Kabanata 50

138 4 0
                                    

Hindi na namin ipinagpabukas pa ang pagpunta sa Ospital. Nang pumayag si Grey ay sinabi ko na agad kina Tita.

Tita and Tito were so happy when they heard that Grey agreed. Among them, I am the most happiest person.

We went to their family doctor. No more tests were done. Nagulat sina tita. Alam naman na kasi ni Dr. Alvarez ang sakit ni Grey.

"Finally, you agreed." Sabi nang doktor pagkakitang pagkakita pa lang kay Grey.

"Alam mong may sakit sya, Doc?" Gulat na tanong ni Tita.

"Well, " magsasalita pa sana ang doktor kaya lang ay mabilis itong pinutol ni Grey.

"Where's my room?"

"This way," sabi nang doktor bago inalalayan si Grey papasok. Private room ang kinuha nina Tita. Ni-recommend na rin kasi nang doktor na kailangan ni Grey nang mas kumportableng kwarto.

"Are you still taking the prescribed medicines?" Mahinang tumango si Grey sa doktor.

"What medicines are you talking about?" Nakita ko ang pag-papanic sa mga mata ni tita.

"They didn't know? Hindi mo pa rin ba sinasabi, Grey?" Gulat na tanong ni Dr. Alvarez. Nag-iwas lang nang tingin si Grey.

"Ano bang kailangan naming malaman? " Hindi na makapag-hintay na tanong ni tito.

Bahagyang tumingin ang doktor kay Grey bago iiling iling na bumaling samin.

"I'm sorry but you should ask your son about it. " Tinapik nang doktor si Grey sa balikat bago tuluyang umalis.

"Grey, ano ba? Ano bang sakit mo?!" Sumisigaw na na tanong ni tita. Si tito naman ay hinihilot na ang kanyang sentido, he looked stressed.

"Tita, I think we should talk outside." Nanginginig na sabi ko kay Tita. She looked at me with horror in her eyes.

Tumango si tito bago inalalayan si tita palabas. I faced Grey. He's now looking at me with blank expression.

"No matter how hard you hide the truth, malalaman at malalaman pa rin nila. You can't force me to keep my mouth shut on this matter. Grey, pamilya mo sila and they deserved the truth. Hihintayin mo ba na sa doktor pa manggaling ang lahat? Hindi ba masakit para sa kanila pag nalaman nilang naglilihim ka?"

Muling nag-iwas nang tingin sakin si Grey.

"Grey, sasabihin ko kina Tita. If you can't do it, I'll do it for you." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya. I don't need his approval.

Lumabas ako at naabutan ko si tita na pabalik balik na naglalakad sa harap nang kwarto ni Grey. Si Tito naman ay nakaupo at malalim ang iniisip.

"Tita, Tito.."

"Peyn, ano bang sakit ni Grey?"

"Malala ba ang sakit nya? Kaya ba pabalik balik nalang ang lagnat nya? Anong sakit nya?" Sunod sunod na tanong ni tita.

"Honey, calm down."

"Calm down? How? You want me to calm down even if everything were so fucked up? Gusto mo bang umupo lang ako dito at maghintay na may bumulong sakin kung anong sakit nang anak ko? "

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! "

Napapikit ako sa sigawan nina tito.

"Grey..may leukemia po si Grey." Paos na sabi ko sa kanilang dalawa. Pareho silang napatigil at napatingin sakin.

Biglang napaupo si tito. Tears began to pour.

"Leukemia? Niloloko mo ba ako? Paanong magkakasakit nang leukemia ang anak ko 'e nilalagnat lang sya! Wala syang leukemia! Hindi pwede!"

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon