Kabanata 49

119 3 0
                                    

Bumalik ako sa kwarto nya dala ang tray nang pagkain. He's still sick. No, he's really sick.

"I brought you food," I said before placing the tray on his bedside table.

Hindi nya ako inimik. Kinuha nya ang tray at lumabas. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya. Natatakot akong pag nakagawa ako nang konting ingay, pauwiin nya ako sa bahay.

He placed his tray of foods in their dining table where tito and tita were eating.

"Oh, magaling ka na?" Tanong ni tita pero tahimik pa rin si Grey. Hindi man lang sya tumingin kahit kanino.

"Peyn, kumain ka na din. Pasensya na at pati ikaw ay naabala namin." Hinging paumanhin nang papa ni Grey sakin.

"Okay lang po," nahihiya kong sabi bago umupo sa tabi ni Grey.

Kumuha ako nang pagkain tapos ay dinagdagan ko ang kay Grey. Kailangan nyang kumain nang marami.

Pagalit nyang ibinalik ang nilagay kong bacon sa plato nya. Nagulat ako pati na rin sina Tita.

"Grey Kiel Thompson!" Sigaw ni tito sa ginawa ni Grey.

"I'm sorry, hija. Masama pa siguro ang pakiramdam nya kaya nagkakaganyan." Agad na hinging paumanhin ni tita bago matalim na tumingin kay Grey.

"Why don't you just leave? Why are you here? I told you I don't need you!"
Halos mapapikit ako dahil sa mga sinasabi nya. Napapahiya ako sa harapan nang mga magulang nya. Bakit ba ayaw nya nalang akong hayaan sa tabi nya?

"Grey! Sumosobra ka nang bata ka! " Napatayo na si tita dahil sa mga sinabi ni Grey. Magsasalita pa sana sya kaya lang ay pinigilan ko na. Sa aming lahat, ako ang nakakaintindi nang sitwasyon ni Grey.

"Tita, okay lang po. Babalik nalang po siguro ako mamaya." Tumayo ako kahit hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Aalis nalang muna ako, siguro naman ay kakain si Grey.

"Wag na po sana kayong magalit kay Grey. It's my fault. " Lumambot ang ekspresyon ni tita nang tignan ako.

Hindi pa ako nakakalabas sa kanila nang ihagis ni Grey ang kutsara at tinidor na hawak nya. Nagulat kaming lahat dahil sa ginawa nya.

Napalingon ako kina tita at tito na sobrang nagalit dahil sa ginawa ni Grey. Kung kanina ay galit na sila, ngayon ay galit na galit na talaga.

"Ano bang nangyayari sayo? " sigaw ni tito.

"Why are you always claiming that your at fault, huh? Blame me! C'mon, Peyn! Blame me!" Nag-uunahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko. Akala ko ba ubos na 'to? Bakit parang ang dami pa nang luhang iiiyak ko?

"Grey!" Sobrang lakas na na sigaw ni tita.

"Blame me! Blame me!" Pahina nang pahina ang boses nya. Hindi na nawala ang pamumutla nang labi nya at kitang kita mo talaga na may sakit sya.

Umiiyak akong lumapit sa kanya para mayakap sya. Ang kaninang  galit na galit na sina tita ay kumalma nang yakapin ko si Grey. It's like they are assuming of something to happen. Tita, if you only knew.

Niyakap ko sya at tinahan.

"Ssshh. Don't cry," paulit ulit kong sinasabi sa kanya kahit ako itong kanina pa umiiyak.

Tahimik na umalis sina tito at hinayaan kami ni Grey sa dining area.

"I'm sorry. I'm sorry. If I only knew, I wouldn't leave your side. I'm sorry, Grey."

Niyakap nya ako pabalik at isinubsob nya sa balikat ko ang mukha nya. Natatakot akong yakapin sya nang mahigpit. Gustong gusto ko syang ikulong sa mga yakap ko pero natatakot akong baka masaktan ko lang sya.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon