sa loob.

Bakit sobrang linis nang unit nya? Pinaghandaan nya ba talaga ang pagpunta ko dito?

Napangiti ako sa mga naiisip.

"Ikaw ang naglinis nang buong unit mo?"

"Yeah. Nakakahiya nga lang at medyo makalat pa."

"Makalat pa 'to sayo? Sobrang linis nga!"

Nahihiya naman syang nagkamot nang batok.

"Dito yung kitchen ko." Calum lead the way to his kitchen.

Agad kong binuksan ang fridge nya at nakita ang maayos na pagkaka-salansan nang mga pagkain.

"Wait. Gusto mo turuan nalang kitang magluto? Para healthy na yung mga kakainin mo."

"Are you sure? Baka makagulo lang ako sayo?"

"Hindi yan. Eto oh, suotin mo." Inabot ko kay Calum ang isang apron bago ko sinuot ang sakin.

Napangiti ako nang makitang suot nya ang kulay pink na apron na strawberry ang design. Apple naman ang sakin.

Dinala ko talaga 'tong apron dahil alam kong wala sya nito. I find our outfit cute kaya pinilit ko syang mag-picture.

"Hmmm. Gusto mo nang tinola? Yun pa lang yung sure ako na lutuin maliban sa mga prito." Pahina nang pahina ang boses ko. Biglang naubos ang confidence ko. Pano kung pumalpak ako? Baka isipin ni Calum useless ako.

"Marunong ka nang tinola? That's my favorite!"

"Talaga. Nako, baka pumalpak tuloy ako."

"Hindi yan. Tara na! Pag pumalpak ka, ako nalang ang sisihin mo tutal ay panggulo lang naman ako dito sa kitchen."

"Baliw ka talaga, Calum. Bakit naman kita sisisihin? Hahaha."

Ngumiti sakin si Calum. Pumungay ang mga mata nya. Ghad. Ang gwapo rin talaga nang isang 'to.

Inabot ko sa kanya ang papayang binili namin kahapon. Kalahati lang ito kaya hindi na sya mahihirapan.

"Ayan. Balatan mo tapos hiwain mo. Balatan mo muna, mamaya ko ituturo kung paano mo hihiwain." Tinitigan lang ni Calum yung papayang hawak nya. Gusto kong matawa kaso pinipigilan ko. Ganitong ganito din ako nung una!

"Hindi ka marunong?"

"Marunong!" Lihim akong napangiti nang tumalikod na sya at nagsimula nang balatan yung papaya. 

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon