Kabanata 45

124 4 0
                                    

Hindi ako tinatantanan nang pangungulit ni Brent kahit nasa trabaho kami.

Naasar ako pero at the same time, natutuwa din. Nakahanap na ata ako nang instant friend.

"Brent, ano ba kasi!" Sigaw ko na nang hilahin nya ang kwelyo nang suot kong polo shirt.

"Tara na kasi..."

"Ikaw nalang mag-isa mo! Bakit mo ba ako pinipilit sumama?"

"Peyn, sige na. Wala namang pasok bukas e. Sunday kaya bukas."

"So what? Bakit ka ba namimilit?"

"Let's have some fun. Hindi ka ba napapagod sa kakayuko at type mo dyan?"

Inirapan ko lang si Brent. Saturday ngayon kaya naman nagyayakag ang isang ito na mag-bar. Wala akong pasok tuwing sunday at sa kamalas malasan, wala din palang pasok 'to si Brent.

"Peyn, please? Ayaw na akong samahan ni Grey. Friendship over na kami mula pa nung nagpunta tayo sa Mcdo! Ikaw nalang ang kaibigan ko!"

"Leave. Naririndi ako sayo at dyan sa kaka-Grey mo. "

"Peyn!" Sigaw nya na may kasamang padyak. Nagtinginan samin ang iba naming kasamahan sa trabaho. Oh, fvck.

"Why don't you just go on your own? As if naman na kailangan mo ako dun! Once nakahanap ka na nang babae mo, iiwan mo na din ako!"


"Hindi kita iiwan. Peyn, please?" Napatingin ako sa buong opisina. Nakatingin samin lahat na para bang may something samin ni Brent.

Masama akong tumitig sa nakangusong si Brent. Tss. Ipaliwanag nyo nga sakin kung bakit ako sumasama dito sa baliw na 'to.

"Fine! Ihatid mo ako sa bahay, ah. I don't have my car with me."

"Yes, Ma'am!" Parang siraulo kung makangiti si Brent hanggang sa sunduin nya na ako sa studio nung hapon.

Ipinadala ko kay Brent ang lahat nang gamit ko. Hindi naman sya nagrereklamo.

"Papupuntahin mo ba ako sa bar na ganito ang suot?" Napatingin sakin si Brent. Kung papasok kami sa bar nang ganito, hindi na ako sasama.

"Alright, ibibili muna kita."

"Libre mo?" Kulang nalang ay magningning ang mga mata ko. Agad syang tumango sakin. Lihim akong napangiti. Spoiled na spoiled na ata ako kay Brent, ah.

Dumaan kami sa isang shop na punong puno nang mga mamahaling damit.

"Brent, wag dito. Ang mamahal. Baka isang beses ko lang naman magamit yung bibilhin mo, sayang lang."

"Tss. Pumili ka na. Ikaw lang ang kaibigan ko ngayon kaya okay lang na gastusan kita. Isa pa, wala pa naman akong girlfriend kaya tipid din."


"Wag ka na mag-girlfriend. Gusto kong makalibre sayo lagi." Ngumiti lang sya sakin. Sa dami nang magagandang damit, hindi ako nakapili.

In the end, si Brent ang pumili nang damit ko. Maganda ang napili nyang dress. Revealing pero hindi gaanong nagpapakita nang balat. Definitely my type.


Bumili rin sya nang damit nya and after that, kumain muna kami. Libre nya lahat kaya naman nagi-guilty ako kung hindi ko pa sya sasamahan.

"It's like were dating." Bigla kong sinabi sa kanya.

"You know, you paid my dinner, bought me clothes and drove me home for almost everyday. Kaya iba makatingin satin yung mga kasama natin sa studio e." Tumawa si Brent bago pilyong ngumiti sakin.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon