Kabanata 11

186 2 0
                                    

Pagkatapos nang nangyari nung huling punta ko sa condo ni Grey ay nagbago na ang lahat.

I just can't help myself but to be happy. Halos araw araw na syang pumupunta sa unit ko.

We do kissing and cuddling but no more than that. We both know our limits. Maaga na din akong umuuwi to the point na hindi na ako nakakasama sa gala nina Kara.

Naiintindihan naman daw nila ako kahit na medyo inis pa din sila kay Grey.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magbago si Grey nang pakikitungo. All the tables turned. Pero kahit ano pa mang dahilan, masaya ako.

Those years of chasing the man I like finally paid off!!

"Elle, may sasabihin daw si Carl." Nagtataka kong tinignan si Kara at Carl. Itinaas ko pa ang kilay ko dahil magkakaharap na naman kami pero hindi pa masabi ni Carl ang sasabihin nya.

Nandito kasi kami sa benches sa may field. Break time namin.

"Peyn, dinner daw sa bahay sabi ni papa e." I sighed. Oo nga pala.

"Anong oras?"

"By 7 dapat nandun ka na. Susunduin pa kita?"

"No. Commute nalang ako." Agaran kong tanggi, baka makita pa ako ni Grey pag sinundo ako ni Carl.

Hindi naman sa nagf-feeling ako na nagseselos si Grey pero tuwing binabanggit ko si Carl ay umiinit ang ulo nya. Hindi ko tuloy masabi na tinutulungan ko si Carl.

Ewan ko ba. Kinikilig ako kahit feeling ko nag-aassume lang ako.

Kung pinaglalaruan ako ni Grey, paniguradong lahat nang kilig mapapalitan nang walang katapusan na pagddrama.

Pinaglalaruan nya nga kaya ako? I shook my head, hoping that my doubts and insecurities will be gone if I do so.

2 pm ay natapos na ang klase. Umuwi kaagad ako. Alam ko kasi na walang pasok si Grey tuwing Friday.

Napansin ko lang, hindi ako nagtanong.

Naabutan ko sya na nakaupo sa couch pagpasok ko sa unit ko.

Yeah, nandito sya. Nasanay na din ako. Well, alam naman kasi namin ang passcode nang isa't isa kaya okay lang din.

"Hi, "bati ko pagkatapos ay lumapit sa kanya para humalik.

Kahit pagod at feeling ko pawisan pa ako, humalik pa din ako. Aba, sinusulit ko lang.

Tumawa si Grey nang maramdaman ang kasabikan ko.

Lalayo na sana ako nang hapitin nya ang bewang ko palapit sa kanya. Nalaglag ang bag na dala dala ko.

Tignan mo, sa kalandian ko nga ay hindi ko pa pala naibaba ang bag ko.

He welcomed me with his hungry kisses. Parang lumulutang ako sa ere sa bawat lapat nang labi nya. Mapupusok ang halik nya at nakakalasing.

Bahagya ko syang itinulak pero mas hinila nya lang ako palapit. I smiled. Ayaw nya akong pakawalan.

Hinihiling ko nga minsan na sana hindi magsawa sakin si Grey. Malinaw sakin na laro ang lahat at lugi ako pero wala akong pakialam as long as I'm enjoying his game.

Grey is the game that I'm willing to play. Kahit matalo.

I learned that life is too short to deal with what ifs. Better yet enjoy everything and let your feelings rule your life.

"Grey..." I said when we stopped a bit.

"Mmmm?" Magkalapat ang mga noo namin at parehong naghahabol nang hininga pero bakit parang naaakit ako sa simpleng sagot nyang iyon.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon