Kabanata 4

190 3 0
                                    

Umalis ako sa harap nya. Prente na lamang akong naupo sa living room sa condo nya.

May kahihiyan naman talaga ako ah. Bakit, tingin nya ba wala?

Hindi porket nasasabi ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya ay hindi na ako marunong mahiya.

Hindi ko na sya pinanood sa paglalaba nang mga damit namin. Pumikit nalang ako at sumandal. I want to rest. Buong maghapon ang klase namin kanina.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang tapikin ako ni Grey.

"Hey, "iminulat ko ang mga mata ko bago kinusot kusot.

"I'm done washing your clothes. Dito ko na isinampay, "tumango lang ako sa kanya.

Nang mapagtanto nya na hindi pa ako makakausap nang matino dahil kakagising ko lang ay umupo sya sa harap ko tsaka binuksan ang mga libro.

Mag-aaral na yata sya.

Tinignan ko ang orasan. 7pm na pala. Hindi pa ako nakakapagluto!

Napatingin ulit ako kay Grey. Kakatapos nya lang maglaba. Ibig sabihin ay hindi pa sya nakakapagluto.

Napatingin sya sakin nang tumayo ako.

"Can I cook your dinner? Wag kang mag-alala, may rice cooker ka naman yata kaya maayos naman siguro ang kalalabasan nang kanin, "paliwanag ko hindi pa man sya nakakapag-reklamo. Tumango lang sya bago ulit ibinalik ang tingin sa libro.

I really love the busy version of Grey. Kahinaan ko yata talaga pag seryoso sya. Kaya nga lang ay lagi syang seryoso, paano na?

Pumunta ako sa kitchen nya at nakita agad ang rice cooker.

Nagtakal ako nang bigas at nagsaing na. Natagalan nga lang ako dahil naghanap pa ako nang pagsasaksakan nang rice cooker sa kitchen nya.

Binuksan ko ang ref nya at nakitang puro fresh fruits at veggies ang nandoon. Tinignan ko ang freezer at nakitang may mga pwedeng prituhin. Kumuha ako nang drumstick nang manok. Madali lang naman magprito. Mantika lang naman ang iba pang kailangan. Kumuha ako nang dalawa. Baka kasi kulang ang isa sa kanya.

Sabi ni Carl, pag magpiprito daw ay dapat mainit ang kawali at mantika bago ilagay ang ipiprito.

Ginawa ko ang paalala nya bago inilagay ang dalawang pirasong drumstick.

Napaatras ako ang magtalsikan ang mantika. Pinigilan ko ang pagtili dahil baka malaman ni Grey na hindi ako sanay sa pagpiprito. Iyon na nga lang kasi ay di ko pa magawa.

Naupo muna ako habang hinihintay ito bago nagcellphone.

Nagbukas ako nang twitter. Naaliw ako sa pagbabasa nang mga trending topics. Ano 'tong #Letsroast5sos?

I clicked it and read the previous tweets. Naaliw ako ilang saglit bago pa maalala na may piniprito ako.

Dali dali akong tumayo at binaliktad na yung manok. Lagot! Medyo sunog yung kabila.

Alanganin kong nilingon si Grey na ngayon ay busy pa rin sa binabasa. Sana wag na masunog yung kabila.

Bakit kasi hindi ako nagtyaga na mag-aral sa pagluluto? Ayan tuloy.

Binantayan ko nang mabuti yung niluluto ko. Inilapag ko ang cellphone ko sa gilid nang kitchen counter.

Nang makita na maayos na ang niluluto ay pinatay ko na ang stove. Hinugot ko na din ang rice cooker. Sa wakas, tapos na.

Tumingin ako sa orasan. 7:30 na. Magluluto pa ako nang sakin.

Pumunta ako sa living area kung saan seryoso pa rin na nagrereview si Grey.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon