Kabanata 42

112 5 0
                                    

I was surprised nung sinabi ni mama na binili nya ako nang kotse. I was so happy. Marunong naman akong mag-drive dahil nga may kotse din si mama pero di ko talaga expected na reregaluhan nya ako nang brand new car.

Kaya naman, naghanap agad ako nang trabaho para naman masuklian ko lahat nang binibigay ni mama.

Nag-apply ako sa isang sikat na network. Hindi naman sobrang bigat nang trabaho at hindi din sobrang mahal nang sweldo. Sapat lang para sa isang fresh grad na katulad ko.


Another months passed by. Kinailangan kong buksan ang dati kong social media accounts lalo na ang email ko dahil required yun sa bago kong trabaho. Magmula non ay nakakatanggap na ako nang facetime requests kina Kara. Tadtad din nang messages ang facebook at email ko.

Feeling ko maging ang IG ko at Twitter ay inii-stalk nang dati kong mga kaibigan.

Sinasabi din ni mama sakin na dumadaan daw paminsan minsan sina Carl sa bahay. Akala ko ay makakaiwas ako sa mga yun. Si Grey at Calum lang ang natakasan ko dahil iisang village nga lang pala kami nina Kara at Carl. Sasakay lang nang tricycle para makapunta sa kanila.

Gabing gabi na ako umuuwi kaya hindi nila ako naaabutan. Sa loob nang ilang buwan ay ganon ang ginawa ko. Puro iwas at pagtatago.

"Elle," tawag sakin ni Mama pagkauwi ko.

"Po?"

"Day-off mo ba bukas?"

"Opo." Malapad na ngumiti sakin si Mama.

"Bakit po?" Tanong ko pa ulit dahil kakaiba ang mga ngiti ni Mama sakin.

"Pupunta tayo bukas sa kabila." Nangunot bigla ang noo ko. Isa lang naman ang kabilang tinutukoy ni Mama. Iyon ay ang bahay nina Grey.

"Bakit? Kayo nalang po, magrerevise pa ako nang script."

"Aissh. Hindi pwedeng tumanggi. Nagtatampo na ang Tita mo dahil mula nang lumipat ka dito ay hindi ka na nya nakita."

"Pero Mama!"

"Feeling mo ba nandun si Grey? Bakit ba apektado ka pa rin, anak? Akala ko ba move on ka na?" Nasapo ko ang ulo ko sa mga pinagsasabi nang nanay ko.

"Saglit lang ako dun, ah. Dinner lang."

"Bakit? May pupuntahan ka ba sa umaga?"

"Opo. Ipapasa ko pa yung script sa head namin. Kailangan kasi yung ma-review agad."

"Akala ko ba day off mo?"

"Oo nga po. Idadaan ko lang po yun. Tapos baka magtulog ako sa bahay nang ilang oras. Basta, Ma sa dinner na lang ako pupunta, ha?"

Disappointed na tumango sakin si Mama. Nilapitan ko sya at niyakap.

"May ano ba kasi kina Tita at kailangang kailangan kong pumunta?"

"Wala. May surprise lang kami nang Tita mo sayo."

"Bakit hindi nalang sa bahay natin?"

"Basta." Ngumiti ako sa kanya. Sus. Pa-secret secret pa sina mama. Ano naman kaya yun?

--
Magdamag kong in-edit yung script na ibinigay sakin. Natapos ako nang 10 pm. Pagkatapos ko sa editing ay sinimulan ko ang paggawa nang panibagong script na gagamitin nang DJ para sa monday.

My work is so tiring pero nage-enjoy naman ako. Nakikita ko din ang ilang artista na dumadaan sa studio namin kaya kahit papaano ay nalilibang din ako.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon