Kabanata 16

161 1 0
                                    

Gaya nga nang sinabi ni Grey kahapon, ihahatid nya ako sa school ngayon. Akala ko ay hindi yun matutuloy pero nagulat parin ako nang pasakayin nya ako sa sasakyan nya. Abot tenga ang ngiti ko nang bumaba ako at nang makita ko ang ekspresyon nina Kara.

"Elle?"

"Good morning, Carl!" Bati ko sa gulat na gulat na si Carl sabay beso.

"G-grey?" Di makapaniwalang tanong ni Kara nang pumwesto si Grey sa likuran ko at tapikin nya ang balikat ko.

"Una na ko. I'll drive you home later." Tipid lang na nginitian ni Grey sina Kara at Carl.

"Sige. Itetext ko nalang sayo kung anong oras uwian namin." Saglit na ngumiti sakin si Grey bago naglakad na palayo.

"Aba't! Tignan mo yang Grey na yan! Napaka-plastik ngumiti. Akala mo kung sinong gwapo kung makapag-suplado. Bakit kayo magkasabay nang womanizer na yon, ha?" Here we go again.

"Good morning din, Kara! What a nice way to start a conversation with me." Matamis akong ngumiti sa kanya.

Agang aga highblood na naman sya kay Grey. Wala na ngang ginagawa yung isa.

"Tss. Ikaw na babae ka! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo kaya wag kang makangiti ngiti sakin. Akala mo lagi akong nakikipagbiruan!"

"Chill, bes. Alam ko naman na hindi ka nakikipagbiruan. Lagi ka kayang galit."

"Tss. Okay na yung laging galit kesa laging nasasaktan." Irap ni Kara sakin bago nagsimulang lumakad.

"Bessy, pag pasensyahan mo na yan si Kara. Alam mo na, walang lovelife kaya ganyan. Over-protective lang din yan masyado kasi you know naman, takot yan sa lalaki." Napangiti ako at tinapik si Carl. Kahit laging galit samin si Kara, mahal na mahal namin 'yan.

Sobrang nasaktan yan dati nang first love nya kaya galit na galit sa lalaki e. Sayang nga yun. Akala ko magiging sila na, pinaasa lang pala sya.

"I understand. Wait, bakit may pasa ka sa mukha?" Tanong ko kay Carl nang makitang kulay itim ang ilalim nang kaliwang mata nya.

"Iyang si Kara! Sa sobrang badtrip kay Grey ako ang pinagbubugbog kahapon! Natamaan tuloy ako sa mata nang palette nya! Next time naman kasi sabihin mo muna sakin kung anong ikukwento mo at siguraduhin mo na malayo ako kay Kara lalo na't lalaki ang topic! Ako kaya ang pinag-iinitan."

"Hala! Sorry. Ano nalang sinabi nina Tito dyan sa pasa mo?"

"Wag ka nang magtanong, Peyn. Baliw na yang tatay ko."

"Ha? Bakit?"

"Basta. Wag mo nalang tanungin. Malapit na akong masiraan nang ulo dyan kay pudra. Malakas na ang sayad."

Kunot noo kaming sumunod kay Kara na nakataas na pala ang kilay samin. I still wonder what happened.

Maagang natapos ang una naming klase kaya tumambay muna kami sa may field. Mamaya pa kasing 2 pm ang next class namin kaya pinili nalang namin na tumunganga.

"Boring!" Reklamo ni Kara sabay higa sa lap ni Carl.

"Elle! Tignan mo yung lalaki sa kabila. Yung nasa may soccer team. Kanina pa sya nakatingin sakin. Yung number 4!"

"Huh? Sino dyan? Baka naman hindi sayo nakatingin? Baka nakatulala lang." Sabi ko kay Karl habang hinahanap yung lalaki.

Tsk. Ang labo na ba naman nang mata ko. Di ko na masyadong makita.

"Feeling mo naman, bakla! Baka napansin nya lang yang ubeng ube mong mata. Baka gusto nyang pantayin kaya kanina pa sya natingin. Kahit ako gusto ko ding pantayin e, sya pa kaya?" Pagbasag ni Kara sa mga ngiti ni Carl.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon